"Diyos ko! Mga hayop kayo! Baboy nyo!" Galit na galit na sigaw ni Emma sa naabutan nitong tagpo sa kanila ni Marikit.
Mabilis tumayo si Marikit sa kandungan ni Conran at binalot ng kumot ang hubad nitong katawan. Siya naman ay umahon na mula sa pagkakahiga sa kama at agad na hinagilap niya ang kanyang boxer short.
"Love magpapaliwanag ako, please hayaan mo muna akong magpaliwanag. Hindi ko sinasadya ang lahat!" natatarantang paliwanag niya sa kasintahan.
Nang matapos niyang maisuot ang kanyang boxer short at pantalon ay agad na lumapit siya rito ngunit mag-asawang sampal ang pinadapo agad nito sa tig-kabila niyang pisngi.
"HAYOP KA! Pinagkatiwalaan kita! Minahal kita pero pinairal mo pa rin ang kamanyakan mo!" Galit na galit na singhal nito sa kanya.
At saka marahas siya nitong itinulak at nilapitan naman ang noon ay nasa ibabaw pa rin ang kama na si Marikit. Hubo't hubad pero tinatakpan ng kumot ang hubad na katawan nito.
Mababakas ang takot nito sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa galit na galit nitong tiyahin. Hindi naman ito makababa sa kama dahil wala itong saplot at marahil nahihiya rin ito sa tiyahin.
"Ikaw hayop kang haliparot ka! Hayop ka napaka ahas mo! Hinarot mo pa ang boyfriend ko! Demonyo ka napaka-bata mo pa pero napakalandi mo na! Pamangkin pa naman kita tapos gaganituhin mo lang ako! Hindi ka na nahiyang hayop ka!" Galit na galit na sigaw nito sa pamangkin at pinagsasabunutan, pinagsasampal nito si Marikit na noon naman naiiyak lamang ng iyak.
Hindi pa ito nasiyahan, tumayo pa ito sa kama at pinagsisipa ang dalaga na hindi naman lumalaban kundi iyak lamang ng iyak.
Linapitan naman niya si Emma para pakalmahin pero hindi niya iyon nagawa. Nagsisigaw ito na nagsisigaw, tila doon ito inilalabas ang sama ng loob.
Natakot naman siya na baka makarinig ng mga kamag-anak nito at baka lumaki pa ang issue ay wala naman dapat itong pagselosan dahil ito lamang naman ang minamahal niya.
Nagkataon lamang na nagkamali siya ng babae inangkin. Inaakala lamang niya na ito ang nakahiga sa kama pero hindi niya sinasadya at wala siyang balak ng sabihin at ipaalam sana dito ang nangyari dahil malapit na nga silang ikasal.
Nagpaplano na sana silang magpakasal pero hindi naman niya akalain na mahuhuli siya nito. Kung alam lamang niya na maaari silang mahuli nito itinigil na sana niya kanina pa.
Kung bakit naman kasi natukso pa siya kay Marikit kung bakit hindi na lamang niya ay pinigil ng matuklasan niya na hindi ito si Emma. Napakagago niya, hindi manlang niya naisip ang relasyon ni Marikit sa kanyang mahal.
Doon pa lamang tumigil na sana siya at iginalang na. lamang niya si Marikit. Pwede naman sanang humingi na lamang siya ng tawad dito dahil totoo namang di nya alam. Pero wala na nga siyang magawa talaga dahil darang na darang na siya sa sarap na kanyang nalalasap.
Lalo na at naisip niya na siya ang naka virgin kay Marikit at dahil nawasak na rin naman ang virginity nito. At nandoon pa at pananatili pa rin na nakabaon ang kanyang alaga sa lagusan nito. Kaya itinuloy na lang niya, hindi na talaga niya napigil pa ang kaniyang sarili.
Pero batid naman niya sa kanyang sarili na mali iyon, maling mali iyon pero hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit masyado siyang nadarang pagdating kay Marikit. Samantalang hindi naman siya basta-basta na aakit ng kung sino lang. Hindi nga siya nahuli man lamang ng mga naging karelasyon niya na nagcheat.
At hindi rin niya ugali na makipag s*x sa ibang babae lalo na kung may karelasyon siya. Syempre ginagalang niya iyon dahil babae iyon at may mga magulang din sila at kapatid Pero iba kasi si Marikit.
Hindi talaga niya napigilan ang kanyang sariling lalo na ng matuklasan niya na siya ang unang lalaki sa buhay nito. Isa pa sa totoo lang naman talaga ay napakaganda ni Marikit at kahit na sinong lalaki ay hindi maaaring hindi mapalingon dito.
Kapag dumaan kahit nga sa mga t****k post nito ay napaka ganda talaga nito at napakaraming followers. Lalo na ang mga kalalakihan dahil gandang-ganda ang mga ito kay Marikit.
Lalo pa at mahilig itong magsuot ng maiiksing damit at laging kita ang cleavage pero hindi niya akalain na wala pa pala kahit isang lalaki ang nakahawak dito.
Ramdam na ramdam niya iyon habang nilalamokus niya ang dibdib nito. Halatang wala pang kaalam-alam sa ganoong bagay.
Si Marikit lalo na ang paghalik nito ramdam niya na wala pa itong alam sa paghalik. Ibig sabihin siya pa lamang ang naunang nakahalik dito. Kaya feeling niya ay napaka-swerte niya dito.
Sino ba ang hindi mababaliw sa napakagandang alindog niyon sa kanyang harapan napakabango at talaga namang katakam-takam ang itsura ng katawan nito. Napakasexy at talaga namang kaakit akit ang katawan nito.
Iyon nga lang sa sobrang pagkadarang niya kanina at pagkasabik na maangkin muli si Emma ay hindi na niya napansin na ibang babae ang kanyang kaulayaw.
Hindi din niya napansin na may mga pagbabago sa katawan dahil si Emma ay may edad na rin nasa mahigit 30 years old na pero sexy pa rin ito pero ibang iba ang pangangatawan nito kay Marikit.
Si Marikit ay sexy na malaman pero si Emma ay medyo patpatin ito pero sexy din. Talagang hindi ito tabain kasi hindi ito mahilig kumain ng mga karne palagi lamang gulay at prutas pero si Marikit kasi ay bumagay naman dito ang ganong kaseksihan.
"Arayyy! T-Tama na po Tita! Titaaaa aray ko, tama na po!" Paulit-ulit na pakiusap dito ni Marikit pero hindi pa rin nito pinapakinggan ng tiyahin. Talagang nalason na ang isipan nito ng matining galit at selos.
"Huwag mo akong matawag tawag na tita hayop ka! Ahas ka! Inahas mo ang boyfriend ko! Napakademonyeta mo! Akala ko pa naman hindi ka malandi, akala ko pa naman hanggang sa social media ka lang maglalandi! Iyon pala hanggang sa totoong buhay ay malandi ka! May binabalak ka pa lang masama sa boyfriend ko? Napaka gago mong bata ka!" Galit na galit na singhal pa rin nito sa dalaga at halos mabunot na yata ang anit nito dahil sa matinding pagsabunot na ginagawa ni Emma.
"T-Tita hindi ko po s-sinasadya, h-hindi ko po alam. Wala po talaga akong alam, si Tito po ang tanungin ninyo wala po akong alam! Aray t-tama na, sobrang sakit na po!" halos maghumiyaw na sa sobrang sakit si Marikit dahil sa halos mabunot na ang anit nito at ang dami na ring buhok na nahila ng tita nito.
"Ano ka ba naman Emma, tigilan mo na nga ang pamangkin mo wala siyang kasalanan. Hindi namin ginusto ang lahat, pagkakamali lang talaga, isang pagkakamali lang!" paliwanag muli niya sa babae at pinipilit na hilahin na ito para mabitawan si Marikit pero bigla siya nitong binalingan at isang malutong na sampal na naman ang pinalasap nito sa kanyang kanang pisngi.
"Aba at talaga namang napakakapal ng mukha mo at nakuha mo pa na ang pamangkin ko ang panigan mo! Napakademonyo mo talaga, manyakis ka, hindi ka na nagsawa sa akin pati pamangkin ko pa!" naghuhurumentadong singhal sa kanya ni Emma.
Habang walang tigil ito sa pagsampal sa kanya. Wala na rin itong pakialam kahit saan pa tumama ang kamay nito. Sa kanyang braso, sa kanyang mukha, sa kanyang dibdib at sa kanyang ulo. Sobrang nasasaktan na rin siya pero naiintindihan naman niya ang nararamdaman nito.
"Hindi naman sa gano'n love, maawa ka naman sa pamangkin mo. Hindi nga namin sinasadya iyon, makinig ka muna kasi sa paliwanag ko bago ka mag-react diyan! Ano ka ba kumalma ka naman oh!" tila nauubusan na rin ng pasensya na wika niya kay Emma.
Paano ba naman ito talaga ang ayaw na ayaw niya iyong hindi siya binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag. At kung magpaliwanag man siya ay dati ng sarado ang isipan nito kaya parang walang saysay na rin kung magpapaliwanag siya.
Pero napansin niya na dumugo na ang bibig ng pamangkin nitong si Marikit kaya ang ginawa niya ay hinawakan niya ang dalawang braso nito at balak sana niyang pakalmahin. Ngunit umiyak ito ng umiyak iyong tipong iyak na sobrang lakas at tiyak na maririnig ito ng mga kamag-anak ni Marikit sa labas.
"Ewan ko sa inyo! Mga baboy! Kadiri! Aahhh, kung pwede lang sana pumatay ng babaeng haliparot!" galit na ang galit na sigaw nito.
Tsaka nagpumiglas bigla sa pagkakahawak niya at ng makawala ay siya na naman ang binalingan nito. Pinaghasusuntok siya nito sa dibdib at malulutong na ang sampal naman sa kanyang mukha. kaya naman ang kanyang mukha ay namumula na dahil sa sampal.
Hindi na niya alam kung papaano pa niya ito papakalmahin. Iyak ito ng itak habang patulog ang pagmumura at pagsasalita ng hindi maganda sa kanila. Masakit sa tenganv pakinggan pero dapat lamang na kalmahan niya dahil kasalanan naman niya ang lahat kung bakit nagkakaganon ito.
"Ano ang ibigsabihin nito Emma?! B-Bakit ka umiiyak?!" Bulalas ng Ate ni Emma at Nanay naman ni Marikit ng bumungad ito sa pinto. "Marikit? Napapaano ka? Bakit nakahubad ka at bakit dumudugo ang bibig mo?" Maang na tanong naman nito sa anak na si Marikit.
Tsaka napabaling ito sa kanya, tila binabasa nito ang nangyayari sa paligid.
"Iyang kiringking mong anak Ate! Nakipagsiping sa boyfriend ko!" Umiiyak na sumbong ni Emma sa kapatid.
"Diyos ko! A-Ano?!" Bulalas naman ng Mama ni Marikit.
ITUTULOY