CHAPTER 1
“Trixia!” Napalingon ako sa aking likuran ng makita ko si Ynah. Humahangos siyang lumalakad palapit sa akin.
“Why, Ynah? Anong mayro'n?” Pagtatanong ko sa kanya at binigay ko sa kanya ang aking panyo.
Napahawak siya sa kanyang tuhod at nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. “May importante bang nangyari, Ynah? Kaya bang nagmamadali kang hanapin ako? Hingal na hingal ka, pasensya na‘t wala akong dalang tubig ngayon.” pagtatanong ko ulit sa kanya.
Umiling siya at tinapat ang kanang kamay niya sa akin. “H-hindi niyon, Trixia!” Napatigil siya sa kanyang sasabihin at ngayon naman ay humawak ang kanyang kaliwang kamay sa pader. “Alam mo na ba?” pagtatanong na niya ng maka-recover na siya sa hingal.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Ang alin? Alin ang alam ko na?” Nahihiwagaan kong tanong sa kanya.
Maglalaro ba kami ng pinoy henyo? Bakit hindi niya agad sabihin sa akin kung ano man ang alam niya na hindi ko alam? Hay, buhay!
“So, wala kang alam?” Gulat niyang sabi at maging ang mga mata ay namilog din. “Tsk, Trixia! Akala ko pa naman magkaka-jowa ka na this year at hindi ka na mahahawaan ng lahi niyong matandang dalaga!”
Napapikit at napa-atras ako nang kaunti dahil sa lakas nang boses ni Ynah. “Masakit sa tenga.” Wala kong ganang sabi sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, “Trixia! Hindi mo alam ang nangyayari sa canteen, ha? Si Jeremy nag-propose ng panliligaw kay Sandy! Akala ko ba ikaw ang pinopormohan ng isang iyon?! Bakit kay Sandy siya nag-propose ng panliligaw, huh?!” nagtataka niyang tanong sa akin at hindi pa siya nakuntento roon dahil inalog niya ang magkabilang braso ko na hawak niya. “Trixia, bakit gano'n ang nangyari? Bakit sa si Sandy?”
Pinakalma ko ang aking sarili at hinawakan ang kanyang magkabilang braso rin. “Keep calm, Ynah! Relax, okay?! Inhale, exhale...” pagpapakalma kong sabi sa kanya at mabuti na lamang ay sumunod siya sa akin.
Tinanggal niya ang kanyang pagkakahawak sa aking magkabilang braso ko. Masakit ang pagkakakapit ni Ynah sa magkabilang braso ko, ha? Sana lang ‘wag magkaroon ng pasa.
“I‘m finally calm, Trixia. Explain to me right now kung bakit si Sandy siya nagpropose ng panliligaw, huh? Trixia, gusto ko nang matino at detailed na explanation! Bestfriend mo ako, ‘di ba?!”
Nag-drama na naman siya. Ginalaw ko ang aking tenga mukhang mabibingi na talaga ako dahil sa mala-megaphone na boses niya. “Hindi naman talaga ako ang nililigawan niya, Ynah. Sa una pa lang si Sandy na talaga ang crush at balak niyang ligawan. Humingi lang siya ng tulong sa akin.” pagpapaunawa ko sa kanya.
Bagsak ang balikat na tumingin siya sa akin. “S-seryoso ka?” Nakatingin na tanong niya sa akin at waring tinitignan niya kung nagsisinungaling ako.
Tumango ako sa kanya, “Um, oo. Sure na sure ako, Ynah.”
Napatampal siya sa kanyang noo at hinila pa niya ang bagsak na buhok niya. “B-bakit pakiramdam namin ni Heidz ay ikaw ang nililigawan niya, Trixia! Iyong tingin niyo sa isa't-isa at pagtawa niyo nang sabay, bagay na bagay kayo, Trixia! Bakit gano'n?” Dismaya ang kanyang mukha na tumingin sa akin at maging ang kanyang boses ay dismayado rin.
Gano'n ba kami kapag tinitignan ng iba? Kasi kapag nagtatawanan kaming dalawa mukhang awkward kami sa isa't-isa. Tapos iyong tinginan namin? Mukha nga siyang manyak kung tumingin sa akin. Anong bagay roon?
Napalabi na lang ako sa sinabi ni Ynah. “Wala talaga, Ynah. At, wala akong gusto kay Jeremy, ni-isang pagtibok nga ng dibdib ko hindi magawa kapag tinitignan ko siya. Kaya sobrang labo niyang iniisip niyo, Ynah!” pagsasabi ko sa kanya nang totoo.
“Gano‘n ba?” Napaisip niyang sabi sa akin at mukhang nahimasmasan na ang isipan niya. “Oo nga naman, Trixia, hindi kayo bagay ni Jeremy. Nasa 29 years old ka na pero ang fresh mo pa rin maging niyang perlas mo ay sobrang fresh pa kaya dapat doon ka mapunta sa pogi at mayaman na lalaki para secured ang future mo, Trixia!” Masayang sabi niya sa akin at tinapik-tapik ang aking balikat.
Nag-iba na naman ang mood niya. Ang bilis talaga magbago kapag usapang lalaki. Napailing na lang ako sa kanya at lumakad na pabalik sa may area ko. Kailangan kong mag-overtime ngayon dahil kailangan ko ng dagdag na sahod this month. May need akong bilhin.
“H-hep! Hep lang naman, Trixia!” Napahinto na naman ako sa paglalakad dahil sa kanya. Ano na naman ang kailangan niya sa akin?
“Why na naman, Ynah? Maya lamang ay tapos na ang break natin. Marami akong naka-pending ngayon.” bagot na sabi ko sa kanya.
Iba't-ibang problem ang kinahaharap namin everyday sa trabaho namin bilang call center agent. Ang ibang calls namin ay sobrang babaw ng problem at ikaw na lang ang mababagot at maiinis kapag sinagot mo lalo na kapag natapat ka sa caller na masungit at matapang kahit pinapaliwanag mo naman nang mabuti sa kanya.
“Hindi naman pala nanliligaw sa'yo si Jeremy... So,” nakita ko ang ngisi sa kanyang labi. Masama ang kutob ko sa ngiti na iyan. “So, p'wede mo ng puntahan ang sinasabi ko sayo, Trixia.” aniya sa akin at nagtaas-baba ang kanyang kilay.
Sinasabi ko na nga ba.
Napakamot ako sa aking buhok at ningitian siya. “Wala akong panahon para roon, Ynah! Saka hindi ako sanay na mag-eyeball.” sagot ko sa kanya. “Kaya no thanks!”
“T-teka lang naman, Trixia! Close friend ko ang isang ito! I swear, mabait at gentleman ang isang ito. Sinend ko na sa kanya ang picture mo and gusto ka niya makita!” Awat niya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
“Hindi nga ako sanay mag-eyeball, Ynah. Hindi ako friendly sa ibang tao. Mawawalan lang ng saysay niyan.” Tinatanggal ko ang kanyang kamay sa akin pero ang higpit ng pagkakapit niya.
“Sasama kami ni Heidz sayo, Trixia! Saka hindi ka ba nagsasawang maging single forever? Iyong mga kapatid mo lahat sila may jowa, ikaw lang ang wala!” Panunumbat niya sa akin.
Usapang jowa na naman ito. P'wede naman akong mabuhay na walang boyfriend. Nakakamatay ba na walang boyfriend, huh? And, required ba na magkaroon nu'n?
“Hindi naman nakakamatay ang walang jowa, Ynah.” bagot kong sabi sa kanya.
Ang gusto ko lang ay magkaroon nang maraming pera at maumpisahan na ang gusto kong bahay. Iyon ang ultimate goal ko sa buhay.
“Hindi nga nakakamatay pero sakit naman sa ulo. So, I'm going back to my area to work again.” I said to her and I actually removed her hand from me.
“Wait lang naman, Trixia! Kahit saglit lang! Makita mo lang iyong close friend ko, Trixia!” nagsasalita pa rin siya habang nakasunod sa aking likuran. “Sasamahan ka namin ni Heidz. Hindi kami aalis kapag magkita na kayo ng close friend ko. I'll promise!”
Hindi ko siya pinansin, dumiretso upo ako sa aking p'westo. “Trixia naman! Pumayag ka na para sa amin. Gustong-gusto ka lang niya makita. Hindi naman porket nagkita na kayong dalawa ay manliligaw na iyon sayo, s‘yempre depende pa rin sa'yo.” Salita pa rin niya sa akin at umupo na rin sa silya niya.
“Ynah, pumayag na siya?!”
Napalingon ako at nakita ko si Heidz na nasa pinto. Siya lang naman ang nagtanong.
“Hehe, mission failed?” Natatawang sabi niya at lumapit kay Ynah.
“Yeah, hindi ko ba alam rito sa frienny natin ba't takot makipagmeet-up sa ibang tao. Sasamahan naman natin siya.”
Naririnig ko ang mga boses nila at mukhang pinaparinggan talaga nila ako.
“Hays, hindi ba siya naiinggit sa atin tuwing Valentine's day? May flower, teddy bear and chocolates tayo tapos siya waley man lang na hawak.”
Pinabayaan ko sila na paringgan ako. Babalik na lang ulit ako sa work. Need ko ng pera. Pera lang naman ang kailangan ko at wala ng iba.
“Hay! Hay! Hay! Buksan niyo na iyang mga computer at bumalik na sa pagtatrabaho. Hindi niyong puro lovelife iyong pinag-uusapan niyo, hindi kayo magkakaroon ng pera d'yan.” Inis kong sabi sa kanila at ginawa na ang unang task ko.
“Besh, magkakaroon ka ng instant money kung AFAM ang magiging jowa mo!”
Napalingon ako kay Ynah at nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang magkabilang kilay. “Kung ayaw mo sa close friend ko roon ka na lang sa AFAM, tutulungan ka namin ni Heidz maghanap, iyong trusted and guarantee na AFAM!” aniya sa akin at pinalo ang aking braso, nahaplos ko tuloy. Ang bigat talaga ng kamay ng isang ito.
Pinang-ikutan ko siya ng aking mga mata at I mouthed her, “magtrabaho ka na lang.” Kaya nakita ko ang pagsimangot niya sa akin.
“Yes, ma'am. I guarantee you that's okay... Anything questions about that? Oh, have a nice day! Thank you.” sabi ko sa aking kausap sa aking trabaho.
Binaba ko ang aking headphones sa leeg ko at tumingin sa dalawang kaibigan ko. “Hindi pa ba kayo mag-uumpisa d'yan, huh? Less than two minutes na lang mag-i-start na rin ang trabaho natin.” sabi ko sa kanilang dalawa pero dineadma lang nila ako.
“Besh naman kasi! Kahit saglit lang naman, gusto ka lang makita ng close friend ko talaga.” Pagpapaawa pa rin ni Ynah sa akin at isama mo pa itong si Heidz, hindi ko ba alam kung paano ko sila naging kaibigan.
Napabuga ako nang aking hangin. Alam kong hindi nila ako tatantanan kaya papayag na lang ako sa gusto nilang dalawa.
“Okay, fine!” suko kong sabi sa kanilang dalawa. “Pero, saglit lang ako. At, hindi ako magbibigay motibo sa close friend mo, huh?” Sinabi ko na agad sa kanya para hindi umasa ang kaibigan niya sa akin dahil sa una palang ay tanggap ko na ang magiging kapalaran ko.