Nakatatlong balik si Marikit para lamang maipasok ang lahat ng pinamili nila ni Conran. Halos mangiyak-ngiyak na siya kasi hindi niya ginagawa ang magbuhat sa sa kanilang bahay. Palaging ang Tito niya or ang kanyang Papa ang bumubuhat ng mga pinamili ng kanilang lola at ng mama niya kapag nago-grocery ang mga ito. Tapos ngayon siya na ang lahat ng gumagawa nito. Sana pala nagpumilit na lamang siyang tumulong sa kanyang Papa at Lolo para naman sanay na sana siya, hindi na siya gaanong mahihirapan. Pinapahirapan talaga siya ng mokong na iyon pero hindi sila susuko. Sinusubukan lang siya masyado ni Conran kung susuko agad. Hindi naman siya ganoon kadaling sumuko sa lahat ng bagay. Hinihintay lang kasi nito na mapatunayan na isa nga siyang spoiled brat, na walang alam kundi ang magtikt