MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Ilang party pa lang ang napuntahan ko dito sa isla pero pwede ko na sigurong sabihin na unti-unti na akong nasasanay sa mga ganitong scenario. Ang thrilling pala at naiintindihan ko na ang mga sinasabi ng alaga ko sa akin na parang hindi rin nila trabaho ang ginagawa nila tuwing required silang pumunta sa mga ganitong event dahil nag-e-enjoy naman sila. Nabubuhay ang mga artista at modelo sa lahat ng exposure na pwede nilang makuha sa lahat ng bagay na pwede nilang gawin. Iba man sila sa mga content creator, parang ganoon na rin ang puhunan ng career nila. The more the content they give out, the more engagement they will have. Kaya nga encouraged ang mga talents sa ilalim ng Aitana Entertainment na gumawa ng personal social media accounts at hindi lang iyong mg