Sumunod na araw nandito na naman siya at nasundan pa ng nasundan. Minsan kumakain kami ni prinsepe Rod ng dumating siya. "Great Axel!" Sabi ni prinsepe Rod. Nagulat sa lalaking dumating. "Lagi ka ba dito prinsepe?" Tanong nito kay prinsepe Rod. "Opo great Axel kaibigan ko po si Clarizh." Sagot naman ng prinsepe.Nagulat ito ng lumapit ng lumapit sa akin si great Axel at kumuha ng pitche pitche na kinakain namin. "Na miss ko ang mga luto mo." Sabi nito sa akin. Hindi ako nakaimik, nagpalipat lipat ang tingin ni prinsepe Rod sa akin at kay great Axel na walang paki alam na umupo sa tabi ko at umiinom sa baso ko. "Magkakilala pala kayo ni great Axel?" Tanong ni prinsepe Rod sa akin. Nagulat ako sa tanong niya dahil matagal na naman niyang alam na magkakilala kami ni great Axel. Sasag