Naalimpungatan ako sa mahimbing kung pagkatulog nang may nararamdaman akong may humahaplos sa aking mukha at may banayad na humahalik kaya napabalikwas ako at unti unting minulat ang aking mata. Mukha ni Mark ang bumungad sa akin. Nakauwi na sya bakit hindi nya manlang kanina sinabi sa akin nagka usap naman kami kanina bago ako matulog.Tanong ko sa aking isipan. "Babe I miss you," I'm sorry kung nagising kita". Hindi parin tumitigil kaka halik sa aking mukha. "Mark nandito kana?". Anong oras ka dumating?. Hindi mo manlang kanina sinabi sa akin na uuwi kana pala.Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa uluhan ko alas dos nang madaling araw pa lamang. Gusto kitang i surprised babe,". Gusto ko nga sanang bukas nalang kitang puntahan dito pero hindi na ako maka paghintay kaya pumasok na ako