Medyo late na ako natulog kagabi kakaisip don sa proposal na 'yon ni Andrew 4 days ago. Hindi ko ineexpect na tutulungan niya ako from Liza pero mas lalong hindi ko ineexpect na gusto niya akong maging girlfriend para lang pagselosin ang ex girlfriend niyang mahal na mahal niya. "Problema niya na 'yon, not mine. Kaya wala siyang mapapala sakin." Tinapat ko ang muka ko sa shower para alisin sa isip ko si Andrew. Pero kahit ano atang gawin ko, siya at siya lang ang naiisip ko. Don't get me wrong ha? Wala akong gusto sakaniya. Nahihiwagaan lang ako sa bad boy na 'yon. Ang dami kasing tanong na tumatakbo sa isip ko e. Bakit siya naging bad boy? Bakit sila nag-break ni Dawn? Bakit kahit wala na sila mahal pa din niya si Dawn? "Arggh!! Naku, wala ka talagang magandang maidudulot sa