Sunday ngayon kaya naisipan kong mag-jogging ulit. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay so I ended up here again. Paglabas ko ng gate ay saktong may tumigil na itim na kotse sa harapan ko. Tinted ito kaya di ko masyadong makita ang tao sa loob. Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya at tumambad sakin ang isang lalaking naka-suit and tie pa. Sino naman kaya to? "Miss Kimberly?" Tanong niya. Hindi agad ako nakasagot kasi naka-shades siya, malay ko ba kung hindi ako ang kinakausap niya diba? Mapahiya pa ako. "Pinapasundo po kayo ni Sir Andrew." Ah okay. Ako nga ang kinakausap niya. Pero, bakit naman pinapasundo ako ni Andrew? Shit, Andrew. After kasi ng date namin last Friday at yung pagkikita namin sa birthday party ni Faith last Saturday ay wala na akong balita sakaniya. Hind