Sabado ngayon kaya nag-decide akong mag-jogging muna. Wala akong kasama sa bahay at nasa school si Camille ngayon para kuhanin ang magiging schedule niya. Sa Monday pa kasi ang start ng klase niya at BSN din ang kinuha niyang kurso, unfortunately, hindi kami magkakaklase at sa ibang section siya napunta. "Mama aalis na po ako." Sigaw ko ng makalabas ako ng gate namin. Hindi ko na narinig ang sinagot niya dahil sa ingay ng katabing bahay. May ginagawa kasing bagong bahay don. Yes- new neighborhood. Inayos ko ang sintas ng sapatos ko at naglagay ng earphones sa magkabilang tenga. I always do this kapag natripan kong mag-jogging. Plano kong ikutin lang ang buong village kasi mag-dadalawang buwan na ako dito pero hindi ko pa napupuntahan ang kabuuan nito. Buti na lang at sinipag ako ng