“Pasok.” narinig ni Jerryme na sigaw ni Yuan mula sa loob ng kuwarto nito. Kaya kabadong binuksan nya ang pinto. Kamang magulo agad ang tumambad sa kanya. In fairness mabango ang loob ng kuwarto ng amo. Hinanap ng mata nya si Yuan pero di nya ito nakita. Napansin nya ang bukas na pinto ng banyo saka lagaslas ng tubig.
Naliligo ba to bakit bukas ang pinto. Malakas na talaga ang tama nito sa utak. Pinapasok pasok sya tas maliligo ng bukas ang pinto. Kaloka talaga pero bahagya syang nagulat ng bigla itong lumabas sa banyo pero naka jogger pants itong kulay red. May puting towel n nakatabon sa ulo nito. Walang Upper shirt at di nya maiwasan mapalunok. Ang ganda kasi ng abs nito tas ang puti puti ng katawn. May ilang bahagi ng balat kasi nito ang wala pang tattoo kaya nakita nya ang kaputian nito.
“Do you want me to remove my pants para naman masulit mo na pag titig sa akin.” napapahiya naman napasimangot nalang si Jerryme saka lumapit sa pinaka sala ng kuwarto ni Yuan kung saan meron center table na puwede nyang pag patungan na dala nyang box.
“Can you please make your self decent.” alanganin na utos ni Jerryme ng lumapit si Yuan at inisa isa nitong tingnan ang laman ng box.
“Arte mo parang di ka pa nakakakita ng katawan ng lalaki.” inis nitong wika saka hinila ang towel na nasa ulo saka ipinatong sa balikat.
Ang haba na ng buhok nito na halos tumabon na sa mukha nito. Basa pa iyon at sabog sabog pa kaya di nya makita ang hitsura nito ng maayos.
“Your here to help me with this documents pero kung gusto mong mag s*x tayo. Mag hubad ka na kesa titigan ako ng titigan wala tayong matatapos.” anito na inihagis sa mesa ang isang folder na hawak saka lumingon sa kanya na hinawi ang buhok. Gusto sana nyang tarayan ito pero ng makita ang malaking pasa na halos kumain sa kalahati ng guwapong mukha nito. Bigla syang na konsensya na napa yuko.
“Sorry po sir.” Nag yuko nalang sya ng ulo saka binalingan na ang mga folder saka inilabas sa box ang iba pang documents. Tumalikod naman si Yuan at nag punta sa walk in closet nito pag labas nito baka itim na itong V neck na tshirt. kinuha nito sa gilid ng kama ang tablet at laptop.
Inabot nito sa kanya ang laptop habang naupo naman ito habang nag sscroll sa tablet. Habang sya naman ay binuhay na ang laptop. Lumapit pa sya rito para paalisan ng password pero instead na ito ang pumindot sinabi lang nito sa kanya bagay na ikinataas ng kilay nya. YUAN0421 ang password nito. Coincidence lang ba na birthday nya ang number password nito.
“It’s not your birthday. It’s also my birthday.” anito na ikinaWang ng bibig nya. Parehas sila ng birthday. Totoo ba iyon.
“Tsk.” masama ang tingin na binalingan sya nito saka tumayo muli pag balik nito dala na ang wallet saka inilabas roon ang drivers license nito.
“look for yourself baka naman kasi isipin ng babaeng kasing ganda mo na masyado akong patay na patay sayo.” napalabi naman si Jerryme na inabot ang drivers license. 27 years old na pala ito.
“Wala naman akong sinasabi ah.”aniya saka ibinalik rito ang Id.
“it was written all over your face na di ka na niniwala.”
“Nagulat lang ako kasi mag ka birthday tayo.” sinamaan lang sya nito ng tingin at di na nag salita pa.
Sumakit na ang batok ni Jerryme for revisions pala ang lahat ng folder na dala nya so far naman natapos nya lahat at pini print nalang nya lahat. Napatingin sya sa rilo. 6:30 na pala ng hapon di na nya namalayan. After i print muli na ulit syang umakyat sa kuwarto nito. May studio type office pala ito sa baba kaso ayaw nitong lumabas ng kuwarto dahil sa pasa nito sa mukha.
Pag balik nya sa kuwarto nito inabutan nya na panay ang hawi nito sa buhok nito na natuyo na at ngayon e naka bagsak na ng tuluyan sa mukha nito. Mahaba pala ang buhok nito hindi halata kapag nasa company dahil lagi itong naka ayos marahil ay nilalagyan nito ng wax dahil nag hehelmet rin ito madalas. Ngayo lang nya ito nakita sa ganitong kasimpleng hitsura. lumapit sya sa bag nya. Marami syang dalang san rio dahil mas sanay syang naka ponytail ang buhok nya.
Inilabas nya iyon pati suklay nya saka alanganin lumapit sa amo na nagtaas ng tingin. Umiwas sya ng tingin dahil na kokonsensya talaga syang tingnan ang pasa nito. Pakiramdam nya napakasama nyang tao.
“What?”
“Itatali ko lang po buhok nyo para di ka mahirapan mag trabaho.” pinakita nya ang rio at suklay na hawak nya. Saglit na nag isip ito saka tumango.
Nag patuloy ito sa pang tatype ng Email sa tablet nito habang sya naman at bahagyang iniluhod ang isang binti sa sofa para nakalapit kay Yuan ng maayos saka ito sinuklayan.
Napangiti sya ng maitali na nya ang buhok nito sa tuktok bahagya pa nyang sinilip ang mukha nito na nag angat ng tingin sa kanya. Ngumiti naman sya rito.
“Ayan guwapo ka na ulit sir.” ani Jerryme na ikinasimangot naman ni Yuan na ibinalik ang atensyon sa tablet.
“Hindi ako makabalik ng company dahil sa ginawa mo sa mukha ko. Tapos sasabihin mong guwapo na ulit ako. Are you fu***g kidding me?” inis na wika ni Yuan. Napakagat labi naman si Jerryme na muling sumalampak ng upo sa sahig saka isa isang inayos lahat ng pinirint nya.
“hinalikan mo kasi sako.”
“You bite my tongue isn’t enough.” anito na ibinaba ang tablet sa sofa saka sya binalingan.
“First kiss ko kasi yun tas ganun pa. Nakaka trauma kaya hindi memorable, Hindi masarap at mas lalong di nakakakilig.” reklamo ni Jerryme.
“ang tanda mo na ngayon ka lang na halikan?” parang di pa ito na niniwala kaya sinamaan nya ito ng tingin.
“mukha ba talaga akong kaladkarin ha? kaya ba sobra sobra mo na akong binabastos kung kausapin mo ako parang napaka dami ko ng experience sa lalaki. Kung landiin mo ako parang basta basta nalang akong nakikipag s*x kahit kanino. Ang sama mo! Ang sama sama mo.” inis na sigaw ni Jerryme saka di na napigilan ang mapahikbi nasa pinag dikit ang tuhod saka parang batang umiyak. Natawa naman si Yuan na napapikit at sinapo ang noo.
“Hindi kita binabastos. Im just a flirt as you know okay. I kissed you because im fu**ed off. Your given your number to all the boy employees.”
“No im not.” asik ni Jerryme na di manlang nag angat ng ulo habang patuloy pa din sa pag iyak.
“Yes you are. Im staring at you the whole time that day lahat ng lumalapit sayo hinihingi ang number mo. Ibinibigay mo.”
“It’s not my number.. It’s my Dad and my mom number. Why would i give my number to anyone kung sayo nga mismo kung puwede lang wag kong ibigay e.” hindi naka imik si Yuan na bahagyang natigilan sa narinig. Nag angat ng mukha si Jerryme.
“Wala ka bang balak pakainin ako. Di mo na ako pinag merienda pati ba dinner wala din.” reklamo ni Jerryme dahil nagugutom na rin talaga sya kaya na iiyak na din talaga sya.
“Nag padeliver na ako iaakyat nalang yun dito kapag dumating na.”
“Kung na gagalit ka dahil i steal your first kiss. puwede ko naman ibalik yun sayo or maybe you can return the kissed i gave you.”
“Wala ba talagang laman na iba yang utak mo kundi puro kamanyakan?.” natawa naman si Yuan.
“Sakit mong mag salita para naman wala ng akong ginawang tama sa mundo.”
“Ang bastos mo kasi?”
“Ikaw lang nilandi ko ng ganito dahil ang hirap mong landiin.”
“Yun na nga mahirap na nga akong landiin pero sinasagad mo naman pasensya ko. Tingnan mo tuloy yan mukha mo. Alam mo bang hindi ako pinatulog ng nangyari sayo. Akala ko makukulong na ako.”
“Your worried?”
“Syempre i hit you di ko naman sinasadya nabigla lang talaga ako sir.” napabuga naman ng hangin si yuan saka napalingon sila sa pintuan ng makarinig ng katok. Pinapasok naman iyon ni Yuan.
Pumasok ang dalawang katulong na may dalang 2 tray ng puno ng pag kain.
“Alisin mo muna yan.” utos ni Yuan sa mga folder at laptop na naka patong sa mesa. Nag mamadali naman inilipat nya lahat sa sofa ang mga nasa mesa saka excited na tumingin sa litsong manok, Sinigang na sipon, Lumapiang shanghai at lechon kawali.
Napangiti naman si Yuan sa hitsura ng dalaga. Kulang nalang mag hugis puso ang mata nito dahil sa nakikitang pagkain. Napansin nyang may taglay itong katakawan noon kumain sila sa labas. Nawalan lang ito ng gana dahil kay Yanny na aksidente lang nyang nakita roon. Wala na syang nagawa kundi hayaan nalang itong maupo sa tabi nila. Yanny is one of his bed partner at nag yaya ito ng clubbing that day pero na buwisit sya sa inasta nito. Hindi lang sya makagalit sa harapan ni Jerryme dahil baka mag karoon pa ng misunderstanding pero mukhang nasagad si Jerryme kaya pinatulan na nito si Yanny.
Hindi sya masyado mahilig kumain pero dahil maganang kumain si Jeryme na hawa sya at talagang sila lang ang nakaubos ng lahat ng pagkain na inorder nya.
Hinihimas pa ni Jerryme ang tiyan ng muli silang mag trabaho.
“You can’t poop here.”
“hindi naman ako na jejebs. Busog lang talaga ako.” Reklamo ni Jerryme. lumipas pa ang halos 2 oras ng sa wakas ay nakatapos na din sila. Tumayo na si jerryme para ayusin ang mesa at gamit nito. Dadaanan nalang daw ni Kuya celso ang mga ginawa nila bukas ng umaga.
Nag inat pa ng katawan si Jerryme sabay hikab na isinukbit na ang bag.
“Ihahatid na kita.”
“ha? ayoko wag na ang layo ng bahay ko.”
“Tsk basta ihahatid kita.”
“wag na nga kaya kong umuwi mag isa.” aniya na lalampasan sana ito pero bigla nyang na tapakan ang likuran ng suot nyang house slipper na gamit nya.
Nanlaki ang mata nya ng mag landing sya sa kandungan ni Yuan dahil mabilis sya nitong nasalo bago pa sya bumagsak sa sahig.
“Ano bang katangahan yan? Nadapa ka ba talaga o your falling for me.” ngisi nito na halos yakap na sya. Napalunok na naman sya na akmang aalis na sa kandungan nito pero di sya pinakawalan. Ito na ba yun? Makakapatay ba sya o mag papa rape?” nag tatalo ang isip nya.
“I want to kiss you right now but if i kiss you baka di ko na mapigilan ang sarili ko to have you in my bed right now.” napalunok si Jerryme.
“Gusto ko pong umuwi ng virgin sir.” ngumiti naman si Yuan na umangat ang kamay na sinalat ang mga labi nya.
“Ayoko ko rin mamatay.” bulong nito saka unti unting inilapit ang bibig pero mabilis na umangat naman ang kamay ni Jerryme at mismong labi na nito ang tinakpan ng kamay nya.
“manghahalik ka nanaman.”
“Isa lang promise. May gusto lang akong i check.” anito na inalis ang kamay nya at bago pa sya maka reklamo. Nauto na sya nito nakalapat na ang labi nito sa labi nya. Naramdaman nalang nyang kusang bumuka ang bibig nya para hayaan ito. Mariin syang napapikit ang bilis ng t***k ng puso nya. Ramdam na ramdam nya ang lambot ng labi nito at dila nito sa loob ng bibig nya. Na aattempt na syang gumanti ng halik rito kaso na tatakot sya hindi sya marunong.
Mabilis nya itong naitulak ng maramdaman ang pag pisil nito sa dibdib nya na di na nya namalayan na nahawakan na pala sya nito. Nag mamadaling umahon sya at patakbong lumabas ng kuwarto.
Habang pinapaypayan ang sarili my god muntik na syang matangay. Di sya makapaniwala na may ibang taong naka hawak sa gummyball nya. Napapikit si Jerryme hiyang hiya talaga sya. Nagpahalik na nga sya napalamas pa sya ng Gummyball nya and f**k sh*t nararamdaman nyang namasa ang perlas ng silangan nyan. gusto nyang makasigaw sa kahihiyan as in.
“Jerryme.” napahinto sa pag lalakad ang dalaga ng marinig ang busina at pag hinto ng motor ni Yuan sa tabi nya. May suot itong helmet pero iyon parin ang suot nito naka sapatos nalang ang naiba.
“Let’s go.”
“Ha?” shock pa sya ng iabot nito ang isang helmet pang dala nito na nasa siko pala nito.
“Sakay na.”
“ayoko nga.” nag huhumindig na bulalas ni Jerryme na bahagya pang umurong habang yakap ang helmet na inabot nito kanina. Shock pa nga sya sa halikan nila kanina tapos pa aangkasin pa sya sa motor.
Sa mga simpleng motor nga di sya umaangkas sa ganito pa kayang klaseng motor na tiyak nyang lumilipad sa kalsada.
“Are you gonna get your ass over here or i will take you home and fu*k you all night until morning dawn.” napalunok si Jerryme sa sinabi ni Yuan.
“Bunganga mo talaga napakamakasalanan.. Ang halay mo.”
“Choose Jerryme. I swear to god gagawin ko talaga.”
“Pero di ako nasakay sa motor baka mamatay ako.”
“Palagay mo hahayaan kong mangyari yun.”
“wow ha assurance ba yan.”
“Come on! trust me.”
“kasi naman.” napapadyak pa si Jerryme na nag kukuli talaga. Bumaba naman ng motor si Yuan at kinuha ang helmet sa kanya at ito na mismo ang mag suot sa kanya.
“Kaya ko naman umuwi mag isa saka 8:30 palang naman marami pa akong sasakyan.” ani Jerryme habang hinihila na sya ni Yuan pasakay.
“My God! Na iihi ata ako.” bulalas ni Jerryme ng parehas na silang nakasakay sa motor. Malakas ang tawa ni Yuan na nakulong sa loob ng suot nitong helmet.
“Mas ma iihi ka kung iuuwi kita sa bahay kapag ginaWa ang laman ng isip ko ngayon.”
“im sure kahalayan nanaman laman nyan.” tumawa ulit si Yuan.
“Fasten your seatbelt. Safety first.” anito saka inabot ang dalawang kamay ni Jerryme at hinila nauntog pa ang helmet na suot nya sa helmet nito sa likuran ng pag hugpungin nito ang dalawang kamay nya sa harapan ng bewang nito.
“Stay your hand here.” anito habang naka yakap sa mga abs nito.
“wag mong ibaba iba, mahahawakan mo ang di dapat hawakan Galit yan baka bigla kang tuklawin.”
“anoooooo bbbbbaaaaa! Napaka halay mo.” Tawang tawa naman si Yuan na binuhay na ang makina ng motor saka dahan dahan silang umandar. Sa una chill chill lang napapangiti pa sya habang nakayakap rito pero ng nasa highway na sila. Sumakit na ang lalamunan nya kakasigaw at tili rito. Alam nyang bumabaon na sa katawan ni Yuan ang mga kuko nya pero wala syang paki alam kaya ng makarating sya sa bahay nila na buhay pa. Nanlalambot ang mga tuhod na bumaba sya.
Mangiyak ngiyak na ngali ngaling maihampas nya rito ang helmet na hinubad.
“Sugo ka ng impiyerno! Isang kang animal… isa kang Diablo buwisit ka. Napaihi na ako sa panty.” sigaw ni Jerryme na napapadyak na isinaksak sa dibdib nito ang helmet saka nag martsa papasok ng gate ng bahay nila.
“jerryme.” sigaw na tawag pa ni Yuan na hinubad pa ang helmet hanggang noo lang nito.
“what!” inis na sigaw ni Jerryme na hindj naman lumingon o huminto para lingunin sya.
“I love you.”
“Fu*k you.” ganting sigaw ni Jerryme na tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng bahay. Napangiti naman si Yuan na inayos na ulit ang suot na helmet saka umalis.