MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ “Oh, this is actually great news, Mayumi! Sobrang swerte ng timing mo kasi nagpa-plan sila Ma’am Selene na i-double pay ang leave ng mga hindi pa nakaka-leave this year—not to mention na… Oh my goodness, Mayumi! Hindi ka pa nagli-leave ever since?!” Napakamot na lang ako ng batok kasi hindi ko ba alam kung sobrang weird talaga na hindi pa ako nagli-leave ever since na magtrabaho ako dito sa Aitana Entertainment. HR Department ng kompanya namin ang nag-aayos ng leave notices namin at nandito nga ako ngayon para magpasa na ng requirements. Hindi naman sa never kong kinailangan mag-leave, sadyang nagagawan ko lang ng paraan. Late tuloy nag-sink in sa akin na sinabi niyang double pay ang mga hindi pa kumukuha ng leave ngayong taon! “Hoy, true na true na ba ‘yan?!