Tikom ang kamao ko habang pinagmamasdan ko si Tiffanie na masayang nakikipag-usap sa mga empleyado ko lalo sa mga lalaki. Ang nakakainis hindi siya nagseselos sa'min ni Selena. Hindi man lang siya tumingin sa'kin habang kasama ko si Selena. Tinungga ko ang beer na nasa bote at in-straight ko iyon. Nakakalimang bote ng beer na ang nainom para lang kontrolin ang selos na nararamdaman ko. Ngunit hindi nakatulong. Hinawakan ni Selena ang braso. "Let's pretend we are sweet," ani Selena. Isinandig pa niya ang mukha niya braso ngunit umiwas ako. "Stop! My wife is not here," Lumayo ng bahagya si Selena at sumimangot. "Masaya na sa iba ang asawa mo, kung ako sa'yo hiwalayan mo na lang siya," Matalim ko siyang tinitigan. "Please don't say anything wrong to my wife. I hired you to pretend to b