MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ “You didn’t think that this island was just for relaxation, did you?” Si Sir Luca ang nagbukas ng topic ng tungkol sa isla at mapapa-cross my heart and hope to die talaga ako sa mga nalalaman ko! I mean, hindi naman ako inosente pero sadyang siguro hindi ko lang naisip na ang buong isla pa lang ito ay talagang hawak ang lahat ng kahulugan ng “relaxation”. Lady Maria grinned and shook her head. “You’d scare Mayumi, boys, stop it.” “O-Okay lang!” Agad ko naman sabi! Ang pagka-Marites ko umaarangkada na naman dahil alam kong bagong impormasyon ang mga makukuha ko ngayon! Kahit na nga ba, legally, hindi ko pwedeng i-chika ang kahit anong malalaman ko ngayon sa iba, nakuha na ako ng curiosity kong malaman ang lahat ng sasabihin nila. In all honesty, gaya nga nang