Chapter 01

1517 Words
LALONG lumawak ang matamis na ngiti sa mga labi ni Sianna nang makita niya ang kaniyang sarili sa repleksiyon ng malaking salamin, sa silid niya, sa kaniyang condo unit. Tinawagan niya kanina ang fiancé niya na si Wil Falcon kung nasaan ito ng mga sandaling iyon. At ang sabi nito ay may ka-meeting lang ito sa labas. Kaya naman napagdesisyonan niya na surpresahin ito sa ipinatayo nitong bahay na para sa kanila. Doon kasi nananatili ngayon si Wil. Lalo na at fully furnished na iyon. Bahay kung saan bubuuin nila ang pamilya na pangarap nilang dalawa. Nakatayo ang bahay nito sa isang exclusive subdivision. May access naman siya roon kaya malaya siyang makakapasok sa subdivision na iyon kahit hindi niya kasama si Wil. Kaka-engage lang nila last week ng kaniyang nobyo. Parang gusto na ngang hilahin ni Sianna ang bawat araw dahil gusto na niyang ikasal silang dalawa. Sa loob ng dalawang taon nilang magkarelasyon, masasabi niyang ito na talaga ang lalaki para sa kaniya. Sobrang understanding, sweet, caring at gentleman. Hindi siya nito minamadali na ibigay ang sarili rito. Palagi rin nitong sinasabi na makapaghihintay ito sa araw mismo ng kanilang kasal. Hindi naman lingid sa nobyo niya na wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik. Sino ba ang babaeng hindi ma-i-in love kay Wil? Para kay Sianna, narito na ang lahat. Sa edad nitong twenty-seven, successful na ito sa buhay. Naka-set na rin ang future niya kasama si Wil. At sa oras na ikasal silang dawala, nakatakda na niyang iwan ang maganda niyang trabaho bilang isang real estate agent. May mataas na posisyon ang kaniyang nobyo sa Falcon Group of Companies kaya anito ay kayang kaya siya nitong buhayin at ang magiging mga anak nila sa hinaharap. Sa bahay na lang daw siya. Wala naman iyong problema kay Sianna. Mas gusto rin naman niyang tutukan ang kaniyang magiging mga anak kung sakali man. Isa pa, gusto niya ng isang buong pamilya. Lalo na at galing siya sa broken family. Ang ama’t ina niya ay may kani-kaniya na ring pamilya. Ipinilig ni Sianna ang kaniyang ulo nang maisip ang pamilyang pinagmulan niya. Isa sa pangako niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi siya magagaya sa kaniyang pamilya na maghihiwalay. Muling sinipat ni Sianna ang kaniyang sarili sa salamin bago tuluyang kinuha ang kaniyang shoulder bag at umalis. Tiyak niyang masusurpresa si Wil oras na makita siya. Balak din niya na ipagluto ito dahil weekly lang kung may pumuntang katulong sa bahay nito upang maglinis at ipaghanda ito ng makakain nito. Hindi na siya nangahas pa na contact-in ang kaniyang nobyo. May sarili siyang kotse kaya madali lang para sa kaniya na marating ang bahay ni Wil. And soon, magiging bahay na nila. Ipinarada ni Sianna ang kaniyang kotse sa medyo malayo sa bahay ni Wil. Sa tapat ng isang bakanteng lote. Para naman kung darating ito ay hindi nito makikitang naroon siya. Hindi naka-lock ang gate na kaniyang ipinagtaka kaya malaya siyang nakapasok sa loob. May susi rin siya ng gate kung sakali man na naka-lock iyon. Mas lalong tumindi ang pagtataka ni Sianna nang makitang nasa may garahe ang tatlong sasakyan ni Wil. Buong akala niya, wala roon ang nobyo? Imposible naman na nag-commute ito dahil coding ito? Kaya nga tatlo ang kotse nito para may magamit pa rin ito kapag coding ang isa nitong sasakyan. Kung bakit may kakaibang kaba sa kaniyang dibdib nang hayunin na niya ang papunta sa may front door. Nang makapasok siya sa loob ng malaking bahay na iyon ay agad siyang napatingin sa may hagdanan. Sa may ibaba kasi niyon ay may dalawang pares ng high heels. Alam niyang hindi iyon sa kaniya. Tahimik ang buong bahay. Walang ibang tao sa ibaba. Dumako ang tingin ni Sianna sa itaas ng hagdanan. Bakit lalong lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib? Napalunok pa siya at ipinilig muli ang ulo. Ayaw niyang isipin na magdadala roon ng ibang babae ang nobyo niya. Imposible. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Wil. Isa pa, doon sila titira oras na ikasal sila. Hinding-hindi siya nito makukuhang lokohin. Huminga nang malalim si Sianna bago nagawang humakbang paakyat sa bawat baitang ng hagdanan. Ang master bedroom ang kaagad niyang hinayon. Ang magiging silid nila ni Wil kapag doon na rin siya nanirahan. Pagliko niya sa isang pasilyo, bigla ay nahirapan siyang huminga nang makita ang nagkalat doong mga damit. Kahit na anong kurap niya, naroon talaga ang mga iyon. Damit ng lalaki at babae. “H-hindi,” mahina niyang anas. Nanlalambot lalo ang kaniyang pakiramdam. Tipong doon pa lang sa nakita niya ay para bang tatakasan na siya ng bait. Kahit na anong pigil ni Sianna sa kaniyang sarili, nag-iinit pa rin ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Masyado yata siyang nakampante na hindi magloloko ang nobyo niya. Gusto niyang tawanan ang kaniyang sarili. “Meeting,” anas pa niya nang maalala ang sinabi sa kaniya kanina ni Wil. Napahawak pa si Sianna sa kaniyang dibdib habang unti-unting humahakbang papalapit sa pinto ng master bedroom. Lalo rin kasing lumalakas ang kabog sa kaniyang dibdib na halos marinig na niya sa sobrang lakas. Nang makarating doon ay buong ingat din nang pihitin niya ang doorknob. Kaunting siwang pa lang ng pinto ang nabubuksan ni Sianna ngunit naririnig na niya ang halinghing ng isang babae dahilan upang buksan niya ng tuluyan ang pinto. Tumambad sa mga mata ni Sianna ang kaniyang nobyo na si Wil na nakapatong sa isang babae sa kama habang walang tigil sa pagbayo sa ibabaw niyon. Mga walang saplot sa katawan! Lalong nahumindig ang pakiramdam ni Sianna. At ang babaeng kinukubabawan ngayon ng kaniyang fiancé? Walang kasawaan sa pag-ungol at daing. Tila mamamatay sa sarap. Daig pa ni Sianna ang para bang tinakasan ng kaluluwa sa kaniyang nakikita ng mga sandaling iyon. Isang katibayan ng kawalanghiyaan ng kaniyang nobyo. At ang mas malala pa? Iyon ay nang makita niya ang mukha ng babaeng iniibabawan ni Wil. Walang iba kung ‘di ang kaniyang stepsister na si Rose! Lalong nanikip ang pakiramdam ni Sianna sa kaniyang dibdib dahil sa nakikitang kawalanghiyaan ng kaniyang stepsister at ng fiancé niya. Bigla ang animo pag-akyat ng dugo niya sa kaniyang ulo at handang sumabog ano mang sandali. “Mga walang hiya!” hindi niya napigilang isigaw nang lapitan niya sina Wil at Rose na nagulat nang makita siya. “Sianna!” Ginamit ni Sianna ang kaniyang bag upang ipanghampas sa likod ni Wil. Dahil mabigat din iyon kaya literal ang sakit na natamo nito. Hindi pa ito magkandaugaga sa pag-alis sa ibabaw ni Rose. Wala ng pakialam si Sianna kung nakabuyanyang man sa kaniyang harapan ang maseselang parte ng katawan ng dalawang taong ito. “Mga demonyo!” Hinila pa niya ang buhok ni Rose nang makalapit siya rito. “Malandi ka! Pati fiancé ko, Rose! Tang ina! Nauubusan ka ba ng lalaki?!” Agad namang ibinalot ni Rose ang sarili sa comforter habang si Wil ay halos madapa sa pagkuha ng boxer nito na naiwan sa labas ng silid nito. “Sianna! Y-you b***h. Stop it!” palahaw ni Rose na pilit inaalis ang mga kamay niya sa buhok nito na halos maalis na sa anit nito sa sobrang paghila niya. Puwes, walang makapipigil sa panggigigil niya ng mga sandaling iyon. “Ikaw ang b***h, Rose!” bulyaw niya na pinagsasampal pa ito. Dahil hindi ito makabangon kaya balda ang buhok at mukha nito sa kasasampal niya. Gigil na gigil siya rito. Paano nito nakuhang patulan si Wil na nakatakda ng ikasal sa kaniya? “Sianna, tumigil ka na.” Nang hilahin siya ni Wil palayo kay Rose ay ito naman ang sunod niyang pinagbalingan ng galit niya. Pinagkakalmot niya ito at wala siyang pakialam kung saan pa man iyon tumama. “Nakakadiri ka!” bulyaw niya sa nobyo. “‘Wag na ‘wag mo akong hahawakang demonyo ka! Meeting pala, huh?! Meeting with that son of a b***h?!” “Stop it, Sianna!” Pero hindi pa rin tumigil si Sianna. Sinipa pa niya si Wil sa binti nito. Sobrang gigil na gigil ang kaniyang pakiramdam to the point na sa mga ito niya iyon gustong ilabas. Malakas pa niyang sinampal si Wil na halos magpatulig sa buong pagkatao nito. “Hindi ko lubos akalain na magagawa mo sa akin ‘to, Wil!” nasasaktang bulyaw niya na hinubad sa palasingsingan niya ang engagement ring nila. “Sianna, no,” apila ni Wil nang makita ang ginawa niya. Itinapon niya sa mukha nito ang singsing. “Wala ng kasal na mangyayari sa pagitan natin.” “I’m sorry. Magpapaliwag ako at—” isang nasasaktang daing ang kumuwala kay Wil nang tuhurin pa ni Sianna ang pagitan ng mga hita nito. Halos mapaluhod ito sa sahig nang layuan ni Sianna. Bakas na bakas ang sakit sa mukha ni Wil pero walang maramdamang awa si Sianna para dito. “Sianna!” Ni hindi nagpakalingon-lingon si Sianna nang lisanin niya ang bahay na iyon. Kasabay ng pag-alis niya roon ay ang pangako sa sariling hinding-hindi na roon babalik pa. At mas lalong hindi para balikan ang isang Wil Falcon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD