"Tama na. Itinigil na natin tong pag-papanggap natin. Ayoko na, Andrew e." Parang tinutusok ang puso ko ng milyong milyong karayom ng makita ko ang reaksiyon ng muak niya. Ayoko man sabihin sakaniya 'yon pero alam kong iyon ang kailangan. Ayoko man siyang saktan pero ito ang dapat para sakaniya, para sakin. Kung ipaglalaban ko siya, kapalit non ang buhay ko. Kung papakawalan ko siya at hahayaan ko siyang makasama ang babaeng mahal na mahal niya ay mabubuhay ako. Although, siya ang buhay ko. Siya ang nagbibigay ng lakas sakin para lumaban. Siya ang nagturo sakin ng salitang pag-ibig. Siya ang nagpaniwala sakin na possible mong magustuhan ang isang tao ng walang dahilan. Siya ang aking Mr. Bad Boy. Pero alam ng lahat na hindi ko pagmamay-ari ang puso niya. From the first place, h