Sleep over

1454 Words
Python POV Panaka-naka kung sinusulpayapan si Ninong na seryosong nagmamaneho. Nakatingin sa daan. Kahit saang anggulong tingnan Ninong is a perfect man; his features, he’s smart and undeniably good-looking. Nangingibabaw sa karamihan. Hinahangaan at tinitingala. Ang lalakeng sa una ko pa lang na nasilayan nagpapawala na sa katinoan ko. Kahit na masungit siya sa akin. “Stop staring at me” “Paano mo naman nalaman na tinitingnan kita Ninong? May side eye ka ba? Or are you looking at me?” “Just shut up Python” Nakabibingi na naman ang sigaw niya. Minsan nasasaktan din ako sa mga pagsigaw-sigaw niya sa akin at pagtataboy pero hindi ko pinapakita sa kanya. Kung alam lang ni Ninong na bawat salitang binibitawanan niya naiipon lahat sa puso ko. Hindi ko alam kung kailan sasabog ang sakit at kung hanggang saan ko kayang tiisin siya. May mahal na babae si Ninong kaya hanggang pangaakit lang ako sa kanya. Malapit na din silang ikasal kaya hindi ko alam kung kailan ako titigil. Hindi na ako nagsalita. Tumingin ako sa labas ng bintana. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa labas kahit mga kabahayan lang naman ang nakikita ko. Kahit wala namang magandang tanawin sa labas. Gusto ko lang itago ang sakit na nararamdaman ko sa pagsigaw niya. Nang makarating kami sa bahay ni ninong agad akong lumabas ng sasakyan. Hindi niya naman ako pinagbubukas ng pintoan katulad ng ginagawa niya sa nobya niya kaya aasa pa ba akong gagawin niya din ‘yon sa akin. Sunod-Sunod na pagtunog ng telepono ko ang nagpahinto sa akin sa paglalakad. Ako: Hello, who is this? Unknown: Hi Babe Ako: Saan mo na naman nakuha ang number ko James. Tigilan mo nga ako. “Python get inside the house now!” Malakas na sigaw ni Ninong Cole. Dahil sa pagkainis ko nagkunwari akong kausap pa si James. Ako: Oo hindi ako nakapasok kanina masama kasi ang pakiramdam ko. Why James? Did you miss me? Sinadya kung lakasan ang kunwaring palikipagusap ko. “Python Angeles” Muling sigaw ni Ninong tumalikod ako at napangiti ng lihim. Si Ninong Cole na daig pa ang Daddy ko sa pagbabantay sa akin. Mahilig manermon. Masungit. Palasigaw. Pero hindi pa rin mawala-wala ang paghanga ko sa kanya. I like Ninong a lot. Sa buong buhay ko kay Ninong lang ako humanga nang sobra-sobra na lahat ginagawa ko para pansinin niya ako. Nabitawan ko ang cellphone ko nang bigla akong hatakin ni Ninong. “I said get inside the house. Kung hindi ka kayang patinoin nang Daddy mo ibahin mo ako Python I will tame you at sisiguradohin kung susunod ka sa mga gusto ko at mawawala yang pagka-spoiled brat mo” Sigaw ni Ninong at mariin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Gusto kung magreklamo na masakit ang pagkakapisil niya sa braso ko pero hindi ko ginawa. Katulad din talaga nang iba si Ninong na ang tingin sa akin ay spoiled brat. Yumuko ako para pigilan ang pagpatak nang luha ko. Akala ba ni Ninong Cole manhid ako at hindi nasasaktan. “Damn it!” Marahas niyang binitawan ang braso ko. Agad kung dinampot ang cellphone ko. Gusto kung umiyak ng makita ko ang cellphone kung nasira at ang masakit kung braso. Hinawakan ni Ninong ang kamay ko at hila-hila ako papasok sa loob nang bahay niya. Hindi na ako nagsalita dahil sa pagkainis ko na naman sa kanya. Lagi na lang niyang sinasabi na spoiled brat ako. Agad kung hinatak ang kamay kung hawak-hawak niya. Tumayo ako sa sala hinihintay ko na igiya niya ako sa magiging silid ko. “What do want to eat for dinner?” Mahinahon niyang sambit. Hindi ko siya tinitingnan. Nakatingin lang ako sa paanan ko. Nararamdaman ko ang pananakit nang braso ko. Gusto ko na lang matulog at hindi makita si Ninong na ubod nang kasungitan. “Where is my room?” Nag-angat ako ng paningin sa kanya. Mariin ang pagkakatitig ni Ninong Cole sa braso ko na namumula. Mabigat etong bumuntong hininga. Gusto kung matawa sa nakikita kung pagkaawa sa kanyang mata. “Marunong din pala maawa ang masungit na si Cole Ortega” sigaw nang isip ko. “Where is my room? I’m tired” Umupo ako sa sofa nang hindi pa rin nagsasalita si Ninong. Agad nagtungo si Ninong sa pintoan ng makarinig eto ng katok. Pagbalik niya kasama niya na si Professor Loraine. “What is she doing here Babe?” Maarteng tanong ni Proff. Loraine at Inirapan agad ako. “Hon diba nasabi ko na sa’yo na inaanak ko si Python. Nasa Cebu ang Daddy niya kaya dito siya matutulog ngayon” Tumaas ang kilay ko sa malumanay at malambing na pagkakasabi ni Ninong Cole sa nobya niyang maarte. “I thought we were going out tonight for dinner? Kanina pa kita hinihintay sa bahay” Muling tumaas ang kilay ko sa kaartehan na naririnig ko kay Proff. Loraine. “Ninong where is my room?” Mabuti pang matulog na lang ako kaysa marinig ko ang paglalambingan nilang dalawa na masakit sa puso. “Upstairs Python the first room on the left” Agad akong umakyat sa itaas. Hindi ako nagsalita. Iniwan ko silang walang paalam. “Nagiisang anak ba ang inaanak mo Babe? May pagka-spoiled brat” Narinig ko pang sambit ni Professor Loraine na ikinataas nang kilay ko. “I’m not a spoiled brat b***h” bulong ko. Malalaki ang hakbang na ginawa ko paakyat sa ikalawang palapag. Tuwing naglalambingan si Ninong Cole at ang babaeng maarte nakakaramdam ako nang panibugho. I want my Ninong attention pero hindi ko makuha kahit isang ngiti niya puro galit at pagsigaw ang tanging nakukuha ko sa kanya. “Siguro sinabi ni Ninong na spoiled brat ako sa nobya niya kaya ganon din ang sinabi ni Loraine kanina. Wala kami sa university kaya hindi ko siya kailangan tawaging professor” bulong ko habang binubuksan ko ang unang pintoan sa itaas na nakita ko. Hinubad ko ang mga kasuotan ko tanging panloob ko na lang ang natira sa katawan ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Dumapa ako. Naaamoy ko ang pabango ni Ninong Cole sa kama. Mas lalo kung nilubog ang mukha ko. Napakabango. Pumikit ako at unti-unting bumibigat ang talukap ko hanggang sa makatulog ako. “Hmmm, What Dad? I’m tired” Nagising ako sa mga pagyugyog sa braso ko. Ayaw kung imulat ang mata ko. “Python the dinner is ready” “Bakit naririnig ko ang boses ni Ninong sa silid ko?” Sambit ko. “You're not in your room Python, you're in my room. Get up and put on your fùcking clothes” Agad akong bumangon. Sa pagkataranta ko nahulog ako sa kama. “Awts!” “Bakit ka ba kasi nanggugulat Ninong. Help me please masakit ang pang-upo ko. Napasama ang pagkakabagsak ko sa sahig sobrang masakit ang pang-upo ko” Nagpanggap akong nasasaktan. Agad akong binuhat ni Ninong at pinaupo sa kama. Lihim akong napangiti. “Saan masakit?” Tinuro ko ang puso ko. Agad kung hinila si Ninong. Napahiga ako sa kama at nasa ibabaw ko siya. Agad kung inangkin ang labi ni Ninong at ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng t-shirt niya. Dinama ko ang matigas na tiyan ni Ninong. Nang masiyahan na ako at alam kung nakaganti na ako kay Ninong tinulak ko siya agad. Mabilis akong tumayo mula sa kama. Kinuha ko sa sahig ang mga damit ko na hinubad ko kanina at mabilis akong nagbihis. Nang sulyapan ko si Ninong masama ang tingin niya sa akin. Inirapan ko lang siya. Tinalikoran ko siya at nagsimula na akong naglakad palabas ng silid ni Ninong. Hindi ko alam na silid niya pala ang pinasokan ko kanina kaya pala naiwan ang amoy niya sa kama. Nang mabuksan ko ang pintoan. Liningon ko si Ninong na nakaupo pa rin sa kama. Nakatingin pa rin sa akin. “Daddy Cole bakit nakaupo ka pa rin dyan? Gutom na ako” Nilambingan ko ang pagtawag ko sa kanyang Daddy. Nasundan pa nang mata ko ang pagbaba-taas nang Adam's apple ni Ninong Cole. Naaaliw ako tuwing nakikita kung apektado si Ninong sa pangaakit ko sa kanya. Napasimangot ako nang maalala na baka nasa ibaba pa ang babaeng bruha na maarte. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Ninong. Tinaas niya ang braso ko at hinaplos ang braso kung namumula. He sighed. “Bakit kasi ang tigas nang ulo mo Python?” Napatitig ako kay Ninong dahil ang hinahon niya magsalita. Hindi siya sumigaw. “Stop staring at me like that” “Lahat na lang bawal! Sana hinayaan mo lang ako matulog sa bahay magisa. This sleepover is sùcks” Agad kung tinalikoran si Ninong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD