Ilang sandali pa at lulan na ng sasakyan ni Conran si Marikit. Halos mangiyak ngiyak siya dahil sa pagmamadali nito na sumama siya dito. Wala pa siyang ligo at wala pa siyang kaayus-ayos, kahit makapaghilamos hindi rin. Ang masakit pa nakapantulog lamang siya at wala pang siyang suot na bra. Talagang walang pakialam ang lalaki na ito sa kanya. "Simula sa araw na ito magluluto ka na ha at ituturo ko lang sayo ang palengke, hindi naman kalayuan iyon dito eh. Tsaka iyong grocery store na pupuntahan natin, hindi naman iyon kalayuan dito sa bahay kaya sa susunod Ikaw na lamang ang mamimili. Maglakad ka na lang kasi malapit lang naman o kaya sumakay ka ng pedicab. At saka pala maglinis ka mamaya ng buong bahay. Baka naman humilata ka lang at mag-cellphone ng mag cellphone maghapon. Tiitingn