"Magkakaroon tayo ng outing at team building sa Puerto Galera!" masayang balita ni Mr. Rues sa'min. Pagkatapos kasi ng meeting naman sa mga big boss namin, nagpatawag din ng meetingsi Mr. Rues sa kanyang mga hawak na empleyado para ibahagi ang good news. "Wow! Masusuot ko na ang bikini ko," sagot ni Beth isa sa ka-trabaho ko. Nakangiti ako sa kanila habang pinakikinggan sila sa mga plano nilang lahat. Hindi ako interesado sa outing ng kumpanya dahil bukod sa nakakapagod sa biyahe siguradong maraming utos ang boss ko roon. Napansin naman ng boss ko na hindi ako nakikisaya sa kanila kaya lumapit siy sa'kin. "Tiffanie, are you with us?" tanong sa'kin ni Mr Rues. Lahat tuloy sila sa'kin nakatingin, Habang kasi masaya sila outing na 'yon ako naman ay abala sa paggawa ng mga reports ng ba