"Magpakasal ka muna sa isang mayamang lalaki at magka anak kayo, bago mo makuha ang ari-arian ng magulang mo, Ms.Elsie Corteza. Iyan ang nakasulat sa last will and testament," sabi ng Attorney.
Nanlaki ang mata ko. Agad akong nanlumo. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa bigat ng pasanin. Sa lahat ng pwedeng gawin bakit ang magpakasal at magkaroon pa ng anak ang ipapagawa para lang makuha ko ang mana?
"N-No..." Panay iling ako sa ulo habang nanginginig. "N-No way! For god sake! I'm only 21 years old. Bakit ako magpakasal sa mura kong edad! At gusto pa nila mabuntis ako? What the heck?!" halos bulyaw kong tugon kay Atty. Fritz Yanson.
Siya ang family Attorney namin, katiwala siya ni Daddy at Mommy noong na bubuhay pa sila. Mas matanda siya sa akin ng ilang taon ngunit kahit na ganoon bata at maskulado pa rin siyang tingnan sa suot niyang office attire. May itsura rin. But he's not my type. Masiyado na siyang mature. Bagay rin sa kanya ang suot na eye glasses. Mas naging strikto siyang tingnan.
"Wala ka nang magawa. As I have said... Ito ang nakasaad sa last will and testament ng magulang mo bago sila mamatay sa bumagsak na eroplano ..."
"Are you kidding me right? Sino'ng matinong magulang ang gustong mabuntis ng maaga ang anak?" pahapyaw akong natawa. Kahit sa totoo lang, iritasyon ang bumalot sa kalooban ko.
Seryoso pa rin ang kaharap ko. Hindi man lang natawa.
"Tingnan mo ang nakasulat. Para maniwala ka na 'yan talaga ang gusto nilang mangyari."
Nilapag niya sa harapan ko ang folder. Agad ko naman iyong binuklat at binasa nga ang nakasulat roon. Nanginginig bigla ang kamay ko sa bawat letrang naka pa loob. Pabagsak kong binaba ang folder nang mabasa ang gustong mangyari ng magulang ko. Wala ako sa sariling nag angat ng tingin kay Attorney Yanson. Mariin ko siyang tinitigan.
"Kanino ako magpabuntis at magkaroon ng asawa sa ganitong edad? Maski boyfriend wala ako nun?" Hinilamos ko ang mukha.
"May panahon pa para makahanap ka ng lalaking—"
"Ano'ng gusto niyong gawin ko? Papatol ako sa kung sino-sino lang para makuha ang kayamanan ni Daddy at Mommy? Ganoon ba?" Nangilid ang luha ko sa inis.
"Hindi ko rin alam kung paano masulusyonan itong problema mo, Ms.Corteza. Ikaw ang bukod tanging nakakaalam sa gagawin mo. Hindi na mababago pa ang naka saad rito. Kailangan niyong gawin ito sa lalong madaling panahon kung ayaw niyong mauunahan."
Doon ako mas lalong natigilan. Umusbong ang galit ko, dumilim ang paningin.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Sino pa ang ibang ka kompetensiya ko sa pagkuha ng ari-arian ng magulang ko?"
Umayos muna siya sa pagkakaupo. Direktang inangat ang paningin sa akin.
"Ang half sister niyo, Ms. Corteza. Si Rosalie Serrano..."
Ilang saglit akong natigilan. Hanggang sa nagkasalubong ang kilay ko.
"What? Bakit siya kasali sa bibigyan ng kayamanan ng magulang ko? Anak lang siya sa labas!" apila ko sa iritasyon.
Naiiisip ko pa lang ang nakakapikon na pagmumukha ng babaeng 'yun gusto ko na siyang sugurin ng sampal, kagaya nang ginawa ko sa kanya noong mga bata pa lang kami.
"Isa rin si Rosalie Serrano ang makakuha ng kayamanan kaya kumilos na kayo dahil kapag siya ang unang makagawa ng nakasaad rito sa last will and testament, sa kanya mapupunta ang 70% shares ng properties ng magulang niyo. Kasama na roon ang malaki niyong bahay at ang malaki niyong Companya sa BGC. Siya na ang maging CEO kung hindi kayo kikilos. Tanging 30% lamang ang mapupunta sa inyo kung magpapahuli kayo."
"Hindi ako papayag na mapunta sa kanya ang mga properties!" apila ko. Sa sobrang galit ko napatayo ako at hinampas ang mahabang lamesa. Nagulat ang kaharap kong Attorney sa inasta ko. Inayos niya ang suot na eye glasses bago tumikhim.
"Kung ganoon... Ano'ng balak niyong gawin Ms.Corteza? Dahil base sa nakasulat rito, pareho kayo ng gagawin. Dapat kayong makapag asawa ng mayamang lalaki at magkaroon ng anak. Isa lang sa inyo ang makatanggap ng malaking shares."
Pumikit ako nang mariin. Biglang nanghina ang mga buto ko. Naguguluhan pa ako sa tamang desisyon.
Sa tuwing na iisip ko ang nakasaad sa last will and testament. Gusto kong magwala sa inis at sumbatan ang magulang ko. Bakit nila ako pinapahirapan ng ganito gayong ako naman ang legal nilang anak.
Ayaw ba nila na ako ang mag-manage ng mga properties namin? Ayaw kong mapunta sa anak sa labas ang mga ari-arian ng magulang ko. Hindi nila pinaghirapan iyon. Si Mommy at Daddy ang naghirap para lang lumago ang negosyo namin. Tapos makukuha lang nila nang ganito kadali?
Kahit wala rito ang half sister ko na si Rosalie, tila pinapatay ko na siya sa isipan sa sobrang pangalaiti. Ang babaeng 'yun lang naman ang anak sa labas ni daddy. Ang ina niya ang dahilan kaya hindi kami nagka-ayos ni Daddy bago pa ito mamatay.
Si Rosalie at ang ina niya na isang kabet ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin. Magmula noon, sa ibang bansa na ako tumira, lumaki ako na hindi close kay Daddy. Hindi ko tanggap ang pangangaliwa niya. Pati ang anak niya sa labas na pinatira niya pa sa bahay namin kaya mas lalo akong na galit sa daddy ko nun. Mas pinili kong lumayo kaya halos sampung taon ako sa ibang bansa, doon na rin nag-aaral. Doon na rin nagdalaga. Ngayon lang ako bumalik nang malaman ko ang nangyari sa magulang ko.
Hindi ko hahayaang maka kuha sila maski kusing sa pinaghirapan ni Mommy at Daddy. Kaya naman buo na ang desisyon ko. Kahit labag sa loob ko ito...
"Bigyan niyo ako ng sapat na panahon para gawin ang bagay na gusto ng magulang ko. Maghahanap ako ng mayamang lalaki para pakasalan... At ibibigay ko ang anak na gusto nila. If they want me to get pregnant at this age. I will do it. Desperada na akong makuha ang mga properties namin."
"That's good, Ms.Corteza."
"Walang mapupunta sa kabet ni Daddy maski sa half sister ko! Wala silang makuha maski kusing! Iyang 30% shares... Sa akin ang lahat ng 'yan. Gusto ko Sa putikan pupulutin ang mag-ina!" pinal kong saad.
Kinuha ko na ang maleta ko para lumabas na sa private room na iyon ngunit natigil ako sa sinabi ng Attorney.
"Saan ka tutuloy ngayon? Sa pagkakaalam ko simula noong namatay ang magulang mo. Doon na rin naninirahan ang mag-ina sa bahay niyo... Kaya mo bang pakisamahan ang mag-inang Serrano?"
Kinuyom ko ang dalawang kamao.
Serrano! Sila ang mag-ina na ang kakapal ng mukha. Mabuti na lang hindi dala noong step sister ko ang apelyido ni Daddy na Corteza dahil hindi pumayag si Mommy! Kaya apelyido ng ina nito ang dala niya. Ayaw ko rin na gamitin nila ang apelyido ko!
Muli akong humarap kay Attorney Yanson. Kulang na lang mag-alburuto ako sa inis.
"Ang kapal naman ng mukha nila para angkinin ang malaking bahay namin? Porket hindi ako doon nakatira, sila ang may ganang manirahan sa malaking bahay namin? Babawiin ko 'yun... Pupuntahan ko sila! Kakalbuhin ko ang pagmumukha ng mag-inang Serrano!"
Akmang aalis na ako ngunit agad na naman akong pinigilan ng Attorney.
"Hindi mo sila pwedeng puntahan ngayon. Bukas mo na lang sila puntahan... Kagagaling mo lang sa ibang bansa. Kailangan mong magpahinga. Huwag kang padalos-dalos."
Napahilot ako sa sintido. Tama siya... Galing pa ako sa ibang bansa, kadarating ko lang rito sa Pilipinas kaya may hila akong maleta ngayon. Pagkalapag ko pa lang sa airport sinalubong na agad ako ni Attorney Yanson para ipaalam sa akin ang mangyayari sa mga properties ni Daddy at Mommy.
Kahit ayaw ko nang bumalik sa bansang ito pero wala akong magawa. Kailangan kong ipaglaban ang karapatan ko bilang legal na anak lalo na't ang kabet ni Daddy ang humahawak sa negosyo ngayon ng magulang ko.
"Saan ako manirahan ngayon? Ayaw kong mag-book ng hotel!" tanggi ko nang mabasa ang tingin niya.
Nagbuntong hininga si Attorney. May kinuha siya sa suit case na dala. Nilahad niya iyon sa akin. Isang mapa na luma.
"Pumunta ka sa malaking lupain ng daddy mo. Doon ka muna manatili... Sundan mo lang ang mapa. May binilogan ako diyan... At sa lugar na 'yan. May makikita kang malaking bahay. Iyan ang real state ng magulang mo. Isa iyang private land na ayaw ibenta ng magulang mo. Dahil importante sa kanila ang bahay na tinayo riyan na minana pa sa Lolo mo... Kahit luma ang bahay pero pwede mo nang tirhan habang inaasikaso natin ang mga properties na pwede mong kuhanin. Walang nakatira sa bahay na ito kaya mag-isa ka lang riyan."
Tiningnan ko ang mapa na medyo nakalamukos na. May binilugan doon sa parteng gitna. At sa pagkakaalam ko medyo malayo ang lugar na ito sa siyudad.
Kaya naman hindi na lang ako nagreklamo. Ayaw ko rin naman makasama ang mag-inang Serrano sa iisang bahay. Ako na muna ang iiwas, dahil for sure... Makukuha ko rin ang lahat ng properties ni Mommy at Daddy. Pag-iisipan ko pa ang gagawin para lang mapatalsik ko rin ang kabet na nanirahan sa malaking bahay namin.
Pinuntahan ko ang lugar na binilogan sa mapa. Gumamit lang ako ng isang app para matuntun ko agad ang lugar. Umabot ng apat na oras ang byahe, bago ako nakarating sa malaking lupain. Tila Hacienda ang lugar.
Hindi ko pa masiyadong na appreciate ang buong lupain dahil madilim na nang makarating ako. Nilibot ko ang buong lugar dahil hindi ako sigurado kung saang bahay ako patungo. Ilang beses ko nang kinontact ang numero ni .Attorney Yanson pero walang signal rito.
"Bwesit naman! Bakit walang signal sa lugar na ito?" frustrated kong sabi.
Pakiramdam ko mauubos na ang gas ng kotse sa kalilibot sa malaking lupain. Hinahanap ko ang malaking bahay subalit puro mga kubo ang nadaaanan ko mula pa kanina at may isang malaking bahay lang akong nakita sa lugar na ito na malaki at luma.
ilang beses na akong pabalik-balik rito. Hindi ako sigurado kong ito na ba ang tinutukoy ng attorney. Pero kung sa bagay, nag-iisang bahay lang ito rito sa lupain na sobrang laki baka ito na nga ang sinasabi niya na pwede kong pag-stay-han.
Huminto ako sa tapat ng malaking bahay na may bakal na gate. Hininto ko lang ang kotse sa labas. Tinanaw na lamang ang malaking two storey house na maaliwalas tingnan mula sa labas. Malinis at may fountain pa na umaandar. May ilaw na rin na naka sindi kaya hindi ito nakakatakot tingnan.
"May care taker kaya rito? Bakit ang linis naman yata ng bahay na ito? Akala ko ba walang nakatira rito." kausap ko ang sarili habang papasok na sa malaking gate. Hindi naman naka lock kaya dire-diretso ako sa pagpasok.
May malaking hardin ang bahay, may mga bermuda grass na nakapalibot at malapad na kalsada rito sa bakuran hanggang gate. Na isip ko na baka may inutusan ang Attorney na iyon para linisin ang bahay na ito kaya ganito na lang ka aliwalas pag gabi. Maganda ang kulay ng ilaw sa labas.
Pwede pala akong tumira rito. Gusto ko ang pagka-moderno ng bahay. Hindi siya gaanong kalumaan. Mukhang under renovation pa yata ito. Marami pang hindi na pinturahan.
Walang sinabi sa akin si Daddy at Mommy nu'n na may pagmamay-ari pala kaming malaking bahay kaya namangha ako sa bawat enterior rito. Kahit luma na siya pero nahaluan naman ng modernong design.
Nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok sa loob habang hila ko ang malaking maleta. Maski sa loob namangha ako sa sobrang laki, maaliwas rin tingnan. Nakabukas ang lahat ng ilaw, malinis at makintab ang paligid. Dahil two storey naman ang bahay na ito umakyat na ako sa itaas.
Gusto ko tuloy pasalamatan ang attorney Yanson na 'yun dahil ni-recommend niya sa akin ang bahay na ito. Akala ko talaga isang creepy at maalikabok ang madatnan ko, but no...sobrang ganda talaga.
Mukhang pinalinis niya ang bahay bago ako pinapunta rito. Ang sabi niya pa nga walang nakatira rito kaya malamang mag-isa lang ako. Hindi naman ako takot sa multo, mas takot ako sa buhay na tao.
Hinanap ko agad ang masters bedroom. Maski rito sa second floor. Maganda at bago ang pintura. Bawat madadaanan kong kuwarto. Lock lahat ng rooms na ipinagtataka ko, kaya noong nasa pinakadulo na ako mas nagtaka na lamang ako kung bakit ito lang ang hindi naka-lock. Pagkapihit ko sa seradura agad bumukas.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Patay ang ilaw pero may lampshade sa bed side table kaya kahit papaano nakikita ko pa rin kung gaano kalawak at kaganda ang kuwarto na ito.
Napangiti ako sa kawalan. Pwede na talaga akong magtagal rito. I like the ambiance in this house. Pasalamatan ko nga si Attorney Yanson kapag makakuha na ako ng signal. He did gave me a great suggestion to stay in here.
Hindi ko na inabalang buksan ang ilaw ng kuwarto. Nakikita ko pa rin naman ang loob dahil sa lamp shade. Nilagay ko sa isang tabi ang maleta ko. Nanguha lang ako ng susuotin pangtulog saka tuwalya. Pagod na ang katawan ko dahil sa byahe. Gusto ko nang humilata sa kama. Pero kailangan ko namang maglinis sa katawan.
Hindi ako makakatulog kung malagkit ako kaya naman nang makuha ko na ang kailangan sa maleta nagdire-diretso na ako papasok sa loob ng banyo. Maski rito humanga ako. Lahat nang nakikita ko puro marmol at kulay grey na hinaluan ng black ang kulay.
Hinubad ko ang lahat ng damit at naligo na ako. Ngunit nakalimutan kong kuhanin ang sabon at shampoo pati conditioner sa maleta. Napasapo ako sa noo.
"Tanga mo talaga!" sambit ko sa sarili.
Akmang lalabas na ako ng shower room nang may nakita akong shampoo at conditioner sa lalagyan, may sabon na rin at toothbrush.
"Pati ba ito hinanda rin ni Attorney?" kunot noong tanong ko sa sarili.
Nagkibit-balikat na lamang ako. Siguro nga alam na niya ang gagawin kaya niya ako pinapunta rito. Malakas talaga ang kumpyansa ko na hinanda na niya ang lahat. Hindi naman siya mag-suhestyon na dito muna ako titira kung alam niyang madumi pa ang bahay na ito.
May nag-iisang toothbrush din sa lababo. Kulay blue... Hindi ko gusto ang kulay pero dahil wala akong dalang toothbrush ginamit ko na lang iyon. May nakita rin akong shave, I cleaned myself before I go out in the bathroom.
Nilapag ko ang susuotin sa kama kaya doon na ako magbihihis. Nagtapis lang ako ng tuwalya palabas. Kumakanta-kanta pa ako habang nilalagay sa ulo ko ang maliit na towel na kinuha ko lang din sa banyo. Mabango at malinis kaya ginamit ko na para matuyo itong buhok ko. Pati rin ito nakahanda na.
Nag-lotion muna ako sa aking hita at braso. Kukunin ko na sana ang damit sa kama ngunit biglang gumalaw ang puting comforter. Lumukso ang dugo ko sa gulat. Kinurap ko ang mga mata.
Hindi ko alam kung hallucinations ko lang ba 'yon pero binalewala ko na lang. Kung ano-ano na lang talaga ang na-iimagine ko.
Tuluyan ko nang kinuha ang pantulog. Isusuot ko na sana ang sleeveless top nang gumalaw na naman iyong comforter, this time. Bumaba na iyon at nakita ko sa dulo ng headboard na may ulo ng tao roon na nakabaon sa unan.
Hindi mahalata na may nakahiga sa kama dahil na rin makapal ang comforter at sakop ang buong king size bed. Tila hindi rin gusot.
"M-May tao?" bulong ko. Dim light ang kuwarto kaya hindi ako sigurado kung ulo ba talaga ng tao ang nandoon sa tapat ng headboard.
Kinabahan na ako sa puntong iyon. Dahan-dahan akong naglakad para silipin kung may tao ba talagang nakahiga sa kama. Nawala na sa isipan ko ang magbihis dahil sa kaba. Mariin kong hinawakan ang nakatapis na tuwalya sa dibdib.
Pagkarating ko sa gilid ng kama. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng buhok roon. Nakabaon ang mukha noong tao sa puting unan. Hanggang leeg niya ang comforter. Nakadapa ang posisyon niya. Kung hindi mo pagmasdan ng maigi hindi mo talaga mapansin na may...
"Walanghiya ka! Sino ka! Umalis ka rito! Umalis ka!"
Hinablot ko ang makapal na comforter at sinapak-sapak ko ang taong nakahiga. Narinig ko ang pagdaing nito habang sinasangga ang sapak ko gamit ang kanyang kamay. Nilagay niya ang kamay sa ulo. Just to protect his head.
"Holy shít!" bulalas nito habang naka dapa pa rin. Sobrang baritono ng kanyang boses... Parang...
"Manyak! Manyak ka! Bakit nandito ka sa bahay ng magulang ko?" Sinapak ko ang ulo ng lalaki. Sobrang lakas nun dahilan para bumangon siya sa kanyang pagkakadapa.
Natigil ako sa pagsapak sa kanya nang galit na mga mata ang sumalubong sa akin galing sa lalaki.
"Umalis ka rito kung ayaw mong magtawag ako ng pulis!" matapang kong sabi.
Lumunok ako at pinagmasdan ang katawan niya. Wala siyang pang-itaas na damit, klaro sa akin ang matikas nitong dibdib at hulma ng abs. Umangat ang tingin ko sa mukha nito. Magulo ang kanyang buhok. Tamad rin ito kung tumingin sa akin. Pupungas-pungas pa ang mata. Umawang ang labi ko nang masinagan ang mukha niya ng lampshade. Halos perpekto ang mukha niya...
"Who are you?!?" galit niyang tanong.
Natuod na ako sa mga oras na iyon. Tila nawala ang antok niya nang tingnan ang itsura ko ngayon. Nakatukod ang isang tuhod ko sa kama. Hawak ko sa dibdib ang tuwalya. Sinuyod niya nang tingin ang kabuuan ko mula sa hita na medyo umangat ang laylayan ng tuwalya hanggang sa aking namumutlang mukha.
"Bastos ka! Dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? Bakit nandito ka sa bahay ng magulang ko?! Umalis ka rito!" Tinapangan ko pa rin ang sarili kahit gusto ko na lang lamunin ng lupa.
"Umalis ka sabi!" ulit ko nang walang gana lang siyang tumitig sa akin.
Sampal ang inabot niya. Dala rin siguro ng takot ko kaya magaan para sa akin na saktan siya. Umigting ang panga niya sa ginawa ko. Tumabingi ang mukha niya. Kalaunan bumaling ulit siya sa akin sa iritadong mga mata. Bayolente siyang nagpakawala ng hininga.
"You should be the one who leave, Miss...Get the fúck out... While i can still control myself not to hurt you," mariin niyang utos. Tinuro ang pintuan habang hindi iniiwas ang tingin sa akin. Umigting ang kanyang panga.
"Hindi ako aalis... Bahay namin ito—"
"Shut up!" He breathed irritatedly. Hinagod niya ang buhok gamit ang daliri habang nanaliksik sa galit ang mga mata niya. "Kung sino ka mang babae ka! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo. Hindi mo ito bahay... This house and this room is mine. Lumayas ka sa pamamahay ko kung ayaw mong kaladkarin kita palabas!" singhal niya. Mas sumiklab ang inis niya nang hindi ako makagalaw. Para na niya akong kakainin ng buhay.
Napalayo ako sa kama dahil sa nakakatakot nitong itsura. Lumundag ang puso ko sa kaba. Nangatog ang binti ko. Kinurap ko ang mga mata.
Hindi kailan man ako natakot sa isang tao, pero unang beses na nakaramdam ako ng labis na takot sa lalaking kaharap ko ngayon.
The heck! Sino ang lalaking 'to? Bakit tila sigurado siya na sa kanya nga ang bahay na ito. Mali ba ako nang na puntahang bahay?