Chapter 02

760 Words
PAKIRAMDAM ni Sianna, para siyang zombie na naglalakad habang palabas sa bahay ni Wil. Ganito pala iyong pakiramdam na halos mamanhid ka. Ganoon pa man, walang humpay sa pagpatak ang mga luha niya. Durog na durog ang pakiramdam niya. Halos hindi nga niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Kung gaano ba kasakit ang nakita ng mga mata niya kanina. Akala niya, sa mga napapanood o nakikitang post sa social media lang nangyayari ang mga ganoong uri ng panloloko. Hindi lubos akalain ni Sianna na mangyayari din iyon sa kaniya. Sa kaniya pa mismo kung kailan malapit na silang ikasal ni Wil. Huminto siya sa paglalakad nang mapatapat siya sa kinaroroonan ng mga magagarang sasakyan ni Wil. Inilibot ni Sianna ang nanlalabo niyang paningin sa paligid. At nang makakita ng mga bato sa isang gilid ay nilapitan niya iyon. Sa una ay kumuha siya ng dalawa. Kapag kuwan ay walang kaabog-abog na ibinato niya sa windshield ng kotse ni Wil ang hawak niyang bato. Hindi pa siya nakontento at kumuha pa ng mga bato at pinagbabato ang mga windshield ng sasakyan ni Wil. Doon niya ibinuhos ang nararamdaman niyang galit. Maging ang paso na may tanim na halaman ay nagawa pa niyang buhatin para lang ibato sa kotse ni Wil. Wala siyang pakialam kung magalit man ito sa kaniya. Baka tawanan lang niya ito. Wala pa sa kalingkingan niyon ang sakit na dinulot nito sa kaniya. Nilapitan niya ang nabasag na paso at kinuha ang pinakamatalas na parte niyon. Walang kaabog-abog na ikiniskis naman niya iyon sa palibot ng sasakyan ni Wil. Lahat ng sasakyan nito ay ginasgasan niya. May isinulat pa siya na salitang cheater. Alam niya kung gaano kaimportante rito ang mga sasakyan nito. “Sianna! What the hell are you doing?!” gilalas at windang na windang na bulalass ni Wil nang lumabas ito ng bahay at makita ang kaniyang ginagawa sa sasakyan nito. Dahil may hawak siya na matigas na bagay kaya hindi makalapit sa kaniya si Wil. Malamig na tingin ang ipinukol niya kay Wil nang balingan niya ito ng tingin. “Ano’ng sinabi mo? What the hell am I doing?” Napaatras si Wil nang humakbang siya palapit dito. “Sianna—” “Gusto mo talaga na mapatay kita ngayon, Wil?” Lalong namutla ang hitsura ni Wil. Nakakatakot naman kasi talaga ang galit na namumuo ngayon sa kaniya na gustong-gusto niyang ilabas. “Naging faithful naman ako sa iyo, pero ano ‘tong ginawa mo sa akin? Sa bahay pa talaga na ‘to?!” “S-Sianna, bitiwan mo ‘yang hawak mo.” Humigpit ang pagkakakapit ni Sianna sa matigas na hawak niya. “Ginawa mo akong isang malaking tanga!” Ngayon mas napatunayan ni Sianna kung gaano rin kaduwag ang lalaking minahal niya nang magtatakbo iyon pabalik sa loob ng bahay nito. Nag-lock pa ng pinto dahil sa pag-aakalang babatuhin niya ito. Sa sobrang gigil niya sa kaduwagan ni Wil, dinampot niya ang isang may kalakihang bato at buong lakas iyongg ibinato sa glass wall ng bahay na iyon. Sa sobrang lakas ng impact, ang glass wall na tumatabing mula sa unang palapag papunta sa pangalawang palapag ng bahay na iyon ay nabasag. Kung bakit nakaramdam siya ng pagka-satisfied sa nangyari sa halip na matakot kay Wil. Kitang-kita ang loob ng bahay na iyon. Pinagpag ni Sianna ang kamay at ipinasya ng lisanin ang lugar na iyon na para bang walang nangyari. Kahit paano, nailabas niya ang sakit na nararamdaman sa kaniyang dibdib. Pero alam niya na kulang na kulang pa ang paninira niya sa mga pag-aari ni Wil. Nang makasakay siya sa kaniyang kotse, tulala lang siya habang nakahawak sa manibela niyon. Hindi gumagana nang maayos ang kaniyang isipan. At kapag sumasagi sa isipan niya ang nakitang eksena sa silid ng bahay ni Wil, para bang nanlalaki ang pakiramdam niya sa kaniyang ulo. “Sianna, ‘wag mo ng iyakan ang walang kuwentang lalaki na ‘yon,” matigas niyang saway sa kaniyang sarili nang mag-init ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Ngunit sa huli, tao pa rin pala siya na nakakaramdam ng sakit. Nang mapahagulhol na siya ng iyak ay hinayaan na lamang niya ang kaniyang sarili at inilabas ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iyak. Ibibigay niya ang araw na iyon sa kaniya para ilabas ang nararamdaman niyang sakit sa dibdib. Ang magluksa para sa puso niyang dinurog ng husto ni Wil. Pero pangako niya sa kaniyang sarili na pagkatapos niyon, kailangan niyang magpatuloy sa buhay. Kahit sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD