Kinabukasan. Alas sais na ng umaga ng magising si Marikit, napansin agad niya ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Ang tagal pa bago nag-sink in sa kanya kung saan galing ang kumot na iyon hanggang sa marealize niya na si Conran ang may gawa niyon sa kanya. Wala naman ibang magbibigay sa kanya ng kumot kundi si Conran lang. Awtomatikong napangiti siya habang hawak hawak ang kumot na iyon tsaka inamoy pa niya ang kumot at napangiti siya dahil napakabango niyon. Hindi niya alam kung anong sabon na panlabang ginamit doon pero nagustuhan talaga niyang amoy dahil hindi masakit sa ilong. Nasisiyahan ang kanyang puso sa isipin na nag-abala pa si Conran na bigyan siya tapos hindi man lang siyang ginising nito, para siya na lamang sana ang nagtalukbong ng kumot. Napansin pa niya na ma