CHAPTER 1

2098 Words
CHAPTER 1 NAKAHALUMBABA ako habang nakikinig sa professor namin sa philosophy. Inaantok na ako ngunit hindi ko magawang umidlip dahil baka makita ako ng professor namin at tawagin ako para sumagot sa tanong niya. "Hey, don't sleep. Baka makita ka ni Sir. Pascua," sabi ni Dina, isa sa kaklase ko na naging kaibigan ko. "It's none of your business," sabay irap ko sa kanya. Tinuon ko ang atensyon ko sa professor namin para magpanggap na nakikinig ako sa tinuturo niya. "All right, may recitation tayo today, please, stand up when I call your name, okay!" wika ng professor namin. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Inusog ko ang upuan ko at tumingin sa whiteboard. Daig ko pa ang kriminal sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko kapag bigla niya akong tinawag hindi naman kasi ako nakinig sa kanya kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase ko lahat sila ay tahimik at halatang takot tawagin. Sinong hindi matatakot sa kanya? Kung hindi mo masasagot ang tanong niya, hindi ka makakaupo hanggat walang nakakasagot ng tama. Nagdasal ako ng maraming beses umaasa na hindi ako tawagin para sa sagutin ang tanong niya. Hindi naman ako bobo pero minsan mabilis akong makalimot lalo na sa mga subjects na hindi ko gusto. "Miss Tiffanie De Verra," sabi ni Mr. Pascua Biglang nawala ang antok ko nang marinig ko ang pangalan kong tinawag niya.Shit! May kahit sigurong manghuhula si Sir. Pascua dahil alam na alam niya ang mga hindi nakikinig sa kanya. Para tuloy akong hinahabol ng sampung kabayo sa sobrang kaba. "Y-Yes, sir?" Nabubulol kong sabi. "Who is the father of western philosophy?” "S-Sir..” Tumingin ako sa paligid ko nagbabakasakali akong may mabait akong kaklase na magbibigay ng sagot sa'kin. Damn it! Miss Tiffanie? "he repeated. "Sir, excuse me, ako na po ang sasagot sa tanong n'yo para sa kanya." Binaling ko ang tingin sa nagsalita at gayon na lang pagkagulat ko nang makita kong tumayo si Mathew para sumagot. Si Mathew ang nerd pero matalinong estudyante sa klase namin. Kulot ng buhok niya, may makapal na salamin at matangkad ito. Matalino siya pero palagi siyang binu-bully ng mga estudyante dahil sa itsura niya. "Yes, Mr. Mathew Gatchillan?" sagot ng professor namin. “The western philosophy is Socrates.” “Correct. What is the meaning of Philosophy?” “Philosophy literally means a "love of wisdom." Philosophy is, essentially, the study of knowledge and existence, as well as values, truth and reason. It comes from the Greek "Sophia," meaning knowledge and "Philo," meaning love.” “Very good, you may sit Mr. Gatchillan and also Miss. De Verra.” Nakahinga ako ng maluwag nang nakaupo na ako. Tumingin ako kay Mathew para magpasalamat sa kanya. Umiwas siya ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Tinapik ako sa balikat ni Dina."Girl, I think he likes you." Sabay tingin niya kay Mathew. "Maybe not." "I'm sure about that lagi ko siyang nahuhuli na nakatingin sa 'yo. Lagi ka niyang sinasagip sa ganitong eksena." Biro niya. I rolled my eyes. "Don't make an issue, Mathew is kind to me.” Nagkibit-balikat siya. "Okay, it's up to you," Dahil sa sinabi ni Dina. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi tumingin kay Mathew habang nasa loob kami ng klase. Tahimik si Mathew at walang gustong makipag kaibigan sa kanya kaya madalas siyang mag-isa. Sa tuwing walang professor lagi siyang nasa library at nagbabasa ng mga libro. Nakatayo ako sa loob ng cafeteria at may hawak na tray ng pagkain. Ilang beses akong tinawagan ni Dina at ng iba kong classmates para sumabay sa kanila sa pagkain pero tinanggihan ko silang lahat. Hinahanap ko kasi si Mathew dahil gusto ko siyang makasama sa pagkain upang magpasalamat sa lahat ng tulong niya sa 'kin. "Ayun siya!" Nakita ko siyang nasa dulo ng table kung saan walang masyadong tao. Mag-isa siyang kumakain ng lunch kung kaya't lumapit ako sa kanya. "Hi, puwede maki-share ng table?" I smiled. Tumingin siya sa akin at mabilis na yumuko. Hindi siya nagsalita pero inalis niya ang kanyang bag na nakalagay sa bakanteng upuan. Umupo sa paharap sa kanya. Inilagay ko ang mga pagkain ko sa table habang si Mathew ay kumakain ng lunch. "Ehem!" Napansin kong tumingin siya sa akin ngunit hindi siya huminto sa pagkain. "Nakakainis ang waitress na 'yon. Naging doble ang pagkain ko. Nakakahiya naman kung isasauli ko ito." "Puwede mo naman ibalik kung gusto mo." tipid niyang sagot. "Nahihiya na akong isauli, tulungan mo na lang akong ubusin ang pagkain na 'to." "I'm full." "Please!" I pouted. For the first time ay tumingin siya sa akin. "Wala ka bang magawa sa buhay mo Miss. De Verra?" I glared at him. "What's wrong? I want to be your friend," "Why me? Maraming lalaki ang gustong maging kaibigan ka at hindi ako kasali sa mga 'yon.". He took his bag and left. Hinabol ko siya ng tingin. "He's Rude." Sinadya ko pa naman na bumili ng maraming pagkain para sa kanya pagkatapos iiwan lang niya ako. Nabigo akong maging kaibigan si Mathew dahil sa tuwing lumalapit ako sa kanya ay umiiwas naman siya sa 'kin, siguro dahil ayaw niya magkaroon ng kaibigan. Totoo pala ang expectation vs reality. Ang akala ko pa naman ay gusto niya ako kay ako ang unang lumapit sa kanya, nagkamali ako dahil mas lalo siyang naging mailap sa 'kin. Isa-isa kong inilagay sa bago ko ang mga gamit ko sa loob ng bag ko para umuwi na. Ito na kasi ang huling klase ko ngayong araw. Habang naglalakad ako papunta sa car park at nakarinig ako ng malakas na hiyawan. Hinanap ko ang ingay na iyon at nakita ko ang mga kalalakihan na nagkakagulo sa puno ng narra out of curiosity ay lumapit ako upang tingnan 'yon. "What's that!" sigaw ko. Huminto sila at pagkatapos sabay-sabay silang tumingin sa’kin, napansin kong may lalaking nakadapa sa lupa at nang lapitan ko 'yon laking gulat ko nang makita ko si Mathew. "Mathew!" Lumapit ako sa kanya at inangat ko ng bahagya ang katawan niya. "Why did you beat him?" May pasa ang mukha ni Mathew at may dugo na rin ang labi niya napansin ko rin na basag na ang salamin niya. Hinawakan ko ang mukha niya. "Mathew.." Halata sa mukha niya na pinahirapan siya at mukhang balak pa siyang patayin dahil sa itsura niya ngayon. "Inutusan kami ni Frederick,”sagot ng lalaki. " Frederick? Bakit niya ginawa ito?" I frowned. Si Frederick ay isa mga manliligaw ko, siya ay anak ng Mayor sa bayan namin. Mayabang, rude at arogante si Frederick. Sa halip na sagutin nila ako. Isa-isa silang umalis at sumakay sa kanilang kotse. "Mathew, kaya mo bang tumayo? Dadalhin kita sa hospital." May luha sa mga mata niya. Marahil ay nakiusap siya sa mga nambugbog sa kanya ngunit hindi siya pinakinggan. Hindi ko napigilan ang sarili kong punasan ang luha niya sa pisngi. Tumayo ako upang maghanap ng tutulong sa’min. Tinawag ko ang security guard ng University na nasa exit gate. Tinulungan niya akong isakay si Mathew sa kotse ko. Agad kong dinala si Mathew sa hospital at agad naman siyang nabigyan ng first aid ng mga naka-duty na nurses. Tinawagan ko na rin ang Mommy ni Mathew. Numero ng cellphone ng Mommy niya ang nasa emergency contact na nakalagay sa school ID niya. Nang dumating ang Mommy ni Mathew ay umuwi na rin ako. ******* Alas-otso nang gabi nang makarating ako sa bahay namin. "Bakit ngayon ka lang umuwi, Tiffanie?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa 'kin. Yaya Flor ay naging pangalawang Mommy ko mula pa noong bata ako. Ang Mommy at Daddy ko ay lahing busy sa kanilang business kaya siya at ang mga katulong namin sa bahay ang lagi kong kasama. "Yaya, dinala ko sa hospital ang classmate ko kaya ako ginabi ng uwi." "Bakit anong nangyari sa kanya?" "Na-bully at binugbog sa school. Yaya, I'm hungry, anong niluto mo?" Dinala ako ni Yaya sa kusina. "Nagluto ako ng paborito mong roast chicken.' I smiled. "Mukhang makakalimutan ko naman ang diet nito." Yaya Flor ay mahilig magluto ng mga paborito kong pagkain. Masaya siya kapag pinupuri ko ang niluluto niya kaya naman palagi akong excited umuwi dahil sa masarap niyang luto. Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako sa kuwarto ko upang matulog. Wala sa loob ng klase si Mathew nang pumasok ako sa klase. Ilang beses kong tinitingnan ang upuan niya ngunit wala siya. Marahil ay hindi pa siya nakalabas ng ospital. Hindi naman malala ang naging sugat niya ngunit hindi siguro pumayag ang Mommy niya na lumabas siya agad. "Mathew is absent today," said Dina while putting lipstick on her lips. "Hindi pa siguro siya nakalabas ng hospital," sagot ko. Huminto si Dina sa paglalagay ng lipstick sa labi niya. "How did you know he was in the hospital? Don't tell me na mas chismosa ka na sa akin ngayon?" "Dinala ko siya sa hospital dahil binugbog siya ng grupo ni Frederick." Pumitik sa hangin si Dina." Yan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo. Nagseselos si Frederick kay Mathew kaya siya binugbog ng grupo niya." Tinaas ko ang kilay ko. "Bakit siya magseselos? Girlfriend niya ba ako? Wala siyang karapatan na saktan si Mathew." "But he loves you. If I were you iiwasan ko si Mathew. Nakakaawa naman siya kung paulit-ulit siyang bugbugin ng grupo ni Frederick. "Good morning! Sorry I am late." Mathew said. Nagkatinginan kami ni Dina nang pumasok si Mathew. May bandage ang ulo niya at maraming gasgas ang mukha at braso niya. "Ang akala namin hindi ka papasok ngayon sa klase?" tanong ni Dina. "I'm fine. May isang mabait na babae ang tumulong sa akin kahapon," he said as he looked at me. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na tila sumali ako sa marathon. Umiwas ako ng tingin sa kanya, namumula kasi ang mukha ko na parang kamatis. Nakakahiya naman kung makikita niya. "Tiffanie, wala ka ba'ng sasabihin kay Mathew?" Biro ni Dina. "T-Thanks." sabi ko. I bite my lower lip sa sobrang hiya ko sa kanya. Sa aking peripheral vision nakikita kong nakatingin siya sa akin. Kinuha ko ang libro ko at nagpanggap na nagbabasa. "You're obvious." ani Dina. Tinaasan ko siya ng kilay. "What do you mean?" "Don't tell me marunong ka ng magbasa ng libro ng nakabaliktad?" "My gosh!" Nasampal ko ng mukha ko sa katangahan ko. Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti. "Girl, relax hindi siya mukhang yummy young actor. Si Mathew lang 'yan ang nerd ng school." "You're making an issue. 'wag mo akong pakialaman." Inis kong sabi. Mabuti na lang at dumating na ang professor namin kaya hindi na ako tinukso ni Dina. Mag-isa ako sa table habang kumakain ng lunch sa cafeteria. Sumabay kasi si Dina sa crush niya na kumain ng lunch sa Mall. Ayokong sumama sa mga kaklase ko na kumain ng lunch sa fast-food chain sa MalI. Habang abala ang mga mata ko sa hawak kong cellphone, napansin kong may nakatayo sa harapan ko. Nang inangat ko ang mukha ko ay nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Mathew at nakangiti sa akin. may dala siyang tray ng pagkain. "Hi, puwede ba akong maki-share ng table?" "Sure." Umupo siya at inilagay ang mga pagkain na binili niya. Napansin kong doble ang mga pagkain binili niya kumpara sa mga pagkain na binili niya kahapon. "Nakakainis ang waitress dobleng order ang binigay niya sa akin kaya ako nagtataka bakit ang mahal ng binayaran ko. Nakakahiya naman kung ibabalik ko." Tumawa ako dahil ganito rin ang nangyari kahapon. He smiled. "Why are you laughing?" Ngayon ko lang napansin na makinis ang mukha niya ang ganda rin ng mata niyang hazel brown na hindi mo mapapansin kung hindi mo siya titigan. "Ginaya mo lang ang sinabi ko kahapon." Sabay tawa ko. Tumawa siya. "Hindi na kita aalukin alam mo naman ang susunod na sasabihin ko. Inalis niya ang balat ng burger at kinagat niya ito. Napansin ko naman ang isang burger sa tabi niya kaya kinuha ko 'yon kahit hindi niya sinasabi. "Thanks," sabi ko. "Gusto ko lang magpasalamat sa iyo dahil dinala mo ako sa hospital kahapon." Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kanya. "Friends?" I smiled. Hinawakan niya ang kamay ko. "Friends." Inubos namin kainin ang binili niyang pagkain. May mga estudyanteng nakatingin sa amin marahil ay nagtataka sila dahil lumapit ako kay Mathew ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ay masaya ako dahil kaibigan ko na si Mathew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD