CHAPTER 29

1157 Words

TWELVE years old si Maki nang isaoli siya ng foster parents niya sa bahay ampunan kasi magkakaroon na ang mga ito ng sarili at tunay na anak. Ilang linggo siya nagmukmok kasi masama ang loob niya na napahiwalay siya sa mag amang Magsanoc at sa mga kaibigan ni Allen na naging kaibigan na rin niya. Bukod sa pagsapit ng gabi, kapag matutulog na siya, bumabalik sa isip niya ang mukha ng mama ng dalagita. Naalala niya ang huling beses na nakita niya ang may-edad na babae bago ito itakbo sa ospital at bawian ng buhay. Hindi niya nasabi noon kay Allen at lalo na sa ama nito pero nakapag-usap sila ni Lorena Magsanoc bago ito itakbo sa ospital. Nang sabihin nito na magluluto ito ng pagkain ay sumunod si Maki sa kusina para tumulong. Iyon ang unang beses na napagsolo sila ng babae na noon pa niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD