MABILIS na nagsisi si Maki sa mga nasabi niya nang makitang nalukot ang mukha ni Allen. At nang bigla itong umiyak, nataranta na siya. Parang nilamutak ang puso niya at nahirapan siya huminga. Mabilis na natanggal ang maskara ng indifference na pilit niyang ipinakita rito kanina para lang huwag na itong lumapit sa kaniya. Bukod sa bigla niyang naalala si Shannon nang marinig niya ang sentence na, Hindi mo ba ako na-miss? Nanariwa ang nangyari kagabi kaya bigla siyang nakaramdam ng galit. Mali na naibunton niya rito ang galit niya. Nagpatuloy sa pag-iyak si Allen. Bakas ang vulnerability sa maganda nitong mukha. Nahirapan siya huminga at humapdi rin ang kanyang mga mata. s**t. Mga bata pa lang sila, kahinaan na ni Maki ang mga luha nito. “I’m sorry,” garalgal na usal niya. Yumuko ito, hum