Chapter 4 VITAMIN S

2400 Words
Jacob "Where are we going?" asar kong tanong sa kambal at kay Kenneth. Basta na lang nila ako sinundo sa bahay at sinabi na may importanteng pupuntahan. "Ewan ko kay Sammy," tugon ni Kenneth. "Bakit ako? Ikaw ang nagyaya, 'di ba?" sagot naman ni Sammy na katabi ni Samuel sa back seat. Ako na nga ang hinila nila tapos ako pa pinagmaneho at kotse ko pa. Para daw tipid sa gas. Mga hayop talaga! Hindi na mahirap malaman kung sino si Sammy at Samuel dahil may pagkakaiba na ang kanilang mga itsura. Samuel has this cherry red highlight on his black hair while Sammy is still black. "F*cking shut up!" asik ko sa kanila at kanina pa ako naiinis. "Hala, galit na si Daddy Jacob mukhang kulang talaga siya sa vitamin S," sabi ni Sammy at sabay-sabay silang tumawa. Kung hindi lang kotse ko ang gamit ay sigurado na kanina ko pa binangga 'to. Nakakairita sila. Humigpit ang hawak ko sa manibela at masamang tiningnan si Sammy sa rear view mirror. "What the f*ck is vitamin S?" Puno ng kuryosidad kong tanong at hindi na lang pinansin ang tatlong patuloy na tumatawa. Mas lalo ngang tumawa noong magtanong ako. "Sammy, ano raw ang vitamin S? Sagutin mo 'yan nang maayos kung ayaw mong maglakad tayo pauwi," natatawang saad ni Samuel at siniko pa si Sammy. "Mamaya ko na lang sasagutin kapag nakarating na tayo para sure. Baka bigla mo kami iwanan—" "Dude, liko mo diyan," sabad ni Kenneth na ikinaputol ng sasabihin ni Sammy. Nagtataka man ako ay sinunod ko ang sinabi niya at binagalan ang pagpapatakbo ko nang makita ko ang isang umiilaw na signage. "Venus Club?" mahina kong basa at kunot ang noo pa rin. "Yes, subukan natin, balita ko dyosa talaga ang mga nandiyan," tugon ni Sammy na mukhang siya ang nakadiskubre sa lugar na 'yon. "Babaero ka talaga," sita ko sa kanya. Balita niya kasi ay si Sammy ang matinik sa chicks pero hindi ko akalain na pumapasok sila sa mga ganito. "Alam ba ng ate n'yo ang pinaggagawa niyo?" Kapagkuwan tanong ko habang naghahanap ng parking space. Marami-rami na ang nakaparadang sasakyan at mukhang mabenta nga ang lugar. "Huwag ka ngang judgemental, Daddy Jacob. Hindi naman kami nag-ta-take out ng mga babae sa mga club. Pinapanood lang namin sila habang umiinom ng alak. Pamparelax ba," katwiran ni Sammy na ikinailing ko na lang. Nang makakita ako ng pwesto ay mabilis kong pinark ang aking kotse. Mabilis din bumaba ang tatlo kong kasama at mukhang hindi makapaghintay at pinagbuksan pa talaga ako ng pintuan. "Bilisan mo naman, Daddy Jacob." "Stop calling me that, nakakaasiwa ka, Sammy!" At tulad kanin ay tinawanan lang ako. Bumaba na ako bago ko pa maisipan na iwanan sila rito. Pagkababa ko ay inakbayan ako ni Sammy. "Alam mo kasi Daddy Jacob dapat sumasama ka sa amin. Huwag kang laging nagsasama kina Andrew, Kevin, Anthony kasi mga nakatali na 'yon. Wala silang maibibigay sa 'yo na magandang experience 'di tulad namin na free to fly." Iwinasiwas pa niya ang kaliwang kamay. "Sakit naman mapapala n'yo sa pagpasok kung saan-saan," turan ko. "Hindi nga kami nag-take home ng mga babae sa mga club. Ulit-ulit naman tayo, e." Hindi ko pinansin ang pagtatanggol ni Kenneth sa kanilang mga sarili. Ako pa ba ang lolokohin nila? Ano 'yon? Papasok lang sila at papasakitan ang mga puson nila. Hindi pa naman ako hayok sa laman para pumasok sa mga ganitong club at masyado akong abala sa aking bagong itatayo na kumpanya rito sa Pilipinas. Nakapagdesisyon kasi ako na rito na manirahan para malapit ako sa aking pamilya. Ako lang naman mag-isa sa Tuscany, matapos magkaayos nina Clara at Anthony ay sigurado na hindi na 'yon sasama sa akin. And Brianna. Ayoko ilayo rin siya sa mga kinilala niyang pamilya. Kaya ako na ang mag-adjust. Pagkapasok pa lang namin ay may mga bumati na sa amin na mga babae. Napataas ang kilay ko dahil kahit maikli ang mga suot nila ay mukha silang disente. Mukha ngang hindi basta-basta club ang pinasukan namin. It was a club with a class at nang igala ko ang aking mga mata ay makikita na hindi basta-basta ang mga narito. They are all well dressed showing that they are from a wealthy family. "VIP or here?" tanong ng isang babae na may malawak na ngiti. "Dito lang, Miss, sa medyo tago, huh. Ito kasing kaibigan namin masyado mahiyain." Sinamaan ko ng tingin si Sammy na hindi pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa akin. "Follow me," sambit ng babae. "Ang cool dito," komento ni Kenneth habang sinusundan namin ang babae. Well organized din ang mga table at may stage sa pinakagitna at saktong mag-uumpisa na yata kung ano man programs ang inaalok ng club na 'to. "Here's your table mga sir. Ano po order n'yo?" masiglang tanong ng babae. Si Kenneth at Samuel ang nag-order habang kami ni Samuel ay umupo na. Inalis na rin niya ang pagkakaakbay sa akin. Nang matapos mag-order ang dalawa ay umupo na rin sila sa magkabilang gilid. Half-circle ang ayos ng couch at mataas ang harang na nakalagay kaya komportable ang pakiramdam dahil hindi namin makikita kung ano man ang ginagawa sa kabilang table. "Grabe ang ganda pala talaga rito. Magaling talaga pumili ng club si Raymond," ani ni Sammy at ipinatong pa ang kaliwang kamay sa headrest ng couch. Napalingon ako sa sinabi ni Sammy. "Who is Raymond?" Ngayon ko lang kasi narinig ang pangalan na 'yon. "Makikilala mo rin siya. Kaibigan ni Clara 'yon na naging kaibigan din ni Ate Sandra. Dating nag-work sa company nina Andrew," paliwanag ni Samuel. Naagaw ang aming atensyon nang biglang naghiyawan ang mga tao. At doon nga ay tumutok ang aming atensyon sa may gitnang stage kung saan nagsisimula na mag-perform ang mga babaeng nakamaskara at may suot na nakakaakit na mga damit. Napalunok ako at hindi ko napigilan tumutok ang aking mga mata sa mga babaeng nagsasayaw. At ganoon din ang tatlo. At iisa lang sigurado ang nasa isip namin. These women were glamorous. Biglang tumahimik ang buong paligid at ang malamyos na musika ang tanging maririnig. At sa mga oras na 'yon ay hindi maalis-alis ang mga mata namin sa napakahusay at nakakaakit na pagsayaw ng mga babae. Ngunit naagaw ang aking atensyon ng mapalingon ako sa kabilang gilid at may nakita akong babae na pamilyar sa akin. Napakurap pa ako just to make sure that I'm not mistaken. Pero pagmulat ko ng aking mga mata ay wala na siya. Kaya naman ibinalik ko na lang ang tingin sa mga babaeng sumasayaw. Dumating ang aming order pero walang pumansin no'n at nanatili lang kami nanonood. Isang magarbong palakpakan at hiyawan ang pumuno sa buong club matapos ang nakakapang-init na performance ng mga mananayaw. At lalaki lang ako at hindi ko itatanggi na nakaramdam ako ng init sa aking katawan. Kailan ba nang huli akong nakipagtalik? Noong nasa Tuscany pa ako at matagal na rin dahil mula nang mapunta sa akin si Clara ay sa kanya na ako nag-focus. "Whooa! Ang tindi, nakakapang-init ng kalamnan. Those big boobs, round ass, and curvaceous body, oh shit." May paungol pang kasama ang tinig ni Sammy na gusto ko na lang batukan. "Oh, iinom mo na lang niya." Sabay abot ni Samuel ng isang baso kay Sammy na may lamang alak. Si Kenneth naman ang nag-abot sa akin na agad ko naman nilagok at iba na ang nararamdaman ko. Kasalanan talaga ng tatlong 'to. Pati ako dinamay sa kalokohan nila. Damn it! Nararamdaman ko ang pagkabuhay ng alaga ko! "Ano, Daddy Jacob? Want a taste of them?" Isang matalim na tingin ang ipinukol ko kay Sammy na ikinatawa lang niya sabay taas sa basong hawak na wala naman laman. "Cheer para sa ating kagwapuhan." At ano pa ba ang aasahan ko sa dalawa na nagtaas din ng baso. At dahil wala akong balak na samahan sila sa kalokohan ay hinila pataas ni Sammy ang kamay ko na may hawak na baso. "Cheers!" Sabay-sabay nilang sambit saka tumawa na naman. Mga may saltik nga. Tama talaga sina Andrew at mga pinsan nito. Nagpatuloy kami sa pag-inom at kanya-kanyang kwentuhan nang maalala ko ang tanong ko kanina kay Sammy. Bago ako makapagtanong ay may lumapit na isang babae. "Mga Gwapong Sir, baka gusto n'yo ng ka-table?" Mapang-akit na tanong ng isang babae na mukhang isa sa tinatawag na GRO rito sa club. Nagkatinginan kami. Umiling ako. Hindi dahil sa ayoko pero kahit nagwawala na ang alaga ko ay hindi ko lang trip ang nga babae na nagtatrabaho sa club. I'm not saying that they are not safe but… I still choose to find someone not only for one night's pleasure. "I'm sorry, Miss. Pero, gusto lang namin uminom. You look stunning. However, we don't need you." Maaliwalas pa rin ang mukha nang baba na nagpaalam matapos ang pagtanggi ni Kenneth. Mukhang hindi naman siya na-offend, siguro dahil maayos ang pagtanggi sa kanya. "Hey, Sammy. What is vitamin S?" Napatingin sa akin ang tatlong pares ng mga mata na para bang hindi makapaniwala sa itinanong ko. "What?" kunot-noo kong tanong saka nagsalin ng alak sa baso ko. Nang marinig ko na naman ang pagtawa nila ay umiling na lang ako at minsanang nilagok ang alak na sinalin ko. Napapikit ako ng humagod ang likido sa aking lalamunan. Mainit-init 'yon at mapait. "Sammy, sagutin mo na at baka hindi tayo pasakayin mamaya," banta ni Samuel sa kakambal. Iminulat ko ang aking mga mata at sumandal matapos ilapag ang baso na wala ng laman. Iginilid ko ang aking ulo sa gawi ni Sammy. Waiting for his answer. "Bakit ako na naman? Parang hindi n'yo naman alam kung ano 'yon." Gumalaw si Sammy palayo sa akin na ikinataas ng kilay ko. "Ang simple lang ng tanong ko, bakit parang takot na takot ka?" tanong ko kay Sammy. Ngumisi naman siya saka napakamot sa kilay. "Vitamin S… S…" Mas tumaas ang kilay ko dahil sa pahinto-hinto niya pagsasalita. "Ano nga? Bilisan mo nga," asar ko ng sambit. "S for Séx. Kulang ka sa vitamin séx kaya lagi mainit ulo mo." Ang bilis na tumayo ni Sammy at tumabi kay Samuel nang umayos ako ng upo. "Oi, totoo naman 'yon, ah." May pahabol pa talaga. Nang tingnan ko sina Samuel at Kenneth ay tinikom nila ang mga bibig pero alam ko na gusto nang tumawa. Pero napaisip din ako. "Gaano ba kayo kadalas makipagsex? Or, when did you last feed your buddy?" Malakas na singhap ang narinig ko at bakas sa kanilang mukha ang pagkagulat. "Ano? Maglolokohan pa ba tayo rito?" I smirked. "Hoy, Daddy Jacob, your question is too personal." Natawa ako sa sinabi Sammy at naiiling na nagsalin muli ng alak. "You are forcing me to have that vitamin S, baka kailangan n'yo rin?" Sarkastiko kong saad saka ininom ang alak sa baso ko. Ang lalakas ng mga loob pero mukhang takot din yata na mapikot. "Ako, last week yata. Bigla na lang may lumapit na isang magandang babae sa akin sa Royal Palace at gusto akong tikman kaya pinagbigyan ko na," nagmamalaking sabi ni Sammy na nakatikim ng batok kay Samuel. "Babaero ka talaga, kapag ikaw napikot o nagkasakit, bahala ka sa buhay mo." "Maingat ako, bro. I always use trust, kaya trust me." Natawa na lang kami sa kalokohan ni Sammy. "Ako, last month," simpleng sagot ni Kenneth pero may kislap sa mga mata niya nang sabihin 'yon. Para bang hindi basta pagpaparaos ang ginawa niya. "How about you, Samuel? May nangyari na ba sa inyo ng babaeng inuwi mo sa condo mo?" Naagaw ang atensyon namin sa sinabi ni Sammy. May girlfriend si Samuel? Alam ko kasi ay wala. "Shut your mouth!" asik ni Samuel kay Sammy. "Bro, tayo lang nandito. Huwag ka na mahiya." "Gago ka talaga. Ano tingin mo sa akin kiss and tell." Ipinagtulakan ni Samuel ang kakambal paalis sa tabi niya. "Grabe ka talaga sa akin. Susuportahan naman kita," lumalaban pa rin na angal si Sammy na sa tabi ni Kenneth umupo. "She's my maid kaya tigilan mo 'yang iniisip mo, Sammy. Uminom na nga lang tayo." Na-curious man ako sa sinagot ni Samuel ay hinayaan ko na lang. Hindi naman ako tsismoso katulad nina Kevin. Nagpatuloy kaming uminom at sumunod namin napag-usapan ay ang tungkol sa aming mga negosyo. Si Samuel ang kinuha kong kumpanya sa itatayo kong business habang si Andrew naman ang supplier ng mga materyales. Makalipas ang halos dalawang oras ay nagpasya na kaming umuwi. Pero ang mga gago at walang dalang pera. Kaya ang nangyari ako ang magbabayad. Ang lakas talaga ng mga saltik! At ang masaklap nauna pa silang lumabas kaysa sa akin dahil ako nga ang magbabayad. Habang hinihintay ko ang bill ay tumuon ang aking mga mata sa isang waitress na nagliligpit. I squinted my eyes to make sure that I was seeing her clearly. Pero dahil madilim nga sa loob ng club at tanging ang mga umiikot na ilaw ang nagbibigay liwanag ay hindi ko masiguro na siya nga ang babaeng 'yon. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya hanggang sa lumingon siya sa gawi ko. Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya pero sigurado ako na nakatingin siya sa akin. Napaayos ako ng upo nang magsimula siyang humakbang patungo sa kinaroroonan ko. Hindi ko naman inalis ang tingin sa kanya. Something in my mind says that I should see her closer. Nang nasa gitna na siya ay may tumawag yata sa kanya dahil lumingon siya sa may bandang likuran niya. At kasabay nang paglingon niya sa akin ay ang pagtama ng gumagalaw na ilaw sa mukha ko kaya napapikit pa ako. Nang magmulat ako ay hindi ko na siya makita. Tumayo ako at hahakbang sana nang dumating ang bill namin. Mabilis kong kinuha ang card at ibinigay sa babae. Nang muli kong ituon ang tingin sa gawi kung saan ko siya nakita ay kumunot ang noo ko nang makita ang isang bulto na nagmamadali. May pakiramdam talaga ako na kilala ko siya. Kaya naman mabilis ko rin sinundan 'yon pero bago pa ako makalayo ay ang paghila ni Kenneth sa braso ko. "Where are you going? Nagbayad ka na ba? Tara na, umuwi na tayo at oras na." Napahinga na lang ako saka kinuha ang card ko nang bumalik ang babae. Sinulyapan ko muli ang pinasukan ng babae bago nagpasyang lisanin ang lugar na 'yon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD