MATAPOS gawin ang mga school reports at iba pa ay bumawi agad ng tulog si Kristen. Hindi naman umalis si Cedric, bagkus ay natulog din ito sa tabi niya, sinamahan siya sa kama kahit tinataboy na niya na umuwi muna dahil maaga pa naman para gumala. Nang magising ay nag-lunch muna sila saka umalis na para gumala. Tinuloy nila ang pagpunta sa beach. Pero hindi naman sila naligo pagdating doon, dahil tamang picture picture lang silang dalawa at naghabul-habulan lang sa buhangin na parang mga bata. Pagabi na nang makaalis sila ng beach at dumaan muna sa isang restaurant para makapag-dinner dahil pasado alas syete na rin. “Parang ayaw ko pang umuwi, Ced,” ani Kristen pagkalabas nila ng restaurant. “Same. How about, mag-clubbing na lang muna tayo? Tutal umiinom ka naman, ’di ba?” Cedric sugg