Dahan dahan na umakyat ng hagdan si Jeremy at pasilip silip pa sa bintana ng cottage na kinuha ni Yuan na nasa ibabaw ng puno. Kakatapos lang nyang maligo nasa ibaba kasi ang banyo mga 5 hakbang mula sa tree house. Wala kasing bakanteng cottage sa baba daw. Na ambon na kasi kanina kaya di na sila nag hanap pa ng iba. Wala si Yuan sa cottage ng pumasok sya. Nakakita sya ng hanger at maiksing sampayan kaya inihanger na nya ang uniform nya na nalabahan na nya sana matuyo. Sure naman na walang balak umuwi si Yuan. Napatingin sya sa palibot ng loob ng cottage wala kuwarto o mas tamang sabihin na kuwarto na iyon mismo kasi pag pasok ng pinto kapirasong sala kasunod na agad duplex size ng kama tas maliit na dinning area na meron kong kasangkapan tulad lang ng baso, Tasa, Pinggan, mangkok at uten