Chapter 12

4118 Words

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang nakakasilaw na liwanag na nanggaling sa may kisame. Pinikit pikit ko ang mga mata ko para i-adjust sa liwanag at don ko nakita si Mommy na umiiyak na nakatingin sakin. Nakaupo siya sa tabi ko at hawak hawak ng mahigpit ang kamay ko. Nagtataka ako kung bakit siya nandito? At kung nasan ako?   "Baby, hays baby salamat naman at gising ka na. Thank God. Kamusta ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Baby, alalang-ala kami sayo. Di ko kakayanin kapag may nangyari sayong masama." Lumapit siya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit. Doon ko nalaman na nasa hospital na naman pala ako. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin kasabay ng pagbukas ng pintuan ng kwarto. Pumasok ang Doctor at kasama niya si Camille. Bakas sa muka nila ang pagaalala sakin.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD