SA MGA sumunod na araw napansin ni Allen na iniiwasan siya ni Maki. Hindi ito sumasagot sa text at tawag niya. Sa ilang beses na nagkasalubong sila sa campus ay ni hindi siya nito tinitingnan sa mga mata at mabilis na lalayo sa kaniya. Bigla parang bumalik sila noong mga unang araw ng college, noong panahon na sinusungitan pa siya nito. Worst, hindi na rin ito pumapasyal sa apartment nila. Kahit tuloy ang papa niya, nagtataka na. “Baka pinagbawalan siya ng girlfriend niya na maging close sa’yo. Like maybe somehow she learned about you or something like that,” sabi ni Carla isang hapon. Naglalakad sila sa campus at nakita nilang papunta na rin sa direksiyon ng university gate si Maki. Sigurado siyang nakita rin sila nito kasi nagtama ang mga paningin nila ng binata. Pero imbes na batiin si