“Baby girl. Gising may nag hahanap sayo.” umungol si Jerryme na imbis na gumising ay hinila pa ang unan para itakip sa mukha.
“Baby girl. Sabi ng may nag hahanap sayo boss mo daw sya at gustong umakyat ng ligaw.” nakasimangot na inalis ni Jerryme ang unan sa mukha at tingnan ang ama saka inabot ang cellphone para tingnan ang orasan. Mag 7am palang ng umaga.
Pa 2 days palang nya sa bayan nila. Di nya sinabi sa magulang ang problema nya. Iyon din ang bilin ng tita agnes nya.
“Papzy ano ba naman yang suot nyo. Nakakadiri naman.” reklamo ni Jerryme ng mapansin naka boxer short lang ito at bakat na bakat ang goliat ng ama kung tawagin.
“Aba pesteng bata to baka nalilimutan mo kung di dahil kay Goliat walang baby girl na kasing ganda mo sa earth.” malanding wika ng ama na may pagdakot pa sa alaga nito. Na ikinatawa nalang nya.
“Bumangon ka na dyan ayusin mo sarili mo. May Fafets sa baba boss mo daw sya. Gustong umakyat ng ligaw. pag ka inaga ng manliligaw mo baby girl. Talagang sinundan ka pa hanggang dito.”
“sinong boss?” taka pang tanong nya na bumangon ng paupo.
“Aba malay ko. Labasin mo kaya ng malaman mo. At ikaw na maldita ka bago ko malimutan nanaman. Lagi lowbat ang cellphone namin ng Mamzy mo sa daming tumatawag na manliligaw mo. Cellphone nanaman namin ang pinag kalat mo.”
“Wag nyo nalang pansinin.”
“Aba puno na ang blocklist namin ng mamzy mo. bilisan mo na dyan bumangon at nag hahanda na ng almusal ang mamzy.” wika pa ng ama na pakembot kembot pang lumabas.
Nasa banyo na sya at naliligo ng bigla pumasok sa isip nya ang sinabi ng ama na boss daw nya na aakyat ng ligaw? Sinong boss si Yuan ba? bigla tuloy napabilis ang paliligo nya di na sya nakapag conditioner sa pag mamadali.
Agad na hinanap nya ang sinasabi ng ama pero di nya nakita si Yuan sa salas nila kundi isang bungkos lang ng bulaklak at isang may kalakihan na huggable bear na kulay puti sa pag silip nya sa labas di pa man nya na kikita ang bisitang sinasabi ng ama na kumpirma nga nyang si Yuan ang sinasabi ng ama. Di nya makita ang motor nito pero naroon sa terrace nila ang body jacket at gear nito saka helmet. Marahil nasa harapan ng Shawarma Parlor nila ang motor ni Yuan.
“Baby girl.” paglingon nya nakita nya ang ama sa may pinto ng kusina nila kanugnog na rin ng dinning area nila.
“Sinong sinisilip mo dyan nandito sa kusina ang boyfriend mo.”
“Papzy.” bulalas ni Jerryme na napatakbo sa ama.
“Di man lang kayo nag bihis kakahiya sa hitsura nyo.” mariin na wika nya sa ama habang papasok sa dinning.
“Bakit ba parehas lang naman kaming meron golait diba baby boy.” wika ng ama na tinapik pa sa balikat si Yuan na halatang di na makapag taas ng ulo. Mukhang na tatrauma ito sa hitsura ng papa nya. Kitang kita kasi sa kilos at pananalita nito ang kabaklaan maliban lang sa hitsura nitong mukhang macho dancer.
“Mamzy.” mas lalo ng na eskandalo si Jerryme ng makita ang ina na humarap bitbit ang sinangang na kanin. naka pang basketball sando lang ito at jersey short din pero wala itong suot na bra kaya bakat na bakat ang n****e nito at kapag tumataas naman ang kamay nito nakikita sa gilid ng braso nito ang kabuuan ng dede ng ina nya.
Parang gusto na nyang kainin ng lupa sa kahihiyan. Kaya naman pala halatang halatang ilang na ilang na si Yuan at di makapag taas ng tingin. May pag yuko pa ang mamzy nya kaya lalong nakikita ang dibdib nito na parang walang pakialam sa earth buti sana kung maliit lang kaso malaki ang dibdib ng ina kaya nakakailang talaga.
“Oh! baby boy kain na.. wag ka ng mahiya sa amin.”
“thank you po.” napalunok pa si Yuan at nakita nyang napapikit pa ito ng lumapit ang ina rito para ilapit rito ang tinimplang kape.
“Mamzy… upo na kayo ako na mag iintindi sa bisita ko.” kulang nalang pag tulakan na nya ang ina paupo sa pabilog nilang mesa na sinauna pang panahon.
“Baby boy… goliat din ba yan nakatago dyan sa ilalim ng pantalon mo.. baka naman lugi lang ang anak ko sayo balita ko e maiiksi ang sandata ng mga hapon.”
“Papzy.” bulalas ni Jerryme na itinulak na din ito sa upuan nito.
“Bakit ba? baby girl.. gusto ko lang malaman kung daks o juts tong boyfriend mo. Hindi masarap kapag juts.” napapikit si Jerryme. Tumawa lang naman ang ina na sumandok na ng pagkain.
“American British japanese po ako and my mother is pure pilipina.”
“Kung ganun Daks yan baby boy.”
“Papzy.” saway na ni Jerryme na paupo na sa upuan nya katabi ni Yuan.
“definitely sir.”
“Good! welcome to our family Adornado.” tili pa ng papa nya.
“Thank you sir.”
“Kumain ka na papzy tanghali na tayo mag bubukas pa tayo ng tindahan.” wika ng ina nya na pinag hain na ang ama.
“Sabay nalang tayo maligo parang gusto kong gawan ng kapatid itong si Baby girl.” maharot na wika ng ama na talaga naman ikinabuga nya ng iniinom na kape. Tawang tawa pa ang parents nya habang si Yuan naman ay hinagod ang likod nya at inabutan pa sya ng tubig.
“Di ka pa masanay sa amin ng mamzy mo. Hobbies namin ang mag s*x lalo na nung wala ka kaya bumalik ka na sa tita Agnes mo. At let me just remind you baby girl baby boy… ayoko pa ng apo maliwanag.” Puro kahalayan ang lumalabas sa bibig ng parents nya at di na sila maka react ni Yuan at di na rin sila makatinginan parehas na silang nanhihiya sa isat isa.
“Oh! nandyan lang kami sa kabila kayong dalawa ha… puwedeng mag gergeran pero hindi puwedeng makabuo ng bata nag kakaliwanagan ba tayo baby boy.” wika pa ng ama ng makabihis na ng maayos ang dalawa at palabas na ng bahay.
“Mabuti pa igala mo nalang itong boyfriend mo dito sa atin tutal ay may motor naman. Wag na kayong mag stay dito sa bahay at baka makabuo kayo ng di oras.” kanina pa sya kulay kamatis dahil sa kahalayan ng bibig ng parents nya maging si yuan ay mapula naman ang tenga.
“Bakla at tomboy ang parents ko.” simula ni Jerryme sa pag kukuwento habang nasa isang beach resort sila. Mainit kaya nasa ilalim lang sila ng isang malaking puno ng niyog na may nakasabit na duyan.
“ikaw babae ka ba o lesbian?” tanong nito natawa naman syang nilingon ito.
“Babae ako.”
“then bakit di mo ako gusto.”
“Are you wearing concealer cream.” tanong nalang ni Jerryme. Napabuga ng hangin si Yuan.
“Ayokong humarap sa parents mo na may bruises.”
“Kaya black na rin ang buhok mo?” tumango ito.
“Bumalik ka na sa company sa monday. iintayin kita.”
“Sinabi mo ba sa parents ko na nanliligaw ka?”
“Yes because i think it’s the proper things to do kung di kita madaan sa santong pas pasan. I think i need to get through this.”
“Kaso na disappoint ka ng ma meet mo ang parents ko. Si tita Agnes ba ang mag turo sayo ng address namin at nag motor ka lang from sto. tomas to here.”
“Im not totally disappointed nasabihan na rin naman ako ni Agnes kung anong aabutan ko dito. Medyo nagulat lang sako sa aperance nila.” napangiwi si Jerryme. Sabagay mahalay naman sadya ang hitsura ng magulang nya kanina.
“Paano sila nag kakilala.”
“Sa bar. Nalasing at nakapag 1 night stand sila at ta-da nabuo ang isang magandang gaya ko.” natatawang biro nya.
“Are they in love.” umiling si Jerryme.
“But eventually because of me they decided to get married then they fell in love after ng mag sama sila.”
“They seem to love each other.”
“yes i believe so.”
“Bakit wala kang kapatid sabi nila hobbies nila ang sex.”
“Nag ka problema ang mother ko sa matress basta ganun kaya di na sila makabuo.”
“Natatakot ako paano kapag nagkaanak tayo at maging tulad nila. Di ko alam kung kakayanin ko.” natawa naman si Jerryme.
“Nag punta ka dito diba para pabalikin ako ng company. So ano nanaman yang lumalabas sa bibig mo.” bumuga ng hangin si Jerryme.
“Bago ako pumunta dito. Sure na ako na ikaw ang gusto kong pakasalan but meeting you parents makes me scared. Gender problem may inherit thru generation. paano kung magkaroon ako ng anak sayo na gay or lesbian.” Alanganin na ngumiti si Jerryme. Di nya alam pero parang may kurot sa puso nya ang sinasabi nito.
“Tsk! kaya nga humanap ka nalang ng iba kesa nag papaka stress ka lang kakaisip ng future saka parang sure na sure ka na papayag akong mag pabuntis sayo ah.” lumingon si Yuan sa kanya.
“you will in the right time.”
“Wag kang umasa.”
“bakit hindi. Ikaw na din ang nag sabi na hindj mahal ng parents mo ang isat isa pero dahil sayo nag mahalan sila sa kabila ng gender problems nila.”
“So anong connect.” natatawang tanong ni Jerry.
“That you might also fall in love with me eventually kaya bubuntisin nalang din kita.” ngumisi si Yuan.
“akala ko ba matatakot ka.”
“i am pero ikaw lang talaga ang babaeng pinag nanasaan ko ng sobra.” napangiwi naman si Jerryme.
“i want to fall in love Sir Drake.. and felt to be love by someone i loved. Gusto kong maranasan kiligin. Makaranas ng feeling na na mimiss ko sya … gusto kong mag pa sweet at manlabing. Gusto kong ibigay lahat ng pag mamahal na meron ako sa puso ko sa lalaking pipiliin nito.” tinuro nya ang tapat ng puso nya.
“i want to felt special to someone. hindi yun makikita lang ako bilang ka s*x. Hindi yun laman lang ako ng mga wet dreams. I wanted to be loved Sir Drake.”
“What if i love you thats why i also want you.” tumawa si Jerryme.
“mag kaiba ang s*x sa love sir.. yan ang hirap sayo e. masyado kang mahilig kaya di mo na alam ang pinag kaiba ng dalawa.”
“kung makapag salita ka as if naman parehas kang may experience. Let me just remind you hindi ka pa nag kaka boyfriend so hindi ka pa nag mamahal. Hindi ka rin marunong humalik kaya technically wala ka pa rin experience sa s*x kaya stop lecturing me… the difference of love and sex.”
“Hindi naman kailangan may experience para di mo malaman ang pag kakaiba ng dalawa. Hello!”
“But it doesn’t prove anything. Example nalang ang parents mo. Hindi nila mahal ang isa’t isa ng una pero s*x matters at isa kang bunga ng s*x na naging hobbies nila.” tumarak naman ang mata ni Jerryme sa ginawang excuse ni Yuan. Basta may mailusot lang talaga.
“Oo na! Oo na! basta sinasabi ko na sayo wag ka ng umasa dahil oras na makakilala ako ng pangarap kong lalaki. lalandi agad ako at yayain ko syang magpakasal.”
“Then goodluck. May the best woman man win.” ani Yuan na nakipag shakehands pa sa kanya.
Kung saan saan sila pumunta ni Yuan kanina natatakot pa syang umangkas rito pero nasanay na sya nakayakap sa likod nito. Dinala nya ito sa school nya ng elementary sya maging noon nag high school sya. Sinama din nya ito sa simbahan ng makita nito iyon ito pa ang nag yaya na mag tirik daw sila ng kandila kaya pumayag na sya pero ang di nya inaasahan ay ang pag halik nito sa kanya after nilang sabay mag dasal. Ngumiti pa ito saka hinawakan sya sa kamay na lumabas na sila ng simbahan. Napailing nalang sya rito nag yaya itong bumili daw sila ng seafoods nakita daw nito kanina doon malapit sa beach na maraming nag titinda. Kaya bumalik nanaman sila sa may beach para lang bumili ng seafoods gusto sana nito marami kaso sabi nya di puwede dahil di nya kayang hawakan buti sana kung di ito mabilis mag patakbo.
Tuwang tuwa naman ang parents nya ng umuwi sila na may dalang mga seafoods na agad naman iniluto ng papa nya.
“No! bukas ka na umuwi hindi ka namin papayagan umuwi ngayon gabi na nakakatakot na ang kurba dyan sa bundok. Baka maagang mabyuda itong baby girl ko hindi puwede.” matigas na wika ng papa nya.
“Tsk! Papzy.”
“Basta wag matigas ang ulo. Malaki ang kuwarto ni Jerryme kasya na kayo sa kama nya basta ang bilin ko bawal bumuo ng bata.”
“Ano ba yan? Papzy.”
“Gusto ko lang malinaw. Matanda ka na Jerryme at darating ang time na mag aasawa ka rin. Nagiging open minded lang kami ng mamzy mo pero dahil sya ang unang lalaki na pinayagan mong pumasok dito sa pamamahay natin sa dami mong naging manliligaw noon highschool kapa. Umaasa rin ako na sya na din ang lalaking pakakasalan mo.”
“Makakaasa ba kami sayo Yuan.” tanong naman ng mamzy nya. Pinandilatan naman ni jeryme si Yuan.
“Yes Mamzy. You can count me in.” sagot ni Yuan na ikinapikit nalang ni Jeryme.
“Puwede ba wag mo ng kalikutin ang mga yan.” saway ni Jeryme kay Yuan na panay ang tingin sa mga pictures nya sa picture frame. Naka pang basketball na damit si Yuan pinahiram ng mama nya buti nalang kasya kay Yuan. Akala nya mag iinarte ito dahil hindi bago ang damit buti nalang pumayag ito na suotin. Ayaw naman nitong suotin ang mga floral short at spaghetti blouse ng papa nya.
“Mahiga ka na.” pinag latag nya ito sa sahig. Ayaw nya itong katabi sa kama at hindi rin sya sanay na may katabi sa kama.
“ang sabi ni Papa mo tabi tayo matutulog bakit nandito ako sa sahig.” reklamo nito ng nakahiga na sila pareho.
“Ayoko ng may katabi.”
“Hindi naman ako abot ng electric fan.” reklamo pa ni Yuan.
“mamaya madaling araw malamig na dito mahihiya ang aircon sa kuwarto mo.”
“Dyan nalang kasi ako sa tabi mo. Wala naman akong gagawin kung di mo gusto.”
“Kailan ka pa natutong mag tagalog?” tanong nalang ni Jerryme na bahagyang silip si Yuan sa baba.
“Since birth mas more lang kami sa english kaya medyo slang ako ng konti pero konti lang.” napatango naman si Jeryme.
“Jerryme..”
“ano?”
“what’s that?” tanong ni Yuan ng may makitang insecto na naka ibabaw ng study table nya nakadikit sa isang picture frame nya.
“Patango.”
“lumilipa——— sh**t” sigaw ni Yuan na biglang napatalon sa ibabaw ng kama nya ng biglang lumipad ang insecto malapit sa hinihigaan nito kanina. Muntik na syang madagan nito kung kumilos sya. Ang bilis nito nakapag tago agad sa ilalim ng kumot nya.
Natatawa naman bumangon si Jerryme at hinuli ang insecto. Hindi nabago ang puwesto ni Yuan sa ilalim ng kumot nya.
“Yuan hoy… sir drake., mabait to tingnan mo.”
“Jerryme stop it!” angil ni Yuan na nakikipag hilahan ng kumot sa kanya.
“tingnan mo lang mabait to promise.”
“throw it away please.”
“Kapag tiningnan mo to i kikiss kita promise.”
“no thank you.. throw it away.” matigas na tugon ni Yuan.
Inihagis na ni Jeremy ang insecto palabas ng bintana.
“wala na alis ka na dyan.”
“Ayoko dito ako matutulog kung gusto mo ikaw dyan sa sahig.”
“napaka ungentleman mo naman Sir Drake.”
“I don’t care baka mamaya bumalik nanaman yun. Mas safe ako dito bahala ka dyan.”
“Kama ko yan.”
“hindi ko naman inaangkin. Saka kasya naman tayo dito unless nalang ikaw ang may balak na masama sa akin.”
“Kapal ng mukha mo. Sige fine matulog tayo ng magkatabi. Tingnan ko lang kung sino mahihirapan sa atin dalawa.” humiga na si Jeryme sa tabi ni Yuan at sumukob sa kumot after patayin ang ilaw.”
“Putol sa akin lahat ng puwedeng putulin sayo kapag—— Yuan.. Ssssshhht Yuan.. Sir Drake tulog ka na agad.” natatawang tawag ni Jerryme.
“Shut up! Nag coconcentrate ako para makatulog ng maayos.” natawa naman may tunog si Jerryme na napasinghap ng biglang humarap si Yuan at mag tama ang ilong nila.
“Oh! bakit tumigil ka.. laugh all you want.” akmang lalayo si Jeremy sa binata ng pigilan sya nito at nanlaki ang mata nya ng halikan sya nito sa labi ilang segundo din iyon nag tagal bago naramdaman nya ang pagbuga nito ng hangin at naramdaman nya ang pag haplos nito sa mukha nya saka sya pinaunan sa braso nito saka niyakap ng mahigpit.
“Let’s sleep and dream each other.” napalunok si Jerryme. Aatakihin ata sya sa puso sa ginawa ni Yuan. mukhang hindi na safe ang puso nya para sa Yuan na to.