PASADO alas syete na ng umaga, pagngiti-ngiti si Cadmus habang nakatagilid ng higa sa kama paharap kay Kristen, nakatukod ang isang siko nito at doon nakaunan ang ulo sa kamay habang ang mga mata ay nakatutok kay Kristen na mahimbing pang natutulog. Pinagmamasdan niya ito habang tulog na para bang isang magandang palamuti na hindi nakakasawang titigan. Kaya naman nang magising si Kristen ay nagulat ito nang pagmumukha agad ni Cadmus ang bumungad sa kaniya. “Good morning, babe!” he greeted her with a sweet smile. Napakurap na si Kristen. Ngunit bago pa siya makasagot ay pinaulanan na siya ni Cadmus ng halik sa kaniyang buong mukha. “My god! Stop kissing me!” she complained and pushed him away. Pero ngumisi lang si Cadmus at hinawakan lang nito ang mga braso niya para hindi siya makap