“Mukhang hindi maganda ang gising mo. Let me guess dahil kay Yuan dahil magkasama sila ni Riaza kagabi.” “Ano naman pakialam ko kung magkasama sila kagabi.” “Ipinasok daw sa ICU ang anak ni Raiza kagabi.” Gusto sana sabihin ni Jeremy na alam nya dahil muntik na silang mag s*x ni Yuan kung di lang abala si Raiza. “Kamusta daw ang bata.” “Wala pa akong balita. Kakauwi lang ni Yuan kanina madaling araw. Minomonitor pa ang lagay ng bata at mukha hindi maganda.” nalungkot naman sya sa narinig na balita. Ayaw nyang isipin na karma iyon kay Raiza dahil wala naman kinalaman ang bata sa kasalanan ng ina nito. “Kawawa naman ang bata.” nausal nalang nya. “Maaga pa naman gusto mo mag breakfast sabay na tayo kahit sa canteen.” alok ni Byron habang nag lalakad sila sa hallway patungon canteen. May