Tamad na tamad akong bumangon ngayong araw. Para ngang ayoko munang pumasok pero baka magalit naman sila Maria sakin if gagawin ko 'yon. Gusto kasi nilang umattend sa school fair at dapat daw ay kumpleto kami mamaya sa first day. Kasi minsan lang naman daw 'yon sa isang taon. Kaya wala akong choice kundi umoo na lang. Isa pa, gustong gusto ko din naman pero dahil iniiwasan ko si Andrew kaya nagdadalawang isip ako ngayon. One week gaganapin ang school fair sa Emerald kaya isang linggo din kaming walang klase at puro booths at games lang meron sa school. Hays, madami namang tao sa school mamaya baka di din mag-krus ang landas namin ni Andrew. Tama! TAMA! Pero nakakatamad kasi talaga lalo na't jail booth ang gagawin ng department namin. Nakakapagod kayang manghuli ng mga estudyante para i