CHAPTER 14 NIÑA's POV: NGAYON ko lang napagtanto na masalimoot ang nangyari sa buhay ni Greg. Kaya pala labis ang galit sa puso niya dahil sa sinapit ng kanyang asawa. Kahit sino, ay babalutan nang hinagpis at poot kapag harap-harapang pinatay ang taong mahal mo — lalo na't sa araw mismo ng kasal. Kaya heto ako, unti-unti kong naiintindihan kung saan galing ang galit ni Greg. Marahil ay masyado siyang nangulila sa kanyang asawa — kaya wala siyang ibang mabalingan na babae — kundi ako. Pero deserve ko ba talaga ito? Deserve ko ba na maging parausan niya? Sa naisip kong ito ay tila awang-awa na rin ako sa magiging lagay ng katawan ko. Mas malala pa yata ang mararanasan ko sa kamay ni Greg kaysa sa cancer na kinakaharap ko ngayon. Pero ano bang magagawa ko? Wala akong kakayahan na ma