XEYA CLEMENTINE'S POV Inayos ko ang aking suot na gown bago tuluyang lumabas sa banyo. May ilang babae akong nakakasalubong at lahat sila ay magaganda, halatang pinaghandaan talaga ang party na 'to. Today is the annual social elite party and... my birthday. Maraming mukha ang pamilyar sa akin dito at may ilan din akong kakilala nang dahil na rin sa koneksyon ng mga magulang ko sa industriya. Nang makabalik na ako sa loob ng malaking function room, kaagad na hinanap ng aking mga mata ang aking ina. And when I saw her talking with her best friend, I immediately approached them. "Xeya! Mas lalo kang gumanda ngayon. Bagay na bagay talaga sa'yo ang kulay asul na gown." Komento kaagad ni Tita Sasha nang masilayan niya akong naglalakad papalapit sa kanila. I smiled at her before giving he