CHAPTER 2

1672 Words
WALA NA AKONG NAGAWA. Right after ng shift namin ay hila-hila na nina Ynah and Heidz ang magkabilang kamay ko papasok sa mall na malapit sa aming company. Pagkarating namin doon sa mall ay halos kabubukas lang. Early bird namin. Mag-o-overtime dapat ako pero heto nasa loob ako ng mall at makikipagkita sa close friend ni Ynah. “Ramdam niyo bang tayo pa lang ang nandito?” nayayamot kong sabi sa dalawa at hindi pa rin nila binibitawan ang aking magkabilang kamay. “Of couse, Trixia! You can see kabubukas lang ng Mall, mag-na-nine in the morning na!” Napalabi ako sa sinagot niya sa akin. “Nasaan kaya ang isang niyon? Ang sabi ko sa kanya pumunta nang maaga dahil night shift tayo this month kaya maaga ang uwian natin.” Narinig ko ang sabi niya at tumitingin siya sa kanyang phone. “I-text mo kaya? O, ‘di kaya tawagan mo?” Rinig ko namang suggest ni Heidz sa kaibigan namin. Oh, f**k! Inaantok na nagugutom na ako! Hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko ngayon! Pero, isa lang ang gusto ko, gusto ko ng umuwi sa amin! “Oh, finally! Nagreply na rin siya!” Bakas sa mukha niya ang saya. Sana all masaya. “Oh, nasa food court daw siya. Come on, girls! Need natin bumaba!” Hinila na naman nila ako at sumakay kami ng escalator papunta sa food court. “Nasaan daw siya, Ynah?” pagtatanong ni Heidz habang nakatingin sa akin, nasa likuran ko kasi siya. “Bandang samurai tonkatsu food stall raw siya! Nagreply ako na pababa na tayo.” sagot naman ng isang ito. Hindi ako sumisingit sa usapan nila dahil sa una‘t huli ay tamad akong magsalita. Pumayag lang naman ako dahil gusto ko na silang tumahimik sa pangungulit sa akin. Hawak na naman ni Ynah ang aking kanang pulsuhan habang papunta sa sinabi niya kanina kung nasaan ang close friend niya. “Ayon siya!” bulalas na sabi niya sa amin at tinuro pa ang lalaking naka-formal attire na kulay light blue at sa sandalan ng upuan niya ay may black coat doon. Anong trabaho ng isang ito? Nangunot ang noo ko habang tinitignan ko siya. Hindi ko kasi makita ang mukha dahil na rin nakatalikod pa rin siya sa akin. “Isa siyang architect, Trixia, kaya secured ang future mo sa close friend ko. Dali, lapitan na natin siya!” Excited niyang sabi sa amin at kaya napabilis ang lakad namin palapit sa lalaki. “Oh, hi, Ceasar!” bati ni Ynah sa lalaki ng makarating kami sa p'westo niya. “Sorry, hah? Na-late kami ng dating kaka-out lang kasi namin.” Hingi niya nang paumanhin sa lalaki. “No, it's okay. I just arrived too, Ynah. Sit down, what do you want to eat?” Napatingin ako sa kanya dahil sa klase ng kanyang boses. Malambing ba talaga ang boses niya, o, sinadya lang niya dahil puro babae kami? “Thank you, Caesar!” Umupo kami at pinaupo ako ni Ynah sa tabi nu'ng Caesar. Ang dalawang kaibigan ko ay umupo sa harap namin. Nice. “By the way, Caesar, this is Trixia Lope. Iyong tinatanong mo sa akin. Ayan, ha, sinama ko na para makilala mo talaga nang personal.” masiglang sabi ni Ynah at tinuro ako. Napatingin ako roon sa Caesar. Mukhang mas matanda ako sa kanya. “Hi, nice to meet you.” saad ko at tumango sa akin. “Wait lang, huh? Oorder na kami, kami na bahala sa order mo, Trixia! Bye!” Napatingin ako sa papalayong bulto nina Ynah at Heidz. Iniwan ako ng mga impakta na iyon. “Hi, I'm Caesar Aravilla, isang architect sa isang field na malapit dito place na ‘to. Sana hindi ka mailang sa akin? Nice to meet you too.” Nakita ko ang nakalahad niyang kamay sa akin kaya kumamay na rin ako. “Bakit gusto mong makipagkita?” Diretsong tanong ko sa kanya. Hindi ko ikakaila na gwapong lalaki siya. Sa tansya ko ang height niya ay nasa 6'1, medyo may kaputian ang kulay niya and ang kamay niya ay mas malapad pa yata sa mukha ko. Overall, he is a very nice man. Napakamot sa kanyang buhok, “I really don't know also, Ms. Trixia. I just saw your picture on Ynah's post, then I asked her who the girl next to her was, she said it was you. She also told me that you have no boyfriend since birth, so I became more interested in you. Am I a creepy guy?” aniya sa akin at mahinang tumawa. Creepy guy? “Kind of. Mukhang mas bata ka sa akin and for sure maraming babae naghahabol sayo. To this conversation short, boring akong babae. Wala akong experience sa kilig na mayro'n ang iba. Kung ako sa'yo iba na lang ang piliin mo.” saad ko sa kanya. Sinabi ko na agad ang gusto kong iparating sa kanya, ayoko rin naman umasa lalo na't gwapo nga siya. Imposibleng walang nagkakagusto sa kanya. “So, busted agad ako? Hindi pa ako nag-uumpisa manligaw man lang? And, binabase mo ba sa mukha ng isang lalaki kung loyal ito? Paano kung gwapo nga siya pero stick to one naman? Hindi ba p'wedeng i-try mo munang makipag-date then doon ko mag-decide, Ms. Trixia?” Nakita ko ang pagyuko after niyang sabihin niyon. My point siya roon? Pero, lahat kasi ng gwapo ay sakit sa ulo. Madala sila ang habulin ng mga babae. Tumingin ako sa kanya. “I‘m sorry if I offend you but hypothetically speaking nagpapatotoo lang ako, Mr. Caesar.” saad ko at ngumiti sa kanya. “But, what if Ms. Trixia, kung ang lalaking iyon ay para sa iyo na pero dahil sa what if and hypothetically speaking mo ay mawala ng tuluyan sayo?” pagtatanong niya sa akin na siyang kinatigil ko. What if? What if lang naman, right? “I‘m sorry to say this, Mr. Caesar. I'm sorry if I burst the bubbles in your mind, Mr. Caesar. You said what if he is the man for me and I also rejected him because of his handsome appearance. But if he's really into me, he'll do everything to get my sweet yes and he won't give up right away, right? I am correct, right?” Hindi ako nagpatalo sa kanya. “You‘re correct dahil sa sinabi mo, I'm pursuing you, Ms. Trixia Lope. By the way, I will introduce myself to you again. I'm Caesar Aravilla, an architect, 26 years old and I'm single ready to be yours.” Nagulat ako sa kanyang sinabi. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Seryoso ba siya? “I‘m so–” Naputol ang aking sasabihin ng makitang paparating na sina Ynah at Heidz. “We‘re back! Let's eat first!” anunsyo niya sa amin at nilapag ang tray na buhat niya sa table. After nu'n hindi na ulit ako nagsalita pa hanggang nagpasya na kami umuwi. “Nice to meet you again, Caesar! Ingat sa work mo!” paalam ni Ynah sa close friend and nalaman kong magbabarkada sila noong highschool days nila. “Take care also, Trixia.” Nagulat ako ng magsalita siya kaya tumango na lang ako sa kanya. Lumabas na rin kami sa Mall at ang boses ni Ynah ay nagtatanong sa akin. “Anong pinag-usapan niyong dalawa habang wala kami ni Heidz, huh?” Hindi ko siya pinansin. Nagbayad na ako n aking pamasahe sa jeep. Gusto ko ng matulog at mamaya lamang din ay pasok na naman kami. “Huy, Trixia, ano pinag-usapan niyong dalawa? I-share mo naman sa amin!” Pangungulit niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. “Hmmp! Kay Caesar na lang ako magtatanong about sa pinag-usapan niyo kanina. Jackpot ka na kaya kay Caesar, gwapo na architect at higit sa lahat loyal pa. May dalawang ex-girlfriend lang kaya iyon at ang dalawang relationship niya ay umabot pa ng ilang taon bago pa sila naghiwalay at dahilan pa ng hiwalayan nila ay dahil sa exes niya. Boring daw kasi si Caesar.” Nakikinig ako sa sinabi niya. Boring? “Paanong boring? Gano'ng mukha ay boring sa dalawang exes niya?” Narinig ko ang pagtatanong ni Heidz. “Yes, frenny! Napaka-mature naman kasi ni Caesar kaya siguro iniiwan siya. And, isa na rin siguro na puro trabaho ang inaatupag niya, right after niyang grumaduate at pumasa bilang architect ay nagtrabaho agad siya. Napabayaan niya siguro ang kanyang lovelife.” “Hindi ba okay ang rason na iyon? He's hardworking.” sumingit na ako sa usapan nilang dalawa ni Heidz. “Okay ang rason, Trixia, pero ayaw yata ng mga ex-girlfriend niya ng gano'n? Kaya iniwan siya. Teka,” nakita ko ang ngisi ni Ynah sa akin. Masama ang kutob ko sa kanya. “Bakit concerned ka na sa kanya, huh? Na-inlove ka na ba sa barkada ko, Trixia? Alam kong gano'n ang type mo, ‘di ba?” Pang-aasar niyang sabi sa akin at nag-umpisa na nga ang pagtaas-baba ng kanyang mga kilay. Sinasabi ko na nga ba. Bakit kasi nagtanong pa ako. “I‘m just asking, Ynah. That's it. Huwag mong bigyan kahulugan iyong tanong ko.” saad ko at tumahimik na ulit. Naramdaman ko ang pagsundot niya sa aking tagiliran at inangilan ko siya. “Stop!” saad ko. “Bakit kasi ayaw mo pang aminin, Trixia? Give chance for Caesar, promise guaranteed ang isang iyon. Guaranteed na never ka na forever single, Trixia!” wika niya sa akin at pinalo ako sa aking braso halos mahulog ako sa aking kinauupuan. Ang lakas talaga nitong mamalo. “Kuya, para po!” Gaganti pa sana ako pero ang lintik ng isang ito, nakababa na agad. Ineye to eye ko siya, yari ka sa akin mamaya pagpasok ulit. Caesar Aravilla? Should I give him a chance? Paano si... Nevermind. Alam kong never na siyang babalik.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD