Agad na tumigil ang babae sa pagsasayaw at tila nahihiyang bumaling ito sa kanya. Hindi pa ito magkandatuto kaya muntik na itong matumba buti naalalayan niya sa braso. "Ano ba yan! Kunting ingat naman!" Inis na wika niya dito, pero mas lamang ung pag-aalala. Maaari kasi itong tumama sa may kanto ng lababo. "N-Naku Conran, nagugutom ka na ba? Pano ba yan h-hindi pa kasi ako nakaluto eh. Pasensya na, sige bibilisan ko na lang itong sinangag mabilis lang naman tong lutuin eh." kandautal na turan nito tsaka may tiningnan itong kung ano sa cellphone bago nito dinurog ang kanin na nasa kaldero. "Sige okay lang, maaga pa naman eh. Sa akin ba itong kape na 'to?" tanong niya dito. At saka umupo siya sa hapag-kainan kung saan nakapatong ang tasa ng kape. Natitiyak kasi niya na sa kanya ang