Nagising si Jerryme na wala na sa tabi nya si Yuan. Ayon sa parents nya madaling araw pa daw ito umalis kung ganun hindi panaginip yung pag halik muli ni Yuan sa labi nya at pag sabi nito ng goodbye.
Akala pa naman nya magigising sya na ito agad ang makikita dahil mag damag lang sya nitong niyakap at talaga ang gaan sa pakiramdam na di nya ma explain basta iba yung feeling habang kayakap ito.
“May ginawa ba kayo kagabi na karumaldumal na krimen baby girl.. sigurado bang walang iniwan ibedensya dyan sa bahay bata mo?” tanong pa ng papzy nya na ikinatarak ng mata ni Jerryme habang kumakain sila ng breakfast.
“Papzy! Virgin pa din po ako at wala akong balak bumukaka sa lalaking di ko gusto.” tumaas naman ang kilay ama.
“Hindi mo gusto ang fafets na yun. Abay wag kang choosy anak baka di ka makapag asawa kapag ganyan.”
“Anong hindi mo gusto sa Yuan na yun anak. Guwapo naka ducati million ang halaga ng motor na yun ibig sabahin mayaman tapos boss mo pa. Ang ganda din ng built ng katawan ano pang hinahanap mo.” tanong naman ng mama nya.
“Yung desente.”
“Ang arte mo baby girl? Anong desent pa ba hanap mo? hindi pa ba desente yun.” tili ng ama na parang shock na shock pa sa sinabi nya.
“What i mean po yung walang tattoo walang burloloy sa katawan. Yung mukhang yummy.”tumarak ang mata ng ama nya.
“Dukutin ko kaya ang mata ng anak natin momshiebells. Pigilan mo ako kakatayan ko atay ng batang to.” natawa naman ang ina nya maging sya.
“Anak hindi totoo ang tattoo ni Yuan i knew it pag kakita ko palang at yung mga hikaw nya lahat yun clip earings lang tingin ko. Tingin ko sinasadya lang nya mag mukhang sanggano pero he is a decent man maniwala ka sa akin.”
“At marunong akong umamoy ng lalaking hindi matino. Tingin mo ba basta nalang kami papayag ng mamzy mo na patulugin kayo sa iisang kuwarto kung alam namin na babaakin ka lang nya.” natawa naman si Jerryme. Kumunot naman ang noo jerryme ng makita ng bumuga ng hangin ang ina.
“bakit ma?”
“kung mayaman sya at totoong gusto ka nya. Possibleng magkaproblema kayo sa pamilya nya pagdating ng araw.”
“hay anu ka ba mamzy. Ang nega mo! Ito nalang isipin mo kung mahal talaga ng lalaking iyon ang baby girl natin ipaglalaban nya kahit kaninong pontio pilato ang baby girl natin.” ani ama.
“di ko lang maiwasang mag isip. Wala tayong magandang bahay tingin ko isang posporo lang katapat ng bahay natin.” natawa si Jerryme sa sinabi ng ina.
Puro kahoy kasi ang bahay nila at lumang bahay na talaga. Ang mga katabi nilang bahay puro nag gagandahan na at nag tataasan pero ang bahay nila nanatiling luma. Kaya naman ipa renovate ng parents nya kaso ayaw ng mga ito dahil may sentimental value daw sa mga ito ang bahay na iyon na minana pa ng mama nya sa ninuno nito. Luma man ang stilo ng bahay nila maganda naman sa loob dahil puro narra ang kagamitan nila na mga antique na kung tutuusin.
Hindi naman ang bahay at pamumuhay nila ang talagang inaalala nya kung sakali kung di ang transgender ng parents nya maging ang kapatid ng papa nya na puro bakla talaga din. Habang ang mama naman nya ay Mag isa lang na anak pero ang lola daw nya ay tomboy din na na rape lang kaya na buntis at naging bunga ang ina ng mama nya na patay narin 10 years ago pa. Hindi naman nag asawa ang ina ng mama nya. Anak lang ang hinabol nito anf the rest is history na.
Kaya na iintindihan nya si Yuan sa inaalala rin nito if ever nga na magkaanak sila at mangyari na sila nga ang magkatuluyan. Paano kung bakla at tomboy din ang maging anak nila.
Sya kaya nyang tangapin dahil lumaki sya napapalibutan ng mga transgender woman at transgender man. kaya alam nyang kakayanin nya pero si Yuan medyo doubtful sya well hindi lang naman si Yuan natitiyak nyang lahat ng lalaki mahihirapan tanggapin ang sitwasyon nya.
“Nga pala baby girl. Hanggang kelan ka ba mag babakasyon dito sa atin?”
“Hanggang bukas nalang po babalik na po ako kila tita bukas. magagawa nyo na ulit mag paka sasa sa ka sesex nyo ni mamzy.” pa irap sagot nya na maharot na tinawanan ng ama na napakalandi talaga. Napailing nalang sya sa magulang na nakakatuwang tingnan pero mahalay lang talaga.
“Yuan Son.” akmang yayakapin ni Susmita ang anak ng umiwas ito. napahinga nalang si Susmita sa inasal ng anak.
“Are you gonna take the operation?”
“Yes ma.” tuwang tuwa naman lumapit ang ama na narinig ang sinagot nya pababa ito ng hagdan sa likod nito ang kuya nya na ngumiting lumapit din. Niyakap sya ng dalawa na noon pa nakikiusap sa kanya na mag undergo na sya ng operation.
“Why? I thought your ready to die?” biro pa ni Byron.
“May kailangan akong balikan sa pilipinas.”
“Are you in love again?” masayang tanong ng ama.
“I think so.”
“Malabong sagot yata yan bro.”
“I don’t want to die because of her is that a proper answer.” sagot naman ni Yuan. Tinapik naman sya ng ama sa balikat.
“I will set an appointment to your doctor.” wika ng ama. Tumango naman si Yuan saka nag paalam na aakyat muna sya sa taas para mag pahinga. Pagod sya sa biyahe at may jetlag pa sya. Umalis sya ng pilipinas right after nyang magaling sa quezon.
He wanted to live gusto pa nyang makasama si Jerryme at gusto pa nya ng tamang kasagutan sa nararamdaman nya para sa dalaga. Hindi pa sya tiyak kung mahal na ba nya ito. Hindi pa nya na aalala ang nakalipas nya. Paano kung maging rebound lang ito sa tunay nyang feelings. Paano kung si Raiza pa rin ang mahal nya. ayaw nyang magkamali ng desisyon kaya mag papa opera na sya at si Jerryme ang dahilan kung bakit gusto pa nyang mabuhay. Iyon ang malinaw sa kanya ngayon.
Agad na naayos ng parents nya ang operation nya. Hawak ang libro na binabasa nag angat sya ng tingin ng pumasok ang ina lumapit ito kaya inilagay na nya sa ilalim ng unan nya libro na di pa tapos basahin.
“The doctor said that all your memory within 3 years that you been gathered will erase permanently in your memory bank.” Hindi tumugon si Yuan. Alam na nya ang bagay na iyon na sabi na sa kanya ng doctor.
Dahil sa pag papatagal nya ng operation lumaki na ang damage area na kailangan maoperahan. Kaya may posibility na mabura ang lahat ng alalang naipon nya sa loob ng 3 years at wala naman problema sa kanya. Wala naman magandang nangyari sa buhay nya sa loob ng 3 years pero may isang taong ayaw nyang makasama sa pag ka bura kaya gagawan nya ng paraan para malala nya ito sa kahit anong paraan.
“Babalik lahat ng alala mo including how you love Raiza.” tumigas ang bagang nya at kumuyom ang kamay nya.
“Hindi ako makiki alam pangako pero sana kung mahalin mo ulit ang babaeng yun kilalanin mo muna sya ng husto.”
“Hindi sya mabuting babae anak maniwala ka sa akin. Piliin mo na lahat ng babaeng mahirap sa mundo hindi ako tutol pero wag si Raiza. Na ngangako ako na di makikialam sa buhay mo anak pero kapag nakita ko na ma aagrabyido ka. Hindi ako basta tatahimik nalang at panonoodin ka.”
“ma’ stop okay! malaki na ako at kaya ko ang sarili ko. Maloko man ako ng babae titiyakin ko sa iyon. i will stand alone. Kaya wag na wag nyo na ulit pakikialaman ang buhay ko kung ayaw nyong maging isa nalang ang anak nyo.”hindi na umimik pa si Susmita na pinisil nalang ang kamay ng anak saka nag paalam na lalabas lang sandali.
Lumapit naman ang kuya Byron nya na galing sa loob ng Cr.
“You shouldn’t talked mom in that way Yuan. She loves you more than she loves me at alam kong alam mo yun.” Mula sa drawer may kinuha itong envelop at binigay sa kanya.
“Ooperahan ka naman na hindi na siguro masama kung makikita mo ang dahilan kung bakit nakialam si Mama sa love life mo.” nagtataka na kinuha ni Yuan ang envelop na nag tataka saka sinilip ang laman saka inilabas. Medyo nagulat sya sa malalaswang picture mukhang picture yun ng screen captured sa isang cctv footage.
It was Raiza having hard f*ck sa isang restaurant restroom. Habang ang isang picture nasa mesa nya. the pictures said that he propose to her that day after makipag s*x sya sa ibang lalaki sa banyo sa iisang restaurant. Gustong sumulak ng dugo nya sa kaalamang iyon.
May mga ilang picture pa 3 silang lalaki sa buhay ni Raiza. Ang isang picture at sa mismong bahay nila ni Raiza. Hindi masyadong kita ang mukha ng babae sa picture dahil nakatalikod ito sa cctv at nasa may pinto palang ng kuwarto nila habang tinitira ito ng lalaki mula sa likod. Napapikit sya saka galit na pinunit ang mga picture. Wala pa syang nalala pero ramdam na ramdam nya sa puso nya ang galit.
Alam nya ang bahay na iyon na alala nya ang ilang eksena ng bilihin nya iyon at itira roon si Raiza. Di sya makapaniwala na nag uwi at nag papasok ito roon ng ibang lalaki.
“Remind me to sell the damn house.”
“do you remember where is that house?” tanong naman ni Byron na ikinakunot ni Yuan.
“Here.” ngumiting umiling si Byron.
“we can’t sell that house dahil kay Raiza iyon naka pangalan at sa philippines naka locate ang bahay around Lipa, Batangas.”
“Your telling me that all along nasa malapit lang sa akin si Raiza and yet hindi nyo sinasabi sa akin.”
“Bakit balak mo ba syang puntahan kung sinabi namin. May pamilya na sya Yuan at sa bahay na binigay mo sila nakatira.” napamura si Yuan di sya makapaniwala.
“I can’t believe na minahal ko ang babaeng yun. I can’t believe na ginusto kong mamatay ng dahil sa kanya.” tinapik sya ng kapatid sa balikat.
“That’s the reason kung bakit nag paka nanay sayo si Mommy. She’s may look bad sometimes well bad naman talaga si mommy.” natatawang sagot pa nito.
“Pero her acts is depends upon the situation. Medyo masakit lang talaga yung ugali nyang pagiging matapobre but her reason seems understandable. Ayaw nyang tumulong dahil natatakot syang samantalahin ng mga kamag anak nya. At sana ma intindihan mo yun.” napabuga ng hangin si Yuan saka kinuha ng libro sa ilalim ng unan.
“I don’t care about raiza anymore.” aniya saka inabot rito ang libro.
“No matter what happen after the operation at nagising ako. Pakibalik sa akin to di ko pa tapos basahin.” kinuha ni Byron ang libro saka tumango.
Sanbakol ang mukha ni Jerryme habang inaayos ang mga files na ginawa nya. Na ipapasa nya kay ma’am Ana. It’s been a month sapol ng bumalik sya sa trabaho pero nag laho na parang bula si Yuan. Ni call or text wala nahihiya naman syang mag tanong kay Ana basta ang alam nya bumalik daw ng Japan si Yuan dahil meron daw family problem na kailangang ayusin. Pansamantalang acting president si Maam Ana habang wala si Yuan. Wala daw katiyakan ang pag babalik ni Yuan kung kelan.
Nakaramdam talaga sya ng inis. Na trauma ba ito dahil sa pamilya nya. Natakot ba talaga ito at na disappoint dahil hindi nito iniexpect ang pamilyang kinabibilangan nya. Marahil nagising na ito sa kahibangan at kaya ito lumayo para maka iwas sa kanya. Gusto nyang masaktan pero ano bang karapatan nya. Wala naman silang relasyon buti nalang din talaga di sya nahulog sa kalandian nito paano pala kung nauto sya nito.
Sya ata ang nagkatrauma sa biglang pagkawala ni Yuan. Pakiramdam nya mas gusto nalang nyang tumandang dalaga baka tulad lang din ni Yuan ang ibang lalaki na tulad nito. guwapo mayaman macho. Ideal guy nya pero di nya na isip noon habang na ngangarap ng ideal guy nya kung matatanggap ba ng lalaki ang pamilya nya.
Hindi nya na isip na possibleng pandirihan ng lalaki ang parents nya. Ayaw naman nyang mangyari iyon. Ayaw nyang ikahiya ang parents nya kaya mas mabuting wag nalang mag boyfriend at humiling sa langit ng ideal guy nya kung si Yuan nga di natanggap ang kalagYan nya. Paano pa ang ibang lalaki.
Nakakainis lang isipin na umalis ito na wala man lang sinabi na kahit anong excuse.