"Bakit kaya nandito ito? Ano kaya ang kailangan nito at bat nalaman nito na nandito ako sa gubat.Haaays nakakaloka." Bulong ko sa isip ko. Habang pinag mamasdan ko siya. "Alam mo ang hirap pala kapag hindi ko mabasa ang isipan mo. Lalo na kapag tinititigan mo ako ng ganyan." Sabi nito. Kaya dun ko lang napansin na nakatitig ako sa kanya. Kaya nahiya ako sa nangyari iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Nagkunwari akong hinihimas si Odrie dahil namumula ang mukha ko. "Alam mo ang cute mo pala kapag namumula ka." Sabi na naman nito. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaya mahina itong natawa. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Kaloka tong great Axel na ito hindi niya ba alam na ang gwapo niya kapag tumatawa siya." Bulong ko sa isip ko. "Haays ano ba yan ano ba ang iniisip mo. Kaloka ka." Bu