XEYA CLEMENTINE'S POV "Good morning, Ma'am." "Good morning po." "Good morning, Ms. Gutierrez." "Welcome, Ma'am." Ilan lang 'yan sa mga pagbating naririnig ko rito habang paakyat na ako sa opisina ni dad. Halos lahat ng mga tauhan dito ay nakakilala na sa akin dahil halos every month ako pumupunta rito. Kinailangan dahil 'yon ang gusto ni dad. Sino naman ako para tumutol, hindi ba? "Good morning, Miss Xeya!" Salubong sa akin ng isang lalakeng may edad na rin, siya ang sekretarya ni dad. His name is Joseph. "Good morning, where's dad?" "Nasa meeting pa po siya kaya inutusan niya akong salubungin po kayo para i-assist papunta sa opisina niya." Aniya habang sinasabayan ako sa paglalakad dito sa mahabang hallway. Nasa pinakadulo ng hallway na ito ang malaking opisina ng aking ama k