XEYA CLEMETINE'S POV "Mom, hindi mo naikwento sa'kin na may inaanak ka pala." "Xeya, hindi ko naman kailangang ikwento sa'yo ang lahat tungkol don." Natatawa nitong wika habang nasa loob na kami ng sasakyan na maghahatid namin pauwi sa bahay. "Your father and I made some strong relationships with our loyal investors, kaya hindi na rin maiiwasan ang mga ganyang bagay. Ikaw nga ninang at ninong mo ang mag-asawang imbestor sa kompanya ng lolo mo noong siya pa ang namamahala nito." Paliwanag niya bago kinuha ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag. She's going to leave another message for dad to read tomorrow. Hindi ko maiwasang makapalumbabang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse habang iniisip ang pangyayari kanina lang. Matapos ang sandaling 'yon ay tuluyan na rin kaming uma