Nagising ako ng may pumitik sa noo ko. " Tangina naman! Ang lakas noon ah! " Angil ko. Ngunit agad ko ring nasapo ang ulo nang gumalaw ako at nang biglang makaramdam ng kirot. f**k! Hangover. Dahan-dahan akong bumangon. Iginala ko ang tingin sa paligid. Napakunot noo ako at nagtataka kung pano ako nakauwi sa condo ko. Magisa rin lang ako. " Ano kaya yun? " Tanong ko sa sarili at marahang hinipo ang noo kung ramdam ko pa rin ang pitik. Pilit kung inalala ang nangyari kagabi. Ang huli kong natandaan ay sumasayaw kami nina Gel at Pia. Pagkatapos nun wala na kong maalala. Naisip ko na lamang na baka isa kina Gel ang Pia ang naghatid sa akin dito. Nilingon ko ang oras sa alarm clock sa ibabaw ng maliit kong lamesa katabi ang katamtamang laki kong lamp. Magaalas nuwebe na ng umaga.