Chapter D.1 Ibinato ko kay Fireus ang susi ng kotse ko. He will drive my car, of course. Kung ako ang magda-drive, mukha na siyang sira ulo. Pasalamat siya at may naiwan siyang damit niya na pinalaba ko dati. Kung hindi, I'll throw him away from my condo. Nang mai-park na ni Fireus ang sasakyan, bumaba na ako mula sa passenger seat. Then, I waited Fireus as he switched off the engine of my car. Ibinato niya sa akin ang susi bago siya lumapit sa akin at inakbayan ako. Kaagad sumama ang tingin ko sa kanya at siniko ko siya. "Ouch! What was that for?" Fireus said then he sent me glares. Aba! Ako pa ang titingnan niya ng masama! How dare! "Umagang-umaga, puro ka tsansing! Hindi ka pa ba nagsawa?" mahinang sabi ko. I don't want to yell it. Nakakahiya baka may makarinig sa sinabi ko kung sa