Di ko lubos maisip kung paano nagawa sa akin ni Kevin ang magloko. Pumapatak ang mga luha ko sa dibdib nito habang pinagpatuloy ko ang paghubad sa suot nitong polo. Panay ang agos ng mga luha sa aking mga mata. Maya't maya ang pagpupunas ko sa aking pisnge habang kumukuha ng maligamgam na tubig at bimpo upang linisin ang katawan nitong puno ng pawis. Kahit na nasasaktan ako ng sobra sa ginawa nitong pangloloko at di ko maatim na pabayaan na lamang itong makatulog na madumi at basa ang suot . Nagaalala pa rin ako at baka magpakapulmonya ito. Naninikip ang dibdib ko habang dahan-dahang pinaglakbay ko ang basang bimpo sa iba't ibang parte ng katawan nito. He was peacefully sleeping while my heart is weeping. Pinigilan kong mapadapo muli ang mga tingin sa mga marka sa kanyang katawan