“Damn! Uwian na may nanalo na.” sigaw ng isang lalaki na taga Engr. Department na ikinalingon ng lahat habang papasok silang mga taga HrD department. Tuwang tuwa naman ang manager nila at proud na proud kasama ng iba pa nilang ka staff sa office habang na uunang mag lakad at nag hahagis ng confetti sa daraanan nya.
Talagang nag effort ang lahat ng taga HRd para ayusan talaga sya ng bongga. Labag man ang loob nya sa pag sali pero hindi nya hahayaan na ipahiya ang buong department nila. gagamitin nya lahat ng natutunan nya sa pageant para sa ikapapanalo ng team nila.
Kita ang pag hanga ng lahat ng humalera sya sa mga muse ng kapwa nya empleyado na representative sa bawat department. ang lakas ng hiyawan ng crowd imbis na kanya kanyang department ang i cheer ng mga ito HRD ang isinisigaw ng lahat. Naka all white sya Golf ang sport na nabunot nya kahapon para sa damit na isusuot nya na irarampa. puting sneaker, Puting flitted skirt at fitted white blouse din na may pink na collars. Pink naman ang sun visor na suot nya pati ang gloves nya. Lite lang ang make up sa kanya ng Tita Agnes nya pero lumutang talaga ang ganda nya kahit sya gandang ganda rin sa sarili ng makita ang sarili sa salamin.
Ayaw naman sana nyang mag yabang pero gusto na nyang sabihan na mag siuwi na ang mga kalaban nya. Kinulot pa ng tita nya ang buhok nya saka itinali ng both side. Lutang na lutang sya kaya mismong crowd na ang sumisigaw na may nanalo na.
“Mukhang di na natin kailangan ng judges parang alam ko na rin kung sino panalo diba taga HRD.” wika ni Ana na syang MC ng event nila. Lumakas ang hiyawan. Nag kakagulo ang department nya sa tuwa kaya abot tenga ang ngiti nya.
“Dumating na ang magbabangon ng dignidag ng mga taga HRd. Please welcome the number 1 contestant Jerryme Adornado. the floor is your to run.” wika pa ni Ana saka tumugtog ang isang ramp music na pang rampa dahil sanay na sya sa ganitong crowd hindi na sya na hiya na lumakad habang naka ngiti. Ika nga ng talent scout na dating nakakita sa kanya gusto nitong ipasok syang pang laban ng binibining pilipinas pasok na pasok daw sya. Napaka graceful daw nyang mag catwalk napaka elegant mahihiya daw ang tunay na ramp model sa ganda nyang lumakad na parang sya ang may ari ng stage.
Sigawan palakpakan habang rumarampa sya. She will make her department proud. Natawa pa sya ng makita ang ilang head ng Head ng HRD na nakangiti pero umiiyak kitang kita sa mga ito ang galak.
Bago sya tuluyan matapos rumampa binigay nya ang kanyang signature walk na itinuro sa kanya ng daddy nya parang slow motion na umikot sya saka she flipped her hair.
Malakas na nag sigawan ang lahat ng HRD ang ilan ay i love you lahat ay tuwang tuwa maliban sa isang nilalang na naka upo kasama ng mga judges. Wala itong kangiti ngiti pero nakasunod sa bawat galaw nya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit talaga nag effort sya ng husto at gusto nyang masungkit ang trophy para sa team nila.
Rinig na rinig kasi nila ito kanina habang palabas sila ng department nila. Umasa na daw ang mga HRD sa pag katalo dahil ang dami dami daw na mas maganda sa akin sya pa daw ang napili. maganda lang daw syang tingnan kasi bata pa sya.
Nakita na sya nito kanina pero di man lang sya nilingon. Samantalang kapag silang dalawa lang lantaran na nitong pinararamdam sa kanya na pinag nanasaan sya nito. Puwes ngayon mag nasa ito hanggat gusto nito dahil hinding hindi talaga nito matitikman ang katawan hinahangad nito.
Gaya ng inaasahan na ng lahat, after 6 long years na sungkit din ng taga HRD department ang karangalan sa best in muse at dahil wala naman pasok nagkasiyahan ang lahat ng empleyado bumabaha ng pag kain sa event center nila na nasa loob din mismo ng company nila na pinasadya talagang ipatayo para sa mga tulad nitong gatherings daw at christmas party or company anniversary.
Ang dami ng humihingi ng cellphone number nya na binibigay naman nya pero hindi number nya kundi number ng tatay nyang maton. Bahala na ang tatay nyang makipag harutan sa mga ito. Number ng tatay at nanay nya ang binigay nya para mas masaya.
At dahil na iilang na sya sa dami ng matang na nakatingin sa kanya. Nag sisimula na syang mailang kaya nag decide na syang mag bihis muna ng maayos at mag alis na din ng make up.
Tiningnan nya ang hitsura sa harap ng full length body mirror sa loob ng ladies room. ang ganda ganda kaya nya ngayon lalong pinalutang ng make up ang ganda nyang tinatago. Well hindi naman nakatago sadyang hindi lang sya mahilig mag make up.
Napasimangot pa sya ng malala ang sinabi ni Yuan na di daw naman sya maganda. Maganda lang daw sya kasi bata sya. Ganun rin ba ang dahilan nito kaya pinag nanasaan sya dahil bata sya kumpara sa mga babae nito na kasama nito noon sa restaurant. Mga babaeng mayayabang na akala mo naman e hindi tumatae ng mabaho. inis na lumapit sya sa lababo saka nag hilamos hanggang sa maalis ang make up nya. Nag kukuskos sya ng mukha nya ng dalang bimpo ng marinig nyang may pumasok.
Nagulat syang napatingin sa reflection ng salamin ng makita si Yuan na naka pamulsa habang nakasandal sa nakasaradong pintuan. Mabilis syang humarap dito kinabahan sya. May binabalak ba itong masama sa kanya. Kailangan ba nyang sumigaw at mag eskandalo in case na may gawin itong di maganda.
“Anong ginagawa mo dito. Wag mong pairalin ang pagiging boss mo dito. Ladies room to wag kang bastos.” Bigla na alarma si Jerryme ng mag simulang lumapit si Yuan.
“Ano ba lumabas ka. Sisigaw ako.” banta nya.
“Naayusan ka lang akala mo kung sino ka. Fine your devilishly Beautiful but it doesn’t mean puwede ka ng lumandi sa lahat ng lalaking lalapit sayo. Akala ko inosente ka hindi rin pala mahilig ka rin sa mga lalaki. Mga lalaki yang nasa pagitan lang ng mga hita mo ang pakay.” Mabilis na umangat ang kamay ni Jerryme para sampalin ito pero mabilis nitong napigilan ang kamay nya saka ngumisi.
“No one dares to slap me. And i don’t allowed anyone to touch my face unless im fuc***g you.” Ani Yuan saka mabilis na hinawakan sya sa batok para hilahin sya papalapit at siilin ng halik sa labi. hindi nya ito magawang itulak dahil iniipit na syang nito sa harapan ng salamin habang ang dalawang kamay nya ay pigil nito sa ulunan nya. Kakagatin na sana nya ito pero nag kamali sya naging way lang ang pag buka ng bibig nya ang mas lalong pang hahalik ni Yuan sa kanya. His tongue is now inside her mouth and sucking every part of her lips.
Mabilis nyang hinuli ang dila ni Yuan sa loob ng bibig nya at kinagat iyon dahilan para tumigil at lumayo ito. Mabilis naman nyang nadampot ang cellphone nya at galit na ipinukpok sa mukha nito. Nagulat pa sya ng bigla nalang natumba si Yuan. Hindi nito sinapo ang mukha instead ulo nito saka nakita nya ang pag ngibit nito na parang mas nasasaktan pa ito sa ulo kesa sa mukhang hinampas nya ng phone nya.
Galit sya pero nakaramdam sya ng pag aalala ng makitang pinipilit nitong tumayo habang hawak ang ulo pulang pula ang mukha nito at halatang na hihirapan. Lalapitan na sana nya ito pero tinabig ang kamay nya saka ito gumapang hanggang makahawak ito sa pader at tumayong lumabas ng banyo.
Napalakas bang masyado pag kakapalo nya rito pero binastos sya nito dapat lang na gumanti sya pero parang may mali sa naging reaction ni Yuan. Huminga sya ng malalim saka mabilis na tumakbo palabas ladies room. Natanaw pa nya si Yuan na nakakapit sa pader at mabagal na lumalakad habang sapo ang ulo.
“Sir Drake.” tawag nya rito saka ito hinawakan sa braso.
“I need to go to my Office.” mahinang usal nito. Mabilis naman nya itong inalalayan
“Sorry ikaw naman kasi—- Naku dumudgo ang ilong mo Sir Drake.” bulalas ni Jerryme. Kumawala naman ito sa kanya at sumandal sa pader na sinapo ang ilong.
“Run. Call Ana..”
“Ayaw kitang iwan dito.”
“Im gonna be alright. Mas mamatay ako kung nandito ka ang sa tabi ko. I said run call Ana.” kabado man at labis na nag aalala. Mabilis ng tumakbo si Jerryme habang panay ang lingon kay Yuan. Nakita nya iton dumausdos papa upo gusto nyang tumakbo pabalik rito pero limingon ito na nag taas ng kamay na naka thumbs up kaya mas binilisan nalang nya ang takbo palabas para hanapin si Ana.
“Gaano ba kalakas ang pag kakapalo mo kay Sir Drake. 3 days na syang nasa hospital girl.” ani Tita Agnes nya. Walang nakaka alam ng tunay na nangyari ng sabihin nya kay Ana na nasa corridor si Yuan at dumudugo ang ilong di pa man sya tapos mag salita ang bilis na nitong tumakbo na di man lang inalintana ang suot nitong heels. Naisip tuloy nya kamag anak ba talaga ito o may lihim na relasyon ang dalawa. Kitang kita kasi nya ang labis nitong pag aalala. Gusto nyang pumunta sa hospital pero di sya pinayagan ni Ana. Utos daw ni Sir Drake.
Kinuwento naman nya sa tita Agnes nya ang totoong nangyari dahil talagang na ko konsensya sya sa nangyari di naman nya akalain ang pag kakahampas nya rito ay mag cacause ng nosebleed nito.
“Nabigla lang ako tita pero wala po talaga ako intensyon na patayin sya.” mangiyak ngiyak na wika ni Jerryme.
“Bakit kasi cellphone mo pa ang pinang hampas mo. Sana sinampal mo nalang kaloka kang bata ka. paano kung nabasag ang chickbone nya tas napatay mo sya dahil ano dahil hinalikan ka nya. Naman girl ang iba pinapangarap na mahalikan si Sir ikaw naman papatayin mo.”
“anong gagawin natin nyan baka mag demanda sayo si Sir.” nasapo ni Jerryme ang mukha saka parang batang umiyak. Di naman nya sinasadya talaga na saktan ito ng sobra.
“Maam Ana.” mabilis na sinalubong ni Jerryme si Ana ng makita na itong pumasok sa wakas after 5 days. Ngumiti naman itong tinapik sya sa balikat.
“don’t worry nakauwi na sa bahay nya si Sir Drake. Hindi palang sya puwede pumasok pinag bebed rest sya ng doctor saka medyo hindi maganda ang hitsura nya kaya hindi rin sya makapasok.” ngumiti si ana pagkaupo nito sa mesa nito inabot nito ang cellphone sa kanya.
“Take a look. Alam mo ba kung napaano si Sir Drake bago mo sya nakita sa corridor. Hindi kasi nya sinasabi sa akin.” anito kinuha nya ang phone saka na tuptop ang bibig ng makita si Yuan na nakahiga sa hospital bed tulog ito at naka side view kaya malinaw nyang nakikita ang guwapong mukha ni Yuan pero ang laki ng pasa nito mula sa sintido hanggang sa kalahati ng pisngi nito na halos buong kalahati ng mukha nito nag kapasa.
Hindi sinabi ni Yuan na sya ang may kasalanan niyon. Ibinalik ni Jerryme ang cellphone rito.
“Can you render overtime and extra jobs. Don’t worry about the salary ako na bahala mag adjust. Hindi ko kasi kakayanin mag isa lahat ng gawin. i need a extra hand para kay Sir Drake at sa mga trabahong naiwan nya.”
“Sige po Ma’am Ana kahit ano pong tulong gagawin ko.” mabilis nyang sagot ngumiti naman ito.
“Sa ngayon ako muna ang hahandles sa lahat ng branches ng company. Kailangan lang mga approval na galing kay Sir Drake. I need a runner at saka mag iintindi kay sir Drake mismo. Ayaw kasi nya kumuha ng private nurse. Meron naman syang katulong sa bahay pero kailangan parin meron mag papaalala ng mga iinumin nyang gamot. I can’t handle everything.”
“Sige po Ma’am Ana. Utusan nyo lang po ako sa lahat ng kailangan nyo wala naman po akong outside trip ngayon at sa buong linggo na to kaya dito lang po ako sa office.”
“Good. Salamat sige na balik ka na sa table mo. Aayusin ko lang mga documents na kailangan dalahin kay Sir Drake.” tumango naman sj Jerryme saka lumayo.
Umawang ang bibig ni Jerryme ng bumaba ng sasakyan at mapatingin sa modern bungalow type house ng bahay ni Sir Drake na nasa loob ng isang sikat na subdivision. Ang laki ng bahay pero mag isa lang daw si Yuan na nakatira doon.
Pinauna na nyang umuwi si Kuya Celso dahil baka matagalan sya roon. Ang daming documents na pinadala si Ana halos isang box na konti nalang mapupuno na.
Okay lang ba mag trabaho ng ganun kadami ang amo. Akala nya pinag rerest muna ito ng doctor pero bakit mag tatrabaho na ito.
Bigla nyang naalala ang bilin ng tita nya ng mag paalam syang mag oot at dadalhin nya sa bahay ng amo ang mga papeles na kailangan.
Oh! kapag hinalikan ka hayaan mo nalang halik lang naman.. ngayon kapag ni rape ka it’s up to you kung papatayin mo sya o mag papa rape ka nalang o hayaan mo nalang ang papa mo pumatay kay sir.
Natatakot sya sa isipin iyon paano nga kung mangyari. Ayaw nyang maging mamatay tao pero ayaw din naman nya kayang mag pa rape pero na kokonsensya talaga sya sa nangyari kaya pumayag sya kay Ana.
Nakakadalawang doorbell palang sya ng may lumabas na batang katulong.
“Hi po! Pinapunta po ano ni Maam ana.”
“Ikaw po ba si Ms. Adornado.” tumango na ngumiti si Jerryme.
“Puwede ko po bang makita ang ID nyo. Pasensya na po SOP lang marami po kasing napuntang babae dito. Iba ibang alibi kaya nag higpit po kami nila Sir. Si Ms. Ana lang po kasi puwedeng pumasok na babae dito maliban po sa amin ni Ate Niña na nagtatrabaho po dito.” mahabang paliwanag nito. Ibinaba naman nya ang box na dala para i abot rito ang ID na nakasabit sa leeg nya sa pagitan ng nakasarado grills na gate.
“Sige po pasok na po kayo.” anito after ma confirm ang identity nya binuksan na nito ang gate at pinapasok sya.
Kung sa labas namangha na sya mas di hamak sa loob ang ganda grabe parang gusto na nyang tumira doon.
“Ate Jerryme akyat nalang po kayo dun sa kuwarto ni Sir 3 po kuwarto sa taas yung pinaka dulo po ang kay Sir. Hindi po kasi sya na baba sapol ng lumabas sya ng Hospital.”
“hindi ba puwedeng ikaw nalang mag akyat nito. Iintayin ko nalang ——
“Naku maam hindi po kami puwedeng pumasok ng kuwarto ni Sir kung di nya kami ipinatatawag. Ang bilin lang po nya kapag dumating ka paderetsohin nalang daw po kayo sa kuwarto nya.” napangiwi si Jerryme. Bakit kailangan sa kuwarto pa wala ba itong studio type office sa magara nitong bahay.
“Wag kayong mag alala ate mabait po si Sir.” nakangiti pang wika nito wala na syang nagawa kundi sundin nalang ito pero habang umaayat sya sa baitang ng hagdan. Pabilis ng pabilis ang kabog ng puso nya.
Laman ng isip nya ay kung makakapatay ba sya ng tao o mag papa rape nalang sa guwapong amo.
Mag pa rape nalang kaya ako!!!!