Chapter Two
I'm a Bitch
Reys
"I can't believe you survived."
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkaharap ng babaeng 'to. Actually naubos ko na ang isang baso ng lemon juice na in-order namin pero hindi ko pa rin siya kinakausap. I am actually wasting my time here.
Why am I here?
May isang madre na nagtungo sa bahay na inuupahan ko. I recognized her but I can't remember her name. Isa siya sa mga madre na naroon sa bahay ampunan kung saan ako lumaki.
I'm an orphan. Wala ako'ng pamilya o kahit kamag-anak man lang. I was thankful to them because somehow, I survived childhood days until I reached the age that I can live by my own. Umalis ako ng bahay ampunan nang mag-highschool na ako.
"Well, you can me see now," I was sarcastic. If she is really my mother, then I really don't care. Matagal na panahon ko nang tanggap na mag-isa ako.
"I'll cut to the chase. Take this money and leave. Don't ever let me see you again," napatingin ako sa envelope na iniurong n'ya sa akin. Kahit hindi ko pa man din nabubuksan ito, mukhang may idea na ako kung ano'ng laman nito.
"Why? Are you afraid to see the baby you abandoned?" Nakipagtagisan naman ako ng titig sa kanya. I don't even see a glimpse of guilt on her face. Parang siya pa ang galit dahil nakita n'ya ako'ng buhay.
"I was young. Marami pa akong pangarap. Hindi ako handang maging magulang. I was offered a marriage to a rich man."
Napakuyom ang mga kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. I just felt a fire that ignited inside my heart. Somehow, I knew that she was going to say that. But to hear it directly from her is just awful.
"I think that is enough for you to start up," she glanced at the envelope in front of me.
I hate her
Kinuha ko ang envelope sa mesa. As I expected it contained cash.
"I don't need Money" I said. Napangisi ako nang kinuha ko ang cash sa loob ng envelope.
Hinagis ko ang makapal na bundle ng pera sa harapan niya. Mistula namang napako siya sa kanyang kinauupuan. Nakuha rin namin ang atensyon ng lahat ng tao rito sa restaurant.
"I never had your help to survive ever since I was a baby. Bakit ko tatanggapin ang pera mo ngayon?" Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
Naramdaman kong napahiya siya sa ginawa ko at galit na galit na ito. Hindi lang siguro siya makapalag dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Hindi mo ako anak at wala rin ako'ng Ina."
***
Nakakabingi ang mga hiyawan sa Club. Pero mas okay na ito sa akin kaysa tahimik. It's my day off pero nandito pa rin ako sa workplace ko. Kaysa naman nasa bahay lang ako, wala naman si Tin. Panigurado nasa mga customers niyang foreigner iyon. And that woman really ruined my day. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin.
"Give me your best seller shots."
Napatingin ako sa lalaking kararating lang. Umupo talaga siya sa isang upuan. Parang intensyunal na hindi siya tumabi sa akin?
Parang bagong customer ito. May mga regulars na kasi kami at natatandaan ko ang hitsura nila.
"Right away, Sir" tugon naman ng bartender sa kanya.
Mukhang bago nga siya dito dahil napapansin ko na pasulyap-sulyap ito sa paligid niya.
Parang na-magnet ang mga mata ko sa kanya dahil medyo may hitsura siya. Ang pormahan pang-businessman din. Dahil medyo hapit sa kanyang ang long sleeves na suot niya, medyo napapansin ko rin ang batak na pangangatawan nito.
I read a lot of erotic books. As I am staring at him, I am slowly seeing in reality the man that erotic writers describe on their works.
Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng kagaya niya. But there is something I noticed about him...
"Your eyes," nagulat naman ako nang bigla siyang magsalita. Ngayon ko lang napagtanto na napagakatagal ko na pala siyang tinititigan dahil mula kaninang nag-order siya ay nakatingin na ako sa kanya hanggang ngayon na dumating na ang shots at nainom pa nga niya ang isa.
What the hell Reys?
"Why? They are mine. You need them?" I said. I tried to act like normal kahit medyo nasindak ako nang magsalita siya. I didn't expect to hear such cold voice.
"They are staring too much at me, wonder why?" Tanong naman nito habang inabala niya ulit ang sarili niya sa pangalawang shot na inorder niya.
"I'm a woman. Bukod sa alak ano pa ba ang maari kong pakay dito? Syempre lalaki." tinarayan ko naman ito.
"I understand." he said.
"So, Type mo ako?"
Hindi ko naman inaasahan ang pagiging pranka nito. Agad-agad talagang ito ang tanong? Hindi ba puwedeng paikotin muna niya ang usapan? Mukhang may kataasan ng confidence ang isang ito.
"Hindi naman kita tititigan ng matagal kung hindi" I frankly said. There is no use of denying anyway.
"I see, bottom line it for me" I furrowed my brows as I heard him say that. Hindi ko alam kung bakit parang nalilito ako sa sinasabi niya or hindi lang ako makapaniwala sa bilis ng usad ng usapan namin.
"What?" I asked.
Hindi naman agad siya sumagot. He enjoyed the last shot before coming closer to me. This time mas malapit na ang mukha niya. I failed to predict that this would happen. Mas nagiging exciting yata ang usapang ito.
"What do you want?" that's exactly what I have been waiting for him to ask.
"Girls in this bar used to like two things..." dugtong naman nito.
I shouldn't be thrilled, because I'm used to it. Pero nagulat ako nang hinawi niya ang buhok ko. His hand is very manly, the watch he using perfectly fits to his hand. Hindi ko alam kung bakit pati iyon ay napansin ko. Pero kakaiba ang nararamdaman ko sa isang ito. I don't easily get excited. But I am just so curious about him.
"Money or pleasure. Which one is it?"
He's really my type.
He's frank. He's honest. He's Hot.
But he's lonely.
"Both. I can't live without pleasure. I want money. Gusto kong makahanap ng lalaking mayaman."
Napahalakhak naman ito sa sinabi ko.
Ang sexy naman ng tawa niya. Pero bakit siya tumatawa?
"You are so delusional" nang mag-sawa na siyang tumawa at tumigin ulit siya sa akin.
Magsasalita sana ako pero bigla ulit siyang nagsalita. "I have everything you want."
"Really? Then can you make me rich?" hinamon ko naman siya gamit ang mga titig ko.
"If I can give what you want, what would I get?"
Hindi na ako nagdalawang isip na hawakan ang hita niyang bumabangga sa hita ko.
"I'll offer myself. Ibebenta ko na ang sarili ko sa 'yo" saad ko naman sa kanya at pinisil ko ang hita niyang may pagka-tigas. I wonder if the one beneath his zipper is harder though.
"Your offer is quite tempting" hinawakan naman niya ang kamay kong nakapatong sa hita niya.
"But I only buy properties," unti-unting nawala ang ngiti nito nang inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang hita.
Napangisi na lang ako nang umalis ito sa kanyang upuan.
"But if you change your mind, you can always come here," sabi ko naman sa kanya nang nilingon ko siya bago siya tuluyang makapaglakad ng malayo.
***
"Siraulo ka talaga, bakit hindi mo kinuha 'yong pera? Alam mong kailangan 'yon ni Moira" Habang nakamasid ako kay Moira na mahimbing ang tulog dito sa kuwarto niya sa Hospital ay nadatnan ko si Tin. Heto at inaabot na naman ako ng sermon.
Ikwinento ko sa kanya ang pagkikita namin ng babaeng 'yon. I told her about the money which I refused to take. Kailangang-kailangan ko ng pera para sa bills ni Moira rito sa hospital at sa dialysis niya pero hindi ako tatanggap sa kanya. I'll just find another way.
Kaunti lang naman ang kita ko sa bar. Sapat lang 'yon sa gamot ni Moira. Wala pa ang buwan-buwan niyang bills dito. Bumabawi lang ako kapag may mga customer na nag-tatake out sa akin.
Basta't mabuhay ako at mapagamot ko si Moira, 'yon lang naman ang mahalaga sa akin.
Hindi ko kadugo si Moira. Nakilala ko lang siya sa bar noong bata siya. She was just 10 years old before. I felt bad that she is about to take a job just like how I did when I was younger. I took her and she became like a sister to me. Siya na ang naging pamilya ko at si Tin.
Pero nang mag-14 years old siya ay na-diagnose siya ng kidney failure. I have been working hard for her.
***
I had a date set up by Tin. Pinatos ko iyon dahil ang sabi ni Tin ay mayaman ang lalaking ka-date ko ngayon at medyo galante.
Nagsuot ako ng tube na dress hanggang sa itaas ng tuhod ko. Inayos ko rin ang sarili ko.
Light make-up lang para magmukhang inosente kahit may nakatagong kulo.
Nang makapasok ako sa restaurant ay hinanap ko kaagad ang lalaki sa picture na ipinasa ni Tin. Naglakad ako sa table malapit sa bintana dahil parang kamukha niya ang nasa picture sa cellphone ko.
Nadatnan ko naman siyang may kausap sa telepono. Nang mapansin naman niya ako at kaagad siyang nagpaalam sa kausap niya.
"Miss Reys Cortez?" Tumayo ito at nakipagkamayan sa akin.
"Mr. Alejandro," nakipag-shake hands naman ako sa kanya.
He pulled the chair fo me.
"Mas maganda ka pala sa personal" he complimented me. Napangiti lang ako nang kaunti, to carry out my image tonight as innocent and simple girl.
"I am Blake Alejandro by the way and please just call me Blake" saad naman nito. Natuwa ako dahil may pagkabagets ang pananalita nito.
And honestly, he's really hot. Nasa 40s pataas na ang edad nito pero mukhang bata pa.
"and I have three kids..." napahina naman ang boses nito. Aminado ako'ng napahanga ako ro'n.
Ang lakas!
"Nice to meet you, Blake. You look younger than your age," I said.
"I have to admit I heard that a lot," he laughed softly.
"So, you are into dating?" he asked.
"Yes. But I'm not into relationships yet" I replied.
***
Blake was the one who ordered for our dinner. Hindi naman unang pagkakataon para sa akin na kumain sa isang mamahaling restaurant gaya nito. Maraming beses na ako'ng dinala ng ilang lalakeng na-meet ko sa bar sa mga ganitong restaurant pero hindi pa rin ako nasanay sa estilo ng pag-o-order nila.
Dumating 'yong waiter at naglapag ng mga pagkain na hindi talaga ako pamilyar. Parang si Blake yata ang pinakamayaman na naka-date ko so far. I hope this date will work out. Kapag nagkataon hindi ko na papakawalan si Blake.
Napatingin ako sa waiter na nagkakarga ng wine sa mga baso namin. Inilibot ko rin ang tingin ko sa buong lugar. Napansin ko kasi ang hiyawan ng mga tao sa banda na tumutugtog.
My eyes caught a guy at the counter. Kahit nakatalikod ito ay pakiramdam ko gwapo ang isang ito. I guess I can confidently say that I am good at looking for handsome guys.
May kausap itong Babae na nasa 40s na yata ang edad at mukhang ang saya-saya pa nilang naguusap. So may sugar mommy ang lalaking ito?
And then suddenly, he turned around. Nakaupo kasi ito sa highchairs sa counter.
Nahulog ko pa ang knife na katabi ng kamay kodahil sa gulat. Para kasing namumukhaan ang lalaking iyon. Napansin kong naagaw ko pa ang atensyon ng ibang tao sa kabilang table dahil sa lakas ng pagkabagsak ng knife.
"It's okay. Ako na," sabi naman ni Blake at kinuha ang knife ko. Nang nakadaan ang waiter sa harapan ko ay nagtama ang mga mata namin ng lalaking iyon. Nakita ko pang minukhaan ako nito at tinitigan pa ako nito.
That was when I finally remembered that man. Siya iyong nakausap ko no'ng isang gabi!
Hindi ko kinayang makipagtitigan sa kanya. Kaya naman binaling ko ang atensyon ko sa pagkain ko. Pero nakikita ko pa rin sa gilid ng mga mata kong nakatingin ito sa akin.
Naalala pa kaya niya ako? that's impossible. Hindi naman kami gano'ng katagal nag-usap.
Nang tumingin na ulit ako kung nasaan siya ay wala na siya.
"Reys?" Nagulat ako nang may biglang tumawag sa akin. Nag-angat ako ng titig. May lalaking nakatayo sa harapan ko at itinuro ako.
"Ikaw nga. Oh my god. I didn't expect to see you here." papatakip pa sa bibig ito. Nagtinginan sila ni Blake at lumipat ulit sa akin ang tingin nito
"Ganito ka talaga 'no? Mayayaman ang tinitira mo," he said sarcastically. Napahigpit ang pagkahawak ko sa kutsara at knife ko.
Sa lahat ng taong puwede kong makita, si Flynn pa talaga?
"You should be careful with this girl, she's a gold digger," pahayag naman nito kay Blake. Dahil sa inis ko ay napatayo ako. Nakita ko ang pagtitig ni Blake sa akin at ang ibang tao dito sa restaurant.
Flynn had s*x with me once but I never contacted him again when I found out that he is a married man.
"Ano? You're going to deny it? You're a Slut!" Tumawa ito sa harapan ko.
Gusto ko siyang sampalin at suntokin pero nanginginig ang mga kamay at mga tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.
I feel embarrassed though I have already accepted that this is who I am now.
Naramdaman kong napahiya si Blake. Kaya hindi ko na inaasahang magsasalita pa ito. Napayuko na lang ito natahimik
"Ano? hindi ka makapagsalita kasi totoo. You shouldn't live like that. Come on. " Parang nandidiri pa itong tumingin sa akin.
"You're a gold digger. You're a crazy manipulative b***h!" Lumapit ito sa akin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil natakot ako. Napapikit na lamang ako dahil pakiramdam ko sasaktan niya ako. Hindi ko alam kung bakit sarado ang utak kong lumaban ngayon.
"I think that's enough." I wanted to thank that voice. Hindi ko naman aasahan na ang boses na iyon ang magliligtas sa akin.
***