Kabanata 6

2095 Words
KABANATA 6 IZARIA’S POV Surely time flies so fast. Hindi ko na namalayan ang matuling paglipas ng panahon. Kinaya kong manatili sa Pilipinas ng isa at kalahating buwan. Although, I had a rough time adjusting to the weather, to the new environment, and the majority is how I need to intermingle with other people. Most of the time I am inside our mansion. The housemaids would always try their best to communicate with me, but I would always turn my back on them and isolate myself on my room because I have no courage to socialize with them. Lolo took me to different places in Luzon, Visayas, and Mindanao, for me to easily adjust and familiarize places. Nag-enjoy naman ako kahit na medyo nagka culture shock ako nang ma-expose sa iba’t ibang tao dito sa Pilipinas. Mommy and daddy always throw parties in our mansion so that everyone will know of my existence. Our relatives were always present and most of their business partners were also there. But I always wondered how people maintain socializing without feeling awkward or shy. I guess I am the only one who has no interest in changing my perspectives in life. Normally, everything would turn out just fine. Kasi nga akala natin ay lahat ay umaayon na sa plano. Pero totoo pala talaga na kaakibat ng saya ang sakit at lungkot. Yung tipong nagsasaya ka ngayon tapos maya-maya ay sasalubungin ka ng lungkot. It was in the last week of September when lolo was rushed into the hospital due to heartstroke. Our whole family panicked. Everyone is aware of his past conditions before. Pero kahit ako ay hindi ko maamin na dapat lang ay hindi kami magulat sa nangyari lalo na at binalaan na kami ng doctor niya dati pa. Lolo has stopped taking his medications long time ago. He never complied on his planned therapies as well. Ang sabi ng doctor sa amin ay maswerte lang kami at malakas ang pangangatawan ni lolo dahil na rin sa mga training niya dati. He has good and a balanced diet before. He practices good lifestyle the reason why even without his medications, he has able to hold on up until now. But everything has an end. People are getting old and their bodies are also prone to get weaker and weaker as they age. It’s the reality we need to accept. “It saddens me to inform you that his condition has no chance of getting treated anymore. Kahit gaano pa man kalusog ang kanyang pangangatawan noon ay tumatanda naman siya. His immune system is getting weaker day by day. Kung sana ay hindi siya tumigil sa pag-inom sa kanyang gamot at kung ipinagpatuloy niya ang kanyang mga therapy ay hindi na sana lalala ang kanyang kondisyon. Sana ay handa na kayong malaman na bilang na lang ang mga araw niya…” malungkot pero tapat na sabi ni Dr. Sasha. Pumatak ang mga luha sa aking pisngi. Pasekreto ko lang din sinundan sina mommy at daddy kasama si Dr. Sasha para makibalita kung ano ang totoong kalagayan ni lolo. Pero hindi ko inaasahan na ito ang maririnig kong balita. Parang may nagbara sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga nang maayos at nanginginig ang katawan ko. I feel week too. Parang hinihigop ang lakas ko. Umalis ako doon dahil hindi ko na kayang marinig pa ang mga susunod na sasabihin ni Dr. Sasha. Ayaw kong makarinig ng mga salitang alam ko rin naman na hindi ko matatanggap. Bumalik ako sa room ni lolo at umupo sa upuang nasa tabi ng kanyang hospital bed. Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya. Hanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising. Hindi ko mapigilan ang mga luhang nagsisiunahan sa pagpatak sa aking pisngi. Hindi ko rin maiwasang ipanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Ilang minuto akong umiiyak at humihikbi. “Zaria, hindi pa ako namamatay pero tumatangis ka na.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang galit na boses ni lolo. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at mas lalong lumapit sa kanya. My heart jumped when I saw him open his eyes. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko. “Lolo…” tawag ko sa kanya at nagsimula na naman akong umiyak. “Stop crying. Para kang batang inagawan ng candy,” tunog inis nitong sambit. Pero mas lalo lang akong naiyak. I know he is only acting like there is no problem at all. Ganoon naman siya lagi. He would always act touch to show that everything is fine. He would always scold me for taking small and big problems seriously. Aniya ay hindi mareresolba ng pag-iyak lang ang kahit anong probema. Pero masisisi niya ba ako ngayon na hindi lang simple at maliit na bagay ang kinakaharap namin ngayon. Napabuntong hininga siya nang napahikbi na ulit ako dahil sa pag-iyak. He tried to reach my hand and my heart broke when I felt how weak and cold his hand is. “Hindi ba ang sabi ko sayo ay ayaw kong nakikita kitang umiiyak? Tahan na, apo,” alo niya sa akin. Tumango-tango ako. I bit my lower lip to suppress my tears. Ilang minuto kaming natahimik. Nakatitig lamang sa akin si lolo at hinihintay na tumigil ako nang tuluyan sa pag-iyak. Paglipas ng ilang minuto ay saka niya binasag ang katahimikan. “I assume you already know my condition. Well, that is inevitable. Pasensya na kung itinago ko ang lahat ng ito sa inyo. I don’t want you to exhaust yourself worrying about me. Mas mahina ka kumpara sa akin.” “B-But you don’t have to hide it from me. Akala ko ba ay walang taguan ng sekreto?” Hindi nakatakas ang pang-aakusa sa tono ng aking pananalita. Kahit papaano ay masama ang loob ko dahil itinago niya ang katotohanan sa amin. Akala ko ay hindi ganoon kalala ang sakit na kinakaharap niya. Kasi palagi naman niyang pinapanatag ang loob ko noon. “Pasensya na rin kung naging makasarili man ako sa lahat ng desisyon ko sa buhay mo, kung anong klaseng buhay ang dapat mong makamit, at kung anong klaseng tao ba ang dapat maging ikaw. The reason why I trained you and raised you was because I want you to be strong. I want you to learn how to stand your ground even without my support, even without anyone’s help and sympathy. Ayaw kong lisanin ang mundong ito na alam kong maaapi ka ng mga tao at hindi mo man lang kayang ipagtanggol ang sarili mo. Siguro ay dito na rin magtatapos ang lahat. Masaya akong napalaki kita nang maayos, matapang, at matalino.” Sa bawat katagang binitawan niya ay mas lalo akong nanlulumo. Pakiramdam ko ay namamaalam na siya sa akin. Hindi ko ata makakayanan ang lahat sakaling iwan niya ako. “Lolo, kahit kailan ay hindi ko naisip na makasarili ka. Lahat ng mga naging desisyon niyo sa akin ay ginusto ko rin. Minahal ko, isinapuso, at isinaulo ko lahat ng itinuro niyo sa akin. I owe you my life…” “Kung ganoon, sa huling pagkakataon, maaari mo rin bang isapuso at isaulo ang mga panghuling bilin ko sayo?” biglang naging seryoso ang kanyang mukha. Napatahimik ako. I don’t want to hear them. Ayaw ko pang isipin na dito magtatapos ang usapan namin. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at umaktong hindi nakikinig. Lolo squeezed my hand but I didn’t look at him. Muli ay namumuo ang luha sa aking mga mata. Pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. “Ipangako mo sa akin na hinding-hindi ka magpapaloko sa kahit sino man. Kahit anong mangyari ay lalaban ka sa lahat ng hamon sa buhay mo. Hindi ka susuko. You will stand your ground no matter what. Ipangako mong lahat ng dapat sayo ay babawiin mo, kung may mangahas mang mang-agaw mula sayo. Ipangako mo sa akin na magiging matapang ka at malakas.” Hininaan niya ang boses niya bago siya magpatuloy sa pagsasalita. “At ang panghuli, ipangako mo sa akin na ikaw ang magmamana ng La Enigma Sicarius.” My eyes widened. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ang panghuli niyang sinabi. It feels like my world stopped and the time suddenly freeze. Agad akong umiling nang paulit-ulit. He just said the tabooest word! “N-No, I won’t do it!” I sound like a desperate woman, begging to be heard. “You will do it! That is an order!” mawtoridad nitong sambit. “For once, let me refuse you!” “You will refuse? This will be one of my last wills, Zaria. Kinausap ko na silang lahat. They will expect you to succeed the throne as soon as I passed away.” “No!” “Ipangako mo sa akin!” Naitikom ko ang aking bibig. Pakiramdam ko ay nakasara lamang ang bibig ko at walang makikinig sa akin sakaling magsalita man ako. Pero ang masakit para sa akin ay dahil alam kong totoong ito na ang panghuling pag-uusap namin ni lolo pero hindi ko pa rin magawang tanggapin na lang ang nais niyang ibilin at gawin ko. Lalo na ang umupong tagapamuno ng La Enigma Sicarius. Just hearing the name of that international underground organization makes me sick. “Let me tell you my most selfish reason why I trained and raised you like a warrior. It’s because I planned of making you, my successor. You are the most suitable leader after me. Ano pa bang silbi ng pagpayag ko sayong sumali sa grupo nina Samshin? Para maturuan ka kung paano ligpitin ang mga maruruming tao sa lipunan at sa buong mundo? Hindi lang para roon. Para maihanda ka sa madilim na mundong kalaunan ay kikilalanin mo rin at kamumuhian. You will share my sin and the sins of our ancestors, you will carry and protect the core of our clan, you will rule the world because you have the power to do so. If you refuse, then expect that the prime members of La Enigma Sicarius will devour the whole Asunscion Clan,” his stone-cold voice sent shiver down my spine. Nanginig ang kamay ko. Pakiramdam ko ay pati ang mga tuhod ko ay nanghina at Nanginig na rin sa takot. Paano ko maaatim na pumayag kung alam kong mas marumi ang hangarin ng La Enigma Sicarius kaysa hangarin ng libo-libong mga sindikato at mapya. Walang panama ang kahit sinong grupo sa La Enigma Sicarius dahil lahat ay sinasamba ang mga lider ng grupong iyon. Even mafias bow their head before those superior leaders so that their life will be spared. “I will take your silence as a yes. Now listen to me now. I haven’t enough time to teach you anything about the rules and regulations of La Enigma Sicarius as well as your authority and influence among the members. You will learn everything after you meet The Face Cards, those big three or superior leaders will guide you. Did you get me?” Isang pagtango ang naitugon ko kay lolo. He continued talking while I listen to him. “It is possible that there will be groups that will try to get closer to you and may use that as an advantage. They might use you as a shield to protect themselves and think that their safety is guaranteed because they have you. But they are wrong. The principle of the group is not like that. As long as you, the ruler, will not command the members to spare anyone then they will kill anyone who will use you. Kung hindi man ikaw, ang mga magulang mo ang pagsasamantalahan nila. They will use them against you or to control you.” “Ibig bang sabihin, kahit hawak man nila ako sa leeg ay hindi pa rin sila makakatakas sa ibang myembro ng La Enigma Sicarius?” “Yes. Marami na ang kumakalat na balita na ang pamilya natin ang may hawak ng La Enigma Sicarius. Any powerful and influential family will do their best just to get to us first. Kaya itatago mo ang lahat ng napag-usapan natin ngayon. Wala kang pagsasabihan na nasa sayo pa rin ang desisyon kung ligtas ba ang sinumang bumangga sayo o hindi. Act like we never talked about anything. La Enigma Sicarius will take care of everything. Walang mananakit sayo dahil sa mga oras na ito ay binabantayan ka nila. Don’t be afraid, Izaria Mauve Asunscion. You are not powerless. You are not just an ordinary heiress. But from now on, you will also live in a dark and chaotic world.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD