CHAPTER 2: Manyakis

2735 Words
"P-paano'ng hindi ito ang bahay ng magulang ko? May mapa akong dala. Dito talaga 'yun, kaya paanong hindi amin ito!" giit ko sa estrangherong lalaki. Nagmadali kong kinuha ang map sa bag kong dala. Pinakita ko sa kanya 'yun. Nagtagal ang titig niya sa mapa. Ilang segundo siyang hindi makapagsalita. Hinilamos niya ang pagmumukha. "Who gave you that?" Nasa mapa ang atensyon nito, kalaunan inangat niya ang tingin sa mukha ko. "Ang Attorney ko." "His name?" Pinandilatan ko siya ng mata. Seriously? Pati ba pangalan ni Attorney Yanson gusto niyang malaman. "Fritz Yanson. That's my Attorney's name. So, do you have any problem?" pagsusungit ko pa. Namewang ako sa kanyang harapan. "As I have said. This house isn't yours. So leave!" Nanaliksik pa rin ang titig niya sa akin. "May proweba ka ba na bahay mo nga ito?" paghahamon ko. Tinubuan na naman ako ng panibagong galit sa kanya. Ang kapal ng mukha niya para angkinin ang bahay ni Mommy at Daddy! "There's no need for that, Miss?" Hindi maipinta ang mukha niya sa iritasyon. "At bakit, Aber? Kung wala kang proweba na ipapakita sa akin na bahay mo talaga ito. Ibig sabihin lang nun, manyakis ka talaga at akyat bahay ka lang! Sinungaling ka rin!" Umasim ang mukha niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang magtagal ang titig niya sa tuwalyang nakatapis sa katawan ko. Hindi ko na talaga alam ang sasabihin dahil namutla na lang ako nang mapagtantong hindi pa ako nakapagbihis. Bago ko pa siya masabihan ulit ng manyakis, agad niyang pinutol ang maduming isip ko. "Ipapakita ko sa'yo ang titulo ng bahay na ito. Bago 'yon, magbihis ka muna sa banyo. Kababae mong tao naka ganyan ka sa harapan ko. Give respect to yourself," he said annoyingly. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Ginulo niya ang kanyang buhok. Sa simpleng gulo nito sa kanyang buhok mas bumagay iyon sa kanya. Mas sumingkit rin ang kanyang mga mata. Lahat yata ng dugo ko napunta sa mukha. Namanhid ang buo kong katawan. Bakit ko ba kino-compliment ang lalaking 'to? Aaminin kong guwapo siya pero hindi nagustohan ang titig niya sa akin nang inangat niya ang tingin sa suot kong tuwalya. Nagtagal ang titig niya sa hita ko. "Go to the bathroom and put your clothes on..." aniya nang hindi ako gumagalaw sa kanyang harapan. "Bakit? Hindi ka ba nakakita ng babaeng naka tapis ng tuwalya? As if naman virgin ka pa sa ganito?" Umismid ako para lang hindi niya mahalata na nahihiya na ako. Tumitig siya sa akin sa blangkong tingin. May poot sa kanyang mga mata bago niya tinuro ang banyo. "Magbihis ka na, Miss. Nandoon ang banyo!" mariin niyang sabi na para bang allergic siyang makita ako sa kanyang harapan na naka tuwalya lang at basa pa ang buhok. Hindi niya rin inalintana ang pang-insulto ko. "Magbibihis ako, pero make sure ipapakita mo sa akin ang titulo ng lupa!" Dahil ayaw ko namang magpatalo sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos dumiretso na ako sa banyo. Kinuha ko ang mga susuotin ko, including my phone at doon muna ako nanatili sa harapan ng sink ng banyo. Ilang beses akong naghilamos ng mukha. Gusto kong mahimasmasan sa kahihiyan. Sa totoo lang, unang beses na conscious ako sa katawan ko. Doon sa ibang bansa, hindi ako conservative na tao. Halos maghubad na nga ako roon pero nang makita ko ang mapagmataas na titig noong lalaki sa suot kong tuwalya na para bang tagos ang titig niya sa katawan ko. Nanliit ako sa sarili ko. Ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko. Hindi humuhupa habang kaharap ang salamin. Baka iniiisip ng lalaking 'yun, kung sino-sino na lang ang pinapakitaan ko sa katawan ko. Well... Bahala na nga kung ano'ng iiispin niya. His thoughts are not important to me. Ang gusto kong mangyari, ang makaalis na sa kahihiyan. Dahil hawak ko naman ang cellphone. Ilang beses kong tinawagan ang number ng Attorney. Ngunit kahit ano'ng gawin ko hindi ko siya ma-contact. Wala pa rin akong mahanap na signal. Saang bundok ba ako ngayon? Bakit walang signal! Kainis! "My god! I need help right now!" problemado kong sabi. Kagat ko ang pang-ibabang labi habang naghahanap ng signal sa sulok ng bathroom. Hindi man halata pero mukhang na kumbinsi na rin ako ng lalaking 'yun na hindi ko nga ito bahay. Mukhang nagkamali yata akong pinasukan. Kailangan ko lang talagang maliwanagan sa lahat bago ako aalis. No choice kundi tingnan ang titulo ng bahay. Iyon na lang ang paraan ko para makumbinsi niya. Kung nagkamali nga ako nang pinasukang bahay. Pero bakit sa lugar na ito wala namang malalaking bahay akong nakita bukod rito? Ano'ng ibig sabihin nito? Iyong mapa kaya ang mali? "Come on! Ang malas naman ng unang balik ko rito sa Pilipinas! Ganito pa ang inabot ko!" asik ko sa sarili. I sighed. Binababa ang cellphone nang wala pa ring mahanap na signal. Nakasuot lang ako ng puting t-shirt at isang skinny jeans. Tinali ko ang buhok para naman hindi ako maging haggard kapag kaharap na ang lalaki. Iba pa naman siya tumitig sa akin. Kahit guwapo siya, ayaw ko pa rin magtiwala. Mukhang wala namang epekto ang presensiya ko sa kanya kaya walang dahilan para matakot ako na baka may gawin siyang masama sa akin. Wala rin sa hitsura niya ang pagiging masama. Masungit lang siya pero hindi naman siguro siya manyakis talaga? But still... Ayaw ko pa rin magtiwala sa lalaking 'yun! Ayaw kong kumbinsihin ang sarili lalo na't ito pa lang ang unang beses na magkakiala kami. Inayos ko muna ang sarili. Lumabas ulit ako ng banyo. Naabutan ko na 'yung lalaki na may katawagan sa kanyang cellphone. Nakaupo siya sa kama. May suot na rin siyang t-shirt at isang pants. Sa ganito ka simpleng suot, bumagay pala sa kanya. Kanina kasi bumalandarya lang sa akin ang hubad niyang katawan na halos perpekto ang hulma. Nang makita niya akong nasa hambahan ng banyo, agad niyang binababa ang tawag. Seryoso niya akong pinagmasdan. "Saan na ang titulo ng bahay mo?" mayabang kong tanong. "Kung si Mr.Yanson ang nagdala sa'yo rito. Siya ang magpapaliwanag sa'yo tungkol sa mapang binigay niya. Hindi na kailangan ng titulo," aniya sa walang kabuhay-buhay na boses. Umawang ang labi ko. Paano niya na kilala ang Attorney ng family ko? "Iyon na nga e! Tinawagan ko siya pero hindi ko ma-contact." "I'm currently talking to him on the phone. Wanna talk to your attorney?" Nagtaas siya ng kilay. Nilahad niya rin sa akin ang cellphone niya. Nakakanginig ng kalamnan ang malamig niyang turing sa akin. Hmp! Yabang naman ng lalaking 'to! Pero ano raw? Kausap niya si Attorney Yanson? "Wait? Kausap mo ang walang kwentang Attorney ko? Paano mo siya natawagan? Walang signal rito?" Dahil sa inis na sabihan ko tuloy nang hindi maganda ang Attorney. Nagtaka tuloy ako kung paano niya natawagan si Attorney Yanson. Mariin niya lang akong pinagmasdan. "Using wifi. Wala bang wifi sa lugar niyo?" pang-insulto niya. Nasampal tuloy ako sa kahihiyan. Pero of course, ako naman ang babaeng hindi nagpatinag kaya tinawanan ko siya. "Malay ko bang may wifi ka. Pa-connect ako mamaya. May tatawagan ako. At tama ka, walang wifi sa lugar namin! Edi ikaw na ang may signal!" sarkastiko kong sabi. Inikotan ko siya ng mata pagkatapos padabog kong kinuha ang cellphone sa kamay niya. Pagtingin ko sa tawag, sa social media niya pala tinawagan si Attorney Yanson. Nakapagtataka, alam niya ang social media account ni Attorney. E, hindi ko nga ito friend sa Insta. Pinanliitan ko muna siya ng titig. Tanging hindi makapaniwalang tingin ang ginawad niya sa akin. Sino kaya ang lalaking 'to? Bakit kilala niya si Attorney Yanson. At bakit ang lakas ng loob niyang magmayabang sa harapan ko. "Hello, Ms.Corteza!" boses ni Attorney ang narinig ko. Mababakas ang gulat sa akin. Akala ko pinagloloko lang ako ng lalaki, totoo pala talaga na kausap niya si Mr.Yanson. "Attorney? What the hell? Ano ito? Bakit dito ako dinala ng mapa? Tapos may asungot na lalaki pa rito sa bahay ni Daddy at Mommy! Gusto ko siyang paalisin pero ayaw niya! Ang kapal ng mukhang mang-angkin ng bahay!" Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Kunot ang kanyang noo. Walang gana ang mga tingin sa akin. Namulsa rin siya sa harapan ko. "I told you, this isn't your house Wala akong inangkin sa magulang mo, tsk!" giit niya sa iritasyon. I rolled my eyes on him. Nagkunwari akong hindi siya narinig. Tinalikuran ko na lang iyong lalaki, mas nadagdagan lang ang galit ko sa tuwing sinasabi niya sa akin na hindi nga bahay ni Daddy at Mommy ito. Pumunta ako sa dulo ng kama. Agad akong umupo roon. "Pasensiya na Ms.Corteza! Nagmadali akong ibigay sa'yo ang mapa. Hindi ko na pansin na ibang mapa ang na ibigay ko. Actually, ang mapa na 'yan ay bigay rin sa akin ng lalaking kasama mo riyan. Lokasyon 'yan sa lugar kung saan siya nakatira ngayon. Gusto niyang ipatingin sa akin ang malaki nilang lupain kaya binigyan niya ako ng mapa para matuntun ko ang lugar. Balak ko sa susunod na araw dadalawin siya diyan—" "So are you telling me na mali talaga ang bahay na pinuntahan ko?" "Ganoon na nga po!" Halakhak niya. Umusbong ang poot ko sa kanya. Natuwa pa talaga siya dahil dito ako napadpad. "Bakit ngayon ka lang tumawag para ipaalam sa akin na mali pala ang na ipadala mong mapa. Napahiya pa ako rito!" galit kong tugon. Hinilamos ko ang pagmumukha gamit ang palad. Ang tapang ko pa kanina na inangkin ng lalaki ang bahay nila Mommy at Daddy pero sa bandang huli. Ako pala talaga ang mali. "Pasensiya na ulit, Ms. Elsie. Mali ang bahay na 'yan, nasa akin ang totoong mapa kung saan pagmamay-ari ng magulang niyo. Ibibigay ko ito sa'yo, magkita tayo bukas!" "Alam mo bang pwede kitang tanggalin sa trabaho mo! Pinapahamak mo pa ako! Paano ako makakaalis rito? Sobrang lalim na ng gabi at hindi madali ang tinahak kong daan papunta rito! Tapos ganito lang ang aabutin ko sa'yo?! Kapalpakan?" Agad na akong tumayo sa pagkakaupo. Gusto ko na lang magwala sa galit. Naramdaman kong nasa likuran ko ang lalaki. Alam kong rinig niya lahat ng sermon ko kay Attorney. "It was my mistake. Hindi na mauulit—" "Hindi na talaga dahil tatanggalin na kita bilang abogado!" "Hindi mo ako basta-bastang matanggal Ms.Corteza. Ako ang nakakaalam sa lahat ng ari-arian ng magulang mo. Alam mong ako lang din ang makakatulong sa'yo para mabawi natin ang pagmamay-ari—" "Fine! Fine! Shut up! Uuwi na lang ako ngayon pabalik ng siyudad " pagsuko ko dahil wala rin naman akong magawa. Tanging si Mr.Yanson lang ang nakakaalam sa gagawin ko. Gusto ko pang harapin ang kabit ni daddy at isampal sa kanila ang maling pag-angkin sa pinaghirapan ng magulang ko. "Delikado na kung uuwi ka pa. Pasado alas dyes na nang gabi. Diyan ka na muna matulog sa bahay ni Rickson Salazar." "Rickson Salazar?" takha kong tanong. Narinig ko ang tawa ni Mr.Yanson sa kabilang linya. "Oo kay Rickson ka muna. Iyang lalaking kasama mo riyan. Siya ang totoong may ari sa bahay, bigay 'yan ng kanyang magulang." "I don't trust him. Bakit dito mo ako gustong matulog?" hindi makapaniwala kong tanong. "Mabait naman si Rickson, Ms.Corteza. Hindi ka niyan ipapahamak. Maprotektahan ka rin niya ngayong gabi. Matagal ko ng kaibigan si Rick—" "No way! Hindi ako matutulog rito! I'd rather sleep in my car kay sa matulog kasama ang manyakis na lalaking 'to! Aalis ako ngayon!" Narinig ko na naman ang pagtawa ng Attorney sa kabilang linya. Agad ko nang hinarap iyong lalaki para ibigay sa kanya ang cellphone. Ngunit laking gulat ko nang makasalubong ko ang mabangis niyang mga tingin sa akin. "You stay. Hindi pa tayo tapos mag-usap!" aniya nang lalagpasan ko na siya. Hinawakan niya bigla ang siko ko pagkatapos kinuha niya sa akin ang cellphone. Tinapat niya iyon sa kanyang tenga. Nakikinig sa sinabi ng Attorney. Tumango siya nang marahan nang may sinabi pa si Attorney Yanson sa kanya, pero sa akin naka direkta ang titig nito. Iritado rin siya. "Bitaw nga! Close ba tayo para hawakan mo ako?! At ano pa bang pag-uusapan natin?" naiinis kong turan. Kinuha ko ang siko ngunit humigpit ang kapit niya roon. Wala nang balak bitawan. Tumagis ang kanyang bagang. Hindi niya ako pinansin. Muli niyang tinuon ang atensyon sa katawagan. "Anak pala ito ni Mr.Manuel Corteza... I get it. Don't worry, dito siya matutulog ngayong gabi. She's safe in my house. Hindi ko siya paalisin hangga't hindi mo siya kukunin rito! Make sure your come tomorrow." Saglit siyang tumigil para pumikit nang mariin. "Masiyadong abala ang ginawa mo! I don't accept your reason!" Huling sabi nito pagkatapos pinatay na ang tawag. Hindi ko alam kung ano'ng pinag-uusapan nila ni Attorney. Bakit na banggit niya ang pangalan ni Daddy? Sino ba talaga ang lalaking 'to? "Sa tingin mo talaga dito ako matutulog? Ni hindi nga kita kilala?" ingos ko. "Binilin ng Attorney mo na dito ka muna. Bukas ka niya susunduin. Kung may problema ka, sa kanya ka magalit." Umigting ang kanyang panga. Dumilim rin ang kanyang hitsura nang pinandilatan ko siya ng mata. "Really? Akala ko ba gusto mo akong paalisin rito sa bahay mo? Bakit nagpumilit ka yata na dito muna ako matulog? Kanina lang halos ipagsigawan mo na umalis ako!?" natatawa kong tanong. "Kilala ko ang ama mo, Ms.Corteza. Mabuti siyang tao. Hindi ko akalain na kabaliktaran ang anak niya. Matigas ang ulo at hindi nakikinig." Kinurap ko ang mga mata. Is he insulting my attitude? "What?" There's a coldness in his eyes. Nakakatakot iyong pagmasdan. Habang patagal nang patagal mas nagiging mysteryoso siya sa paningin ko. Iniling niya ang ulo. "Dito ka muna ngayong gabi." "Ayaw ko! I don't care kung kilala mo si Daddy. Gusto ko lang umalis! Hindi mo ako responsibilidad. Sabi mo nga, hindi ko ito bahay! So, why would I stay?" Lumayo ako sa kanya. Saktong maabot ko lang ang maleta. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa siko ko. Sinenyasan ko siyang bumitaw na. Ngunit Ayaw pa rin akong pakawalan. "Let go or else? Sisigaw ako?!" pananakot ko pa. "Scream then. No one can hear you. Nag-iisa lang ang bahay na ito rito. Walang tutulog sa'yo," suplado niyang sabi. "Manyakis ka talaga!" sigaw ko. Nagsimula na akong mag-alala sa pinapakita niyang ugali. Hinahamon niya talaga ako. Dumaan sa kanyang emosyon ang pinipigilang galit. "Uso sa lugar na ito ang kidnapping. Tuwing gabi sila nangunguha ng babae. Kung gusto mo talagang umalis. You are free to go. But if you want to sleep in here tonight. You can stay. So choose? Ang mapahamak ka sa labas? O ang hintayin ang Attorney mo rito?" Binitawan niya ang siko ko. Napalunok naman ako. Hindi ko na talaga mapigilan ang kaba lalo na't seryoso siya. Naghahanap ako sa kanyang emosyon kung nagsisinungaling ba siya pero mukhang hindi. Na-iisip ko pa lang na masiyadong madilim at walang kabahayan ang tinahak kong daan kanina. Kinilabutan na ako. "Kidnap? Hindi pala safety ang lugar na ito kung ganoon?" wala sa sarili kong tanong. Nagtaas siya ng kilay. "Yeah. Kung aalis ka ngayon. Hindi ko na kasalanan kung mapahamak ka." Mayabang siyang namulsa sa harapan ko. Tinagilid niya ang ulo nang sa ganoon matitigan niya ako nang mariin. "The door is open. Pwede ka nang umalis." Tinuro niya ang pinto. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o tinatakot. Dahil effective ang ginagawa niya. Pumikit ako nang mariin. Huminga nang malalim. "Sigurado ka bang safe ako rito? Baka pagising ko kinabukasan may nangyari sa akin!" Siningkitan ko siya ng mata. Sumeryoso lalo ang titig niya. Umangat ang ibabaw nitong labi. Nagpakawala siya nang buntong hininga. Hinagod niya ang kanyang buhok at pagod niya akong pinagmasdan. "Kung ano ang sinabi ni Mr.Yanson sa'yo, paniwalaan mo na lang. Tonight, your safe in here. There's many room in my house. Pwede kang mamili sa tutulugan mo." Nagkibit balikat siya pagkatapos tumalikod. Naglakad siya papunta sa pintuan. Bago siya lumabas narinig ko pa ang huling sinabi niya.. "Let me correct you. Hindi ako manyakis. Ayaw ko lang talaga makakita ng babaeng halos maghubad na sa harapan ko. May kapatid akong babae kaya mataas ang respeto ko sa kagaya mo," malamig niyang sabi. At sa puntong iyon. Nakaramdam ako ng kaginhawaan na wala talaga siyang gagawin sa aking masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD