Kabanata 7

2114 Words
KABANATA 7 IZARIA’S POV Sometimes we feel like we are devoid of love, spirit, energy, and luck. It’s as if we are living but not truly alive. Pero nangyayari lang din ito kapag may malalim tayong pinagdadaanan o di kaya kapag may nawalang isang pinakamahalagang tao o bagay sa ating buhay. Pakiramdam ko ay hindi mawawala ang sama ng loob ko kahit lumuha man ako ng dugo. Kaya kahit na nakatayo man ako sa harap ng puntod ni lolo ay walang luhang lumalabas sa aking mga mata. Mukhang naubos na ang luha ko bago pa lang matapos ang libing. Pakiramdam ko ay lumulutang ako, para akong kaluluwang naligaw sa mundong ito. Walang nararamdaman, walang patutunguhan, at pawang naliligaw lamang. “Zari, uulan nang malakas. Umalis na tayo,” paalala ulit sa akin ni mommy. Umiling ako. Parang nakapako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Pero ayaw ko rin namang umalis dito. Kasi alam ko na kapag umalis ako rito ay hindi ko na alam kung makakabangon pa ba ako bukas. Lolo has always been my source of strength, happiness, and motivation. Kaya ano na ang mangyayari ngayong wala na siya sa amin? “There’s nothing we can do to bring your grandfather to life. Please, honey, we should accept the fact that he is not with us anymore but he will stay in our heart forever. Do you think we don’t mourn and grieve? Hinang-hina na rin kami ng daddy mo, Zari. Pero kung hindi tayo magpapakatatag, anong mangyayari sa atin?” I snapped when I heard my mother’s cry and weak voice. Nilingon ko sila ni daddy at nakitang pareho silang tumatangis. Suddenly the rain poured down as if there is no tomorrow. We all look weary. Pero kahit na basang-basa na kami ay walang gumalaw sa amin o tumakbo para sumilong man lang. Hindi sapat ang ulan na ito para tumbasan ang sakit at ang pangungulilang nararamdaman ko. Daddy drew near me. He hugged me and shielded me from the rain. Saka ko naramdaman ang panginginig ng katawan ko. How weak this body can be? Ulan lang pero bibigay na agad sa sakit? “We don’t want to lose you too. Alam kong mahal na mahal mo ang lolo mo. We love you more than anything in this world too, Zaria. Can we go home now, please? Ayaw kong magkasakit ka,” hindi nakatakas ang pagsusumamo sa boses ni daddy. Hindi ko natandaan kung kailan kami nakarating sa bahay. Basta ay wala ako sa sarili nang umuwi kami. I only realized that we are home when mommy took care of me. Guminhawa lang ang pakiramdam ko nang makaramdam ako ng init sa aking balat. My parents even called our family doctor to check my condition. Mabuti at hindi ako nagkasakit. Pero lagi namang nakatulala. I even refused to talk with anyone. Nagpatuloy ito araw-araw. Lumipas ang anim na buwan at hindi pa rin ako makausap nang matino. Hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko. I am still grieving and mourning. Nagkukulong lang ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko nga ay hindi ko na alam pa kung paano makipag-usap sa ibang tao. Kahit si Samshin at ang mga kaibigan ni lolo ang sumubok na kausapin ako ay hindi ako nagawang kumbinsehing lumabas ng kwarto ko. But everything has changed when mommy and daddy broke the shocking news to everyone. It was early in the morning when I heard the loud noise downstairs. Some of our relatives came here to complain something. Bumaba ako para tignan kung ano ang nangyayari sa baba. Dinatnan kong nagkakagulo silang lahat. Madaming tao ang nasa living room. “The company has always been our clan’s pride! We entrusted it to your care but you didn’t do your best to protect it!” someone from a relative said, almost yelling at my father. “I did everything I could! Huwag kang magmarunong! Bakit, kaya mo bang makipagkumpetensya sa mga Bernaville? Hindi ba’t kaya naman kayo umatras noon kasi takot kayo sa kanila? I am the only one who stood before them! My family has the right to the company. Desisyon ko ang masusunod kaya huwag niyo akong pangaralan!” daddy argued back. Halos magkagulo na ulit kung hindi lang naawat ang dalawa. I couldn’t care more for their heated arguments. The only thing that concerns me now is the company. Nalaman kong gagawing sub-company ng Bernaville Group ang Asunscion Company nang mabanggit ito ng kung sino sa mga taong nandito sa baba. If that will happen then we will lose the chance to take back the company. Pero anong magagawa ko? If my parents can’t do anything to take it back, how will I do it? They say fortune favors the brave. I think it’s true. But the way luck demands payment for its miraculous help is almost frightening. Ilang araw lang pagkatapos ng issue tungkol sa dalawang kompanya ay biglang dumating ang padre de pamilya ng mga Bernaville sa aming mansion. Nakakagulat lang na sila pa ang nag-initiate na mag-offer ng payo para lang hindi tuluyang mawala ang Asunscion Company sa amin. “Ayaw kong isipin na nagmamaang-maangan kayo, Erwin, Rose. I know you have the best solution in your hand to stop Grand from doing this. You just need to offer it. Pati ako ay hindi ko mababago ang isip ng apo ko kung pipilitin ko siya na walang magandang rason. Kaya lang ako pumunta rito ay dahil ayaw ko naman na sumama ang loob sa akin ni Don Fuego. We have talked about it before he passed away. Kaya kung may maitutulong man ako ay gagawin ko, kaya nga ako nandito,” Mr. Bernaville said. Nakatayo ako sa likod ng malaking statue ng lion, malapit sa living room namin kung saan nakaupo sina mommy, daddy, at Mr. Bernaville. Pasekreto akong nakikinig sa usapan nila. Kahit ako ay gagawin ko ang makakaya ko kung mayroon mang paraan para isalba ang kompanya namin. “Nirerespeto man namin ang panghuling habilin ni papa pero hindi naman namin magawang tanggapin na basta-basta na lang pumayag sa inyong napagkasunduang dalawa. I’m sure there is another alternative way to pursue Grandeur Bernaville,” magalang na sagot ni daddy. “Then what is that alternative way you are talking about? Tell me and I will listen.” Hindi naman nakasagot si daddy. Ilang segundo ang lumipas at nagsalita muli si Mr. Bernaville. “See? Even you know that there is no other option. Kung isusuko niyo ang kompanya nang ganoon na lang ay dito na nagtatapos ang usapan natin. Pero isipin niyo ang sakripisyong iginulgol ni Don Fuego noon para lang mapalago ang Asunscion Company. He always says to me that it is his pride. Even before he died, he was thinking about it. Nagsasabi ako ng totoo. Mismong nakasulat sa last will and testament niya ang napagkasunduan namin noon. Ano bang pumipigil sa inyo para gawin iyon?” Medyo naalerto ako nang marinig ang last will and testament ni lolo. Our family lawyer has read it to me. But aside from the fair partitions of the assets and the one who will mostly inherit his wealth, there is nothing written on it. Wala akong matandaan na may nabanggit doon na may kasunduan si lolo sa kahit sino. But what if attorney didn’t read it in my presence? Kung ganoon, ano ang napagkasunduan nila ni Mr. Bernaville? “Mahirap para sa amin na sumang-ayon lalo na at si Zari ang pinag-uusapan dito. Nag-iisang anak namin siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakaahon sa lungkot simula nang mawala ang kanyang lolo. Hindi pa nga nag-iisang taon simula nang tumira siya sa amin. Dalawampu’t limang taon na simula nang kinailangan niyang mawalay sa amin dahil kailangan siyang gamutin sa ibang bansa. Sakitin siyang tao, mahina ang puso niya, at natatakot kami na baka ay bumalik ang sakit niya sakaling malaman niya ang tungkol sa kasal na napagkasunduan niyo ni papa.” The world stopped and the time freeze when I heard the last remark of my father. Napatunganga ako bigla. That is part of his last will? Hindi ba mali ang pagkakadinig ko? “Well, I understand your point. Nandito lang naman ako para i-remind kayo na may pag-asa pa naman para mabawi niyo ang kompanya. But we all know that in the end, your decision matters the most. Kung iyan ang desisyon niyo ay wala na akong magagawa pa. Ang mahalaga ay wala akong ginawa para hindi matupad ang kung ano mang napagkasunduan namin ni Don Fuego.” “Pasensya ka na, Grandmaster Bernaville,” sabay na sambit ng mga magulang ko. “No, no. There is nothing to be sorry about. But if you have a change of mind, I’m just one call away. Bueno, mauno na ako kung ganoon? Kailangan ko pang dumalo sa isang importanteng pagpupulong ngayong hapon.” Nanatili ako sa aking kinatatayuan kahit na nakaalis na si Mr. Bernaville. Tulala pa rin ako dahil sa aking mga narinig. At paulit-ulit sa aking utak ang sinabi ni daddy tungkol sa last will. Kasal? Sinong ikakasal? Ako? Kanino? I was already spacing out that I didn’t notice mommy is standing in front of me with her shocked expression. “K-Kanina ka pa ba rito?” kinakabahan nitong tanong sa akin. I simply nodded my head. Napaiwas ng tingin si mommy sa akin. “Did you hear anything?” Gusto ko sanang sabihin na wala akong narinig pero ayaw kong magsinungaling. "I think I heard the most important part. Why didn't you tell me about it?" diretsahan kong sagot at tanong. Napabuntong hininga si mommy. "Hindi mahalagang malaman mo, Zari. Do you think you'll be happy once you learn about it? Baka kamuhian mo kami ng daddy mo." "But it's lolo's last will." She nodded her head as if she doesn't want to start any argument. Mukhang pagod si mommy. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha. Para bang pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo. "Mommy…" "Buo na ang desisyon namin ng daddy mo. Kahit pa kasama sa last will and testament ng lolo mo ang tungkol sa kasal ay ayaw naming pumayag." Their decision doesn't concern me now. “Why did you hide it from me? Kung matagal na nilang napagkasunduan ni Mr. Bernaville ang tungkol sa kasal, bakit ngayon lang nalaman?” "It's because your lolo is not that stupid to not realize the true intention of the Bernaville Group! Kahit mahal na mahal niya ang kompanya natin ay hindi niya magagawang ipagpalit ang kalayaan at kasiyahan mo. Do you think we are that selfish to marry you off, just like that?" hindi makapaniwalang untag ni mommy. Hindi ako nakapagsalita. My eyes watered when I remember my last conversation with lolo. He never mentioned about the marriage. Does it mean even if the only option to save the company is to marry Grandeur Bernaville, I am allowed to say no and disregard it? "Kung hindi lang dahil alam niyang ang kompanya lang din ang makakaahon sa atin sa kahirapan ay hindi siya papayag sa kasal. He tried to find another way to take back the company. Pero kahit sinong lapitan niya ay pare-parehong ayaw magbigay ng tulong dahil takot na makabangga ang mga Bernaville," pagpapatuloy pa ni mommy. Bumibigat na masyado ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako bigla. I heaved a deep sigh before asking the only question that bothers me earlier. "Pero hindi ba wala ng ibang paraan para mabawi ang kompanya? Bakit naipasok sa isyung ito ang tungkol sa kasal?" "Maliwanag na nakasaad sa kasunduan nila na ibabalik sayo ang buong kompanya pati ang shares na nasa kanila pagkatapos ng kasal niyo ni Grand Bernaville. Don't you find it suspicious? Tama si papa na may itinatagong motibo ang mga Bernaville. Hindi lang tayo sigurado kung ano iyon." Anong motibo nila kung ganoon? Mayaman naman sila kaya imposibleng ang kayaman ang habol nila. Pero kahit ano pa man iyon, iisang paraan lang ang kailangan para malaman ang katotohanan. If I marry that man, I can take back the company. I will know their true motive and that will be a bonus. If I gain valuable information about their whole clan, it might become useful in the future. But it's also a suicide for me since I don't know what kind of a beast Grandeur Vermillion Bernaville is. But if they happen to know something about the core secret of the Asunscion Clan, then I can't just sit here and expect someone to clean my own mess. "Pumapayag ako sa kasal," agad kong sambit pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip at pagkalkulado kung ano ang magandang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD