MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ “Mayumi, hello naman sayo, good thing you’re here kasi actually malapit na akong ako na ang pumunta sayo!” Ngumiti ako sa assistant ni Sir Eos na si Miss Yanyan. May kailangan kasi akong papirmahan at hindi ko naman inaasahan na nakababa na pala sa kanya ang memo ng mga approved ang leaves. Medyo nahihilo nga ako sa process ng pagkuha nitong leave lalo na at first time ko pero mukhang siya na ang magsasabi sa akin kung na-approved ba ako o hindi. Hindi ko na kailangan na bumalik sa HR Department. “No more going around the bush, your leave was approved! Muntik mo na yatang mapa-fiesta iyong mga nasa HR at sa wakas magbabakasyon ka na! Congratulations!” “Hala!” Sa sobrang saya namin ni Miss Yanyan ay magkayakap pa kaming nagtatatalon dito! Nakakaloka talaga! Bu